You are on page 1of 1

John Miel N.

Reyes Araling panlipunan

G8-SSC Mrs. Debbie Bon Bendaña

Napakaraming katanungan, na kailangan ng kasagutan.

May isang batang nagtanong sa magulang, 'Anong ang nauna manok o itlog?'. " Sabi sa bibliya, nilikha
ng Diyos ang mga hayop sa lupa nung ikalimang araw, kaya't masasabi kong manok ang nauna", sagot
ng Ama. "Ngunit, sabi naman sa agham, lahat ng bagay ay nagmula sa maliit, at saka lumaki kaya't
nasisisguro ko na, itlog ang nauna" sabat naman ng ina. Napakarami talagang tanong sa mundo, ang
napakahirap ipaliwanag. Lalo na at may iba't-iba tayong paniniwala.

"Kung mabibigyan ka ng pagkakataong ipahayag at ipaliwanag sa sangkatuhan, kung paanoo nabuo


ang daigdig, anong teorya ang gagamitin mo, ayon sa Libro ng Diyos o sa Siyentipikong pag-aaral?"

Alam kong napapakaraming ideya ang pumapasok sa isip nyo. Ngunit hayaan nyo akong , ipaliwang ito
sa inyo gamit ang isang kwento. Isang tanghali, habang nagbabasa ng dyaryo ang isang ama, nagtanong
ang bata, "Saan nagmula ang mundo?", "Anak ang mundo ay ginawa ng diyos" saad ng ama, "Ama, ilang
taon po ginawa ang mundo" sabat ng anak. "Anim na araw ang iginugol ng diyos sa pagbuo ng mundo at
sa ikapitong araw, siya ay nagpahinga na" paliwanag ng ama. "Napakamakapangyarihan naman ng diyos,
ngunit ama, sino ang gumawa sa Diyos?". "Walang gumawa sa diyos, umiiral na talaga siya". Naging
sapat na sa bata ang sagot ng ama. Ngunit, napapaisip parin ang bata lalo na sa kanyang paglaki.

Kung iisipin natin, kung Diyos ang gumawa sa mundo, saan naman nagmula ang Diyos? Katulad lang ito
ng pagkabuo ng Mundo, ngunit di ka ba napapisip, paano nagbuo ng diyos ang mundo ng anim na araw?
Kaya para sakin mayroon pang ibang paliwang kung paano nabuo ang mundo, ito ang Siyentipikong pag-
aaral. Ayos sa Big bang theory, ang mundo ay nagmula sa masikip at napakinit na sa estado, 13.7 bilyong
taon na ang nakalilipasat lumawak na naging sanhi ng paglamig ng uniberso. Sa maikling salita nagmula
ang daigdig sa maliit muna at lumaki, na kaparehas ng paliwag kung ano ang nauna sa itlog. Napakarami
paring teorya ang nagpapahayag ng iba't ibang paliwanag, ngunit ni isa pa sa mga ito, ang maituturing na
nga nating kasagutan.

Kaya't kung ako ang tatanungin, Napakaganda na lang sigurong, ituro parehas ang mga ito habang
wala pang kasagutan. Dahil parehas ang agham at Diyos ay may malaking parteng ginagampanan sa
buhay natin. Kaya't nararapat na lamang sigurong, ipahayag pareho ang paniniwala ng agham at bibiliya
kung paano nabuo ang mundo.

You might also like