Gumawa ang Diyos ng babae at lalaki. (Papakita Jammea at Paolo) Tumira sila sa Magandang Halamanan ng Eden na napapaligiran ng lahat ng uri ng halaman at puno. (Naglibot si Jammea at Paolo, manghang-mangha) Hinayaan sila ng Diyos na kumain ng bunga ng bawat puno, maliban sa isa (papakita si Brylle). Ito ang Puno ng Kaalaman, ito ay puno tungkol sa Mabuti at Masama. Narrator (Mico): Pinatakuso ang ahas sa lahat ng mababangis na hayop na ginawa ni Yawe-Diyos. (Magpapakita ang ahas sa tapat ni Eva (Jammea)) Ahas (Kert): Sinabi ba talaga ng Diyos na hindi kayo dapat kumain ng bunga ng alinmang puno sa hardin? (Maangas ang salita) Eva (Jammea): Makakain naming ang bunga ng mga puno sa hardin, ngunit maliban para sa bunga ng punong nasa gitna ng hardin (ituturo si Brylle) Sabi niya’y huwag naming kakainin iyon ni hipuin man lang, kung hindi mamatay kami. Ahas (Kert): Hindi kayo mamamatay, ngunit alam ng Diyos na sa oras na kainin ninyo iyon, mamumulat ang inyong mga mata at matutulad kayo sa mga diyos na alam ang Mabuti at Masama. (Ngiting pang-demonyo) (Nilapitan ni Eva ang puno) Narrator (Mico): Sa tingin ng babae ay katakam-takam ang bunga ng puno at masarap kainin, at tunay na magandang paraan upang magtamo ng kaalaman. (Pinagmasdan ni Eva ang puno, pumitas ng bunga, at kinain iyon. Inabutan si Adan at kumain din.) Narrator (Mico): Narinig nila ang yabag ni Yawe-Diyos na namamasyal sa Hardin. (Naglalakad si Laurence) (Naglakad si Eva at Adan at nagtago sa likod ng mga puno.) Diyos (Laurence): Adam, nasan ka? Adan (Paolo): Narinig ko ang iyong tinig sa hardin at natakoit ako dahil ako’y hubad kaya ako nagtago. Diyos (Laurence): Sino nagsabi sa iyong hubad ka? Kumain ka ba ng bunga ng puno na inutos kong huwag ninyong kainin? Adan (Paolo): Ang babaeng isinama mo sa akin, siya ang nag-abot ng bunga na mula sap uno, kaya kumain ako. Diyos ( Laurence): Ano ang ginawa mo? Eva (Jammea): Nilinlang ako ng ahas kaya ako kumain. (Nilapitan ni Laurence si Kert) Diyos (Laurence): Dahil sa ginawa mong ito, ikaw ang susumpain sa lahat ng mababangis na hayop at iba pang mga hayop! Gagapang ka at kakain ng alikabok sa lahat ng araw ng iyong buhay! (Gigil dapat magsalita) Pagkakagalitrin ko kayo, ikaw at ang babae, ang iyong supling at ang kaniyang supling- dudurugin nito ang ulo mo, at tutuklawin mo ang kaniyang sakong. (Nilapitan ni Laurence si Jammea at hinipo ang pisngi) Diyos (Laurence): Daragdagan ko ang iyong paghihirap sa pagdadalantao, at manganganak ka sa sakit. Kakailanganin mo ang iyong asawa, at siya ang makapangyayari sa iyo. (Nilapitan ni Laurence si Paolo) Diyos (Laurence): Dahil nakikinig ka sa babaeng asawa mo, at kinain mo ang bunga ng puno na ipinagbabawal ko sa iyong kainin, sumpain ang lupa dahil sa iyo! Paghihirapan mo ang iyong kakainin sa buong buhay mo. Sa paghahanap mo ng gulay sa parang, mga tinik at dawag ang isisibol ng lupa para sa iyo. Sa pawis ng noo mo manggagaling ang tinapay na iyong kakainin hanggang magbalik ka sa putik yamang doon ka kinuha, sapagkat ikaw ay alabok at sa alabok ka babalik. (Iniikutan ni Laurence si Paolo habang nagsasalita) Narrator (Mico): Pinangalang Eva ng lalaki ang kaniyang asawa, sapagkat siya ang ina ng lahat ng nabubuhay. Gumawa si Yawe-Diyos ng mga damit na katad para sa lalaki at sa babaeng asawa nito, at dinamitan niya sila. (Habang binabasa ni Mico ang last line, naglalakad pa-out si Paolo, Jammea, Kert, at Brylle)