You are on page 1of 10

SALAMIN MO AKO,

KAIBIGAN
ARALIN 3
CROSSWORD PUZZLE
Hanapin at tukuyin ang limang tao na sa
palagay mo ay nakatutulong upang
magamit mo sa kabutihan ang iyong
kalayaan.
C S A S H P Q A O A U A

L W R U V B U I L C K D

F Y P R H A H O H P K O

F V M A G U L A N G J K

R D N W R C J A K O C L

I D C M K I U T R O V W

L X A K O P T U R Y X Z

T F E W F W G K S T U R
Kalayaan Ko ang Magpasya
Ang kalayaan ay isang napakahalagang karapatan ng bawa’t
tao, kung meron ka nito, walang gumagapos o pumipigil sa
anumang iyong ninanais at nilalayon sa buhay.
Mayroon kang laya na gampanan ang mga bagay na mag
papaunlad at magpapaligaya sa iyo.
Malaya kang lumikha, humimok, at magtatag at magsagawa
ng mga makabuluhang bagay na ikauunlad ng iyong sarili,
mga kasamahan, at maging ang iyong pamayanan.
Ang kalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa
kabutihan.
Ayon sa Gen 2: 15-17
“Inilagay ng Panginoong Yahweh ang tao sa halamanan ng
Eden upang ito'y pagyamanin at pangalagaan. Sinabi niya sa
tao, Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa
halamanan, maliban sa bunga ng punongkahoy na
nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama.
Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat
sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka.”
Sa paggawa ng mabuti kaakibat nito ang konsensya na siyang
nagdidikta kung alin ang tama at mali.
Ayon sa Gen 3: 6-7
“Nang pinagmasdan ng babae ang puno, napakaganda nitong tingnan
at ang bunga ay parang masarap kainin, at dahil sa pagnanais niyang
maging marunong, pumitas siya ng bunga at kumain nito. Binigyan din
niya ang kanyang asawa na kasama niya, at kinain din ito.
Pagkatapos nilang kumain, nalaman nila kung ano ang mabuti at ang
masama, at napansin nila na hubad pala sila. Kaya pinagtagni-tagni
nila ang mga dahon ng puno ng igos para ipantakip sa kanilang
katawan.”
Kailan tinatama ang mali at kailan pinayayabong ang
kabutihan.
Ayon sa Gen 3: 22-23
Sinabi ng Panginoong Dios, “Ang tao ay naging katulad na natin
na nakakaalam kung ano ang mabuti at masama. Kinakailangang
hindi siya pahintulutang kumain ng bunga ng punongkahoy na
nagbibigay ng buhay, dahil kung kakain siya, mananatili siyang
buhay magpakailanman.” Kaya pinaalis siya ng Panginoong Dios
sa halamanan ng Eden para sakahin ang lupa na pinagmulan
niya.
Mapalad ang mga taong nakamit ang mabuting kalayaan sapagkat
isinasabuhay nila ang mga aral na napasimulan ng kanilang mga magulang.
maging sa paglabas niya sa mundo ng pakikisama. Sa mga karanasan naman
ng tao na mali ang natahak na pagpapasya, hindi dito nag tatapos ang
isang kahinaan, bagkus hanapin ang sarili na maitayo ang kabutihan,
maging gabay at inspirasyon ang ibang tao na makakalap ng kaliwanagan
upang iwaksi ang masama laban sa kabutihan. ito ang katuparan ng
pangarap ng isang taong tumatahak sa kabutihang kalayaan.

CONCLUSION
To God be all the
Glory
Sagutin ayon sa sariling karanasan

1) Paano mo ginagamit ang kalayaan na pinagkaloob sa iyo


ng ating Panginoon? Ito ba ay mabuti o masama?

2) Balikan mo ang isang karanasan sa buhay mo na nagamit


mo ang iyong kalayaan sa mabuti. Isulat ang iyong
karanasan.

You might also like