You are on page 1of 18

WELCOME TO

SUNDAY
SCHOOL
LET’S
PLAY
Robot
Ang Pagkahulog

Image taken from: truewaykids.com


Genesis 3:1-21
1 Sa lahat ng hayop na nilikha
ng Panginoong Dios, ang ahas
ang pinakatuso. Minsan,
tinanong ng ahas ang babae,
“Totoo bang pinagbabawalan
kayo ng Dios na kumain ng bunga
Image taken from: truewaykids.com
ng alin mang puno sa
halamanan?”
2 Sumagot ang babae,
“Makakain namin ang kahit
anong bunga ng puno rito sa
halamanan, 3 maliban lang sa
bunga ng puno na nasa gitna ng
halamanan.
Sapagkat sinabi ng Dios na hindi kami dapat kumain o humipo man lang
ng bunga ng punong iyon. Kapag ginawa namin iyon, mamamatay kami.”
4 Pero sinabi ng ahas, “Hindi
totoong mamamatay kayo! 5
Sinabi iyan ng Dios dahil alam
niya na kapag kumain kayo ng
bungang iyon, mabubuksan ang
mga isip ninyo, at magiging
katulad niya kayo na
nakakaalam kung ano ang
mabuti at masama.”
6 Nang pinagmasdan ng babae
ang puno, napakaganda nitong
tingnan at ang bunga ay parang
masarap kainin, at dahil sa
pagnanais niyang maging
marunong, pumitas siya ng bunga
at kumain nito. Binigyan din niya
ang kanyang asawa na kasama
Image taken from: truewaykids.com
niya, at kinain din ito.
7 Pagkatapos nilang
kumain, nalaman nila kung
ano ang mabuti at ang
masama, at napansin nila
na hubad pala sila. Kaya
pinagtagni-tagni nila ang
mga dahon ng puno ng igos
para ipantakip sa kanilang
katawan. Image taken from: truewaykids.com
8 Pagdating ng hapon, narinig nila na lumalakad ang Panginoong Dios
sa halamanan. Kaya nagtago sila sa mga puno doon. 9 Pero tinawag
ng Panginoong Dios ang lalaki, “Nasaan ka?” 10 Sumagot ang lalaki,
“Narinig ko po kayo sa halamanan, kaya nagtago ako. Natatakot po
ako dahil hubad ako.”
11 Nagtanong ang Panginoong Dios,
“Sino ang nagsabi sa iyo na hubad
ka? Kumain ka ba ng bunga ng
punongkahoy na sinabi ko sa iyo na
huwag ninyong kakainin?”

Image taken from: truewaykids.com


12 Sumagot ang lalaki, “Ang babae po kasi na ibinigay nʼyo sa akin ay
binigyan ako ng bunga ng punongkahoy na iyon at kinain ko.” 13
Tinanong ng Panginoong Dios ang babae, “Bakit mo ginawa iyon?”
Sumagot ang babae, “Nilinlang po kasi ako ng ahas, kaya kumain po
ako.”
14 Kaya sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, “Dahil sa ginawa mong ito,
parurusahan kita. Sa lahat ng hayop, ikaw lang ang makakaranas ng
sumpang ito: Sa buong buhay moʼy gagapang ka sa pamamagitan ng
iyong tiyan at ang bibig mo ay palaging makakakain ng alikabok. 15
Ikaw at ang babae ay mag-aaway. Ang lahi mo at ang lahi niya ay
mag-aaway din. Dudurugin niya ang ulo mo at tutuklawin mo ang
sakong niya.”
16 Sinabi rin niya sa babae, “Dahil sa ginawa mo, dadagdagan ko ang
paghihirap mo sa pagbubuntis at mararamdaman mo ang sobrang
sakit sa iyong panganganak. Pero sa kabila niyan, hahangarin mo pa
rin ang iyong asawa at maghahari siya sa iyo.”
17 Sinabi rin niya sa lalaki, “Dahil naniwala ka sa asawa mo at kumain
ng bunga ng punongkahoy na ipinagbawal ko sa inyo, susumpain ko ang
lupa! Kaya sa buong buhay mo ay magpapakahirap ka nang husto
para makakain. 18 Tutubo sa lupa ang mga damo at halamang may
tinik. Ang kakainin moʼy manggagaling sa mga pananim sa bukid. 19
Kinakailangang magpakahirap ka nang husto para makakain, hanggang
sa bumalik ka sa lupa na iyong pinagmulan. Dahil sa lupa ka nagmula, sa
lupa ka rin babalik.”
20 Pinangalanan ni Adan ang asawa niya na “Eva” dahil siya ang
magiging ina ng lahat ng tao. 21 Pagkatapos, gumawa ang Panginoong
Dios ng damit mula sa balat ng hayop para kay Adan at sa asawa
nito.
LET’S
PRAY
LET’S
WORSHIP
GOD
THANK YOU
See You Next Time!
STAY FOR
A SNACK

You might also like