You are on page 1of 11

Liksyon 2 para sa ika-13 ng Abril, 2019

MGA GINGAWA NATING PAGPILI


Araw-araw ay pumipili tayo. Ang iba sa kanila at pangkaraniwan at di mahalaga,
ngunit ang ilan ay maaaring makaapekto sa ating buhay na walang hanggan (Josue 24:15).
Ang ating pagpili ay maaaring makapagbago ng buhay natin o ng ibang nasa palibot
natin (sa positibo o negatibo). Isipin natin ang pagpili nina Cain, mga kapatid ni Jose,
Kora, Datan, at Abira; o nina Cornelio, ang bantay-piitan na taga Filipos, at ang asawa
ng taong nagduda 1 Corinto 7:16).
Pag-aralan natin ang payo ng Biblia
sa pangkalahatang pagpapasya at
sa pagpili ng pinakamahahalagang
pasya sa ating buhay.

PAANO PUMILI
Malayang pagpili
Pagpili ng tama

ANONG DAPAT PILIIN


Pagpili ng mga kaibigan
Pagpili ng asawa
Pagpili ng kurso
MALAYANG PAGPILI
“Sapagka't siyang kalooban ng Dios, na dahil sa paggawa ng mabuti ay
inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong palalo: Na gaya
nang kayo'y mga laya, at ang inyong kalayaan ay hindi ginagamit na
balabal ng kasamaan, kundi gaya ng mga alipin ng Dios.” (1 Ped 2:15-16)

Ang Biblia ay nagpapahayag na tayo ay


ginawa ng Dios na may malayang
kalooban. Iyon ay, malaya tayong
makakapagpili, at hinihimok tayo na pumili
tayo ng tama. (Galacia 5:13; Deuteronomio
30:19).
Nililimitahan ng kasalanan ang ating malayang kalooban sa
pagpili ng tama, ngunit lubusan tayong malaya kay Jesus.
(Juan 8:36).
Sa Kanyang pag-ibig, pinili na
tayo ng Dios para sa buhay
na walang hanggan bago pa
tayo likhain (Efeso 1:4).

Gayunman, dapat araw-araw nating piliin na tanggapin


ang kaligtasang iyon (Juan 3:16; Josue 24:15).
“Ang ugaling ating nililinang, ang saloobin na ginagampanan
natin ngayon, ang nagtatakda ng ating kahihinatnan sa
hinaharap. Lahat tayo’y pumipili, pwedeng upang mapabilang
sa mga mapalad, sa loob ng Syudad ng Liwanag, o mapabilang
sa mga masama, sa labas ng syudad.”

E.G.W. (Reflecting Christ, October 16)


MAKING THE RIGHT CHOICES
“Magsiparito ngayon, kayong nagsisipagsabi, Ngayon o bukas ay magsisiparoon kami
sa gayong bayan, at titira kami doong isang taon, at mangangalakal, at magtutubo:
[…] Ang dapat ninyong sabihin ay, Kung loloobin ng Panginoon ay mangabubuhay kami,
at gagawin namin ito o yaon.’” (Santiago 4:13-15)
Kaginhawaan, takbo ng kultura, impluwensya ng kasama, emosyon, mga ugali,
at tanging kagustuhan ay hindi maaasahang mga gabay sa pagpili. Ayon sa
Biblia, paano tayo makakapipili ng tama?

Manalangin bago Maging handang Pag-aralan ang Biblia


pumili (1 Tesalonica sumunod as Dios (Awit 119:105; 2
5:17;Santiago 1:5) (Isaias 1:19; Mateo Timoteo 3:16)
7:24-25)

Magtiwala sa Dios Humanap ng


(Kawikaan 3:5-6; matalinong mga
Isaias 58:11) tagapayo
(Kawikaan
15:22; 24:6)
PAGPILI NG KAIBIGAN
“Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa
mainiting tao ay huwag kang sasama: Baka ka matuto ng
kaniyang mga lakad, at magtamo ng silo sa iyong
kaluluwa.” (Kawikaan 22:24-25)
Ang kaibigang pinipili natin ay maaaring
magdala sa atin tungo sa tama o maling
landas.
Ang mabuting kaibigan “ay nagmamahal sa
lahat ng oras” at isang kapatid “sa oras ng
kagipitan” (Kawikaan 17:17).
Ang pagkakaibigan ay relasyong may
dalawang direksyon: “Ang taong maraming
kaibigan ay dapat maging magiliw” Kawikaan
18:24).
Sina Jonatan at David ay magandang
halimbawa ng pagkakaibigang walang
kondisyon. Kukuhanin ni David ang pwesto ni
Jonatan, ngunit hindi siya itinuring na karibal
ni Jonatan at sa halip ay inialay ang kanyang
pakikipagkaibigan.
PAGPILI NG ASAWA
“Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at
makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman.”
(Genesis 2:24)

Mahalaga ang pagpili ng kaibigan, ngunit


ang pagpili ng taong makakasama natin
habang buhay ay mas mahalaga.
Ang pinakamainam na paraan upang
makapili ng tama ay humiling sa Dios ng
gabay (Genesis 24:7).
May magandang payo sa kwento nina Isaac
at Rebeka: humanap ng Kristyanong kapares
(Genesis 24:3-4).
Kung gusto natin ng matagumpay na pag-
aasawa, dapat simulan natin sa pagiging
tama natin mismo (Awit 37:27; 119:97; 1Cor.
15:33;San. 1:23-25). Pakitunguhan natin ang
ating asawa kung paano natin gustong
pakitunguhan tayo (Mateo 7:12).
“Ang pagpili ng kasama sa buhay ay dapat
pinakamainam na nagdudulot ng
pangkatawan, pangkaisipan, at pang-
espiritwal na kalusugan sa mga magulang at
sa kanilang mga anak—iyong magdudulot sa
kanila ng pagiging pagpapala sa kapwa at
maparangalan ang kanilang Manlalalang.”

E.G.W. (Letters to Young Lovers, p. 14)


PAGPILI NG KURSO
“Narito, na aking nakita na mabuti at ukol sa isa ang kumain at
uminom, at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa na
kaniyang ginawa sa ilalim ng araw lahat ng mga kaarawan ng
kaniyang buhay na ibinigay sa kaniya ng Dios: sapagka't ito'y
kaniyang bahagi.” (Ecclesiastes 5:18)

Malibang gumagawa sa bahay ng buong panahon


upang asikasuhin ang bahay at pamilya (ang
pinakadakila sa lahat ng trabaho), Maraming tao
ang gumagawa ng anumang bagay
makapaghanapbuhay lamang.
Ang unang hakbang ay pumili ng pag-aaral para
sa gusto mong trabaho hangga’t maaari. Bawat
pagpili ay dapat sumunod sa ikalawang prinsipyo:
“anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang
lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.” (1 Cor. 10:31).
Sa kabilang banda, hindi dapat maging sentro ng
ating buhay ang trabaho (tingnan ang Ecclesiastes
2:1-11). Alalahanin na “ang pagibig sa salapi ay
ugat ng lahat ng uri ng kasamaan” (1Ti. 6:10).
“Alalahanin natin na kahit ang trabaho natin ay
marahil hindi natin pinili, ay dapat itong tanggapin
bilang pagpili ng Dios para sa atin. Kaaya-aya man o
hindi, dapat nating gawin ang ating tungkulin.
‘Anumang masumpungang gawain ng iyong kamay,
gawin mo ng iyong kapangyarihan; sapagkat walang
gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan
man, sa Sheol, na iyong pinaparunan.’ Ecclesiastes
9:10”

E.G.W. (The Ministry of Healing, cp. 39, p. 472)


“Dapat mong maunawaan ang tunay na pwersa ng
kalooban. Ito ang kapangyarihang namamahala sa likas
ng tao, ang kakayahang magdecide o pumili. Lahat ay
nakabatay sa tamang kilos ng kalooban. Ang
kapangyarihang pumili na ibinigay ng Dios sa tao; ay
dapat nilang gamitin. Hindi mo kayang baguhin ang puso
mo, hindi mo maibibigay ng iyong sarili sa Dios ang
iyong pag-ibig; ngunit maaari mo Siyang paglingkuran.
Maaari mong ibigay sa Kanya ang iyong kalooban; At
Siya’y gagawa sa iyo upang naisin mo at gawin mo ang
sang-ayon sa Kanyang kalooban. Kaya’t agn buo mong
likas ay mapapailalim sa pangunguna ng Espiritu ni
Kristo; ang iyong pagmamahal ay nakasentro sa Kanya,
ang iyong isip ay magtutugma sa Kanya.”

E.G.W. (Steps to Christ, cp. 5, p. 47)

You might also like