You are on page 1of 9

LEKSIYON 2

Ang Unang Kasalanan


SOURCE: YOUTUBE ( ANONYMOUS)
Sina Adan at Eva ay nakatira sa isang magandang hardin na nilikha ng
Diyos para sa kanila. Ngunit dumating si satanas bilang isang
mandarayang ahas. Tinukso sina Adan at Eva.
“Sinabi ba ng Diyos na wag kayong kakain ng bunga sa punong ito”
,tanong ng ahas kay Eva. “Wag lang sa puno sa gitna ng halamanan.
Kapag kakain kami nito mamamatay kami”, sagot ni Eva.
“Hindi kayo
mamamatay. May
dahilan kung bakit
ayaw ng Diyos na
kumain kayo ng
punong iyon. Kapag
kinain nyo yon
matutulad kayo sa
kanya. Ayaw niyang
malaman ninyo ang
kanyang
nalalaman.”,sabi ng
ahas.
Kinain ni Eva ang bunga. Binigyan din niya si Adan na noon ay kasama
niya. Kinain din niya ito at bigla ay nagbago ang isip nila. Nalaman nila ang
mga bagay na di nila alam noon.
Isang bagay na alam nila na sila ay hubad. Nagtahi sila ng mga dahon
para ipantakip sa kanilang sarili. Noon ay hindi sila natatakot o nahihiya
kaya’t nalaman nilang may mali.
Adan ! Eva ! sabi ng Diyos. “Nagtatago po kami. Nakahubad po
kami”, sabi ni Adan. Nalaman nyo yan dahil kumain kayo ng bunga
mula sa punong yon”, malungkot na sabi ng Diyos. Sinisi ni Adan si
Eva at sinisi ni Eba ang ahas.
Sinabi ng Diyos, “Ikaw ahas! mula ngayon ay gagapang ka gamit ang iyong tiyan. Ang anak
ng babae ang tatalo sayo. Eva! magiging masakit ang iyong panganganak. Adan! ang
paghahanap ng pagkain ay magiging mahirap para sayo.”
At gumawa ang Diyos ng damit para kay Adan at Eva. Sila ay
pinaalis sa Hardin. Naglagay siya ng isang Anghel na may
hawak na nagliliyab na espada bilang bantay para hindi na sila
makabalik doon.

You might also like