You are on page 1of 3

Ang Kwento ni Apo Apang, Ina ng Poonbato.

Bago pa man dumating ang mga dayuhang kastila sa Pilipinas ay may mga katutubo na
naninirahan sa bulubundukin na bahagi ng Botolan, Zambales. Ang mga katutubo na ito ay
tinatawag na Ayta. Ang mga katutubong Ayta ay nahahati sa dalawang tribu – ang Abellen at
Ita. Ang grupo ng Abellen ay pinamumunuan ni Pan Dalig at ang grupo ng Ita ay pinamumunuan
naman ni Pan Angkot.

Si Pan Daleg ay kilala sa pagiging matapang na mandirigma, mahusay sa pamamana at


pangangaso.

Ang tribu ni Pan Daleg ay nabubuhay sa pamamagitan ng panghuhuli ng tupa at baboy damo sa
pamamagitan ng pana. Isang araw, umalis at pumunta sa gubat si Pan Daleg upang mangaso
dahil noon ay ubos na ang nakaimbak na tapa. Wala ng makain ang kanyang pamilya. Ngunit sa
kanyang pangangaso ay sinalubong siya ng malas dahil wala siyang masabat o matagpuan na
anumang hayop na pwedeng hulihin. Dahil sa kanyang pagod at gutom ay naisipan niyang
magpahinga sa ilalim ng isang mayabong na puno na sumusilong sa isang malapad at malaking
tipak na bato. Habang si Pan Daleg ay umiidlip ay biglang siyang nagulat at natakot dahil siya ay
ginigising ng isang maputi at napagandang babae. Napatayo at tatakbo n asana si Pan Daleg
ngunit siya ay pinigilan ng magandang babae at nagwika ng ganito – Pan Daleg, Huwag kang
matakot sa akin. Alam ko na gustom ka at pagod na sa pangangaso, pumunta ka sa gilid ng
burol na iyan, may matatagpuan kang isang tupa, hulihin mo at dalhin mo sa iyong tribu. Ngunit
pagkauwi mo ay bumalik ka, dahil at ipakilala mo ako sa iyong tribu.

Kahit nanghihilakbot pa sa takot ay sinunod ni Pan Dale ang utos ng magandang babae. Kinuha
niya ang kanyang pana, lumakad at pumunto sa burol na itinuro ng magandang babae.
Pagdating ni Pan Daleg sa likod ng burol na hindi naman kalayuan. Pagdating sa lugar ay nakita
ni Pan dale gang isang malaking usa, agad niya itong pinanana at napatay. Pinasan ni Pan Dale
ang nahuling hayop at dinala sa kanyang tribu. Pagdating sa tribu at tinawag ni Indon Daleg, ang
asawa ni Pan Dale gang kanilang katribu at kinatay ang malaking usa at pinangsaluhan ng buong
tribu.
Pagsapit ng dilim at hindi mapakali si Pan Daleg, may takot sa dibdib at hindi niya makalimutan
ang babaeng maputi at maganda na gumising sa kanya at naging daan upang mapakain niya ang
kanyang tribu. May kung anong pwersa na nag-uutos kay Pan Daleg na balikan ang babae at
gawin ang kahilingan nito. Subalit pagdating ni Pa Daleg sa gubat ay wala na siyang nadatnan na
magandang babae ngunit nakita niya roon ang isang putol na kahoy na nakatayo at may hugis
na babae. Pilit na hinanap ni Pan Dale gang magandang babae na kanyang nakita ngunit hindi
na niya ito nakita pa. Nagpasiya si Pan Daleg na umuwi na, ngunit sa kanyang pag-uwi ay
kanyang pinasan at dinala sa tribu ang kahoy na hugis babae.

Pagdating sa kanilang dampa ay tinanong ni Indon Daleg si Pan Daleg kung bakit may dala
siyang kahoy na hugis babae – Aanhin mo ang kahoy na iyan? Bakit Dinala mo ditto iyan?
Ibinaba ni Pan dale gang kahoy at sumagot sa kanyang asawa – Ito ang nagturo sa akin sa
kinaroroonan ng usa na aking nahuli. Hinsi napaniwala ni Pan Daleg si Indon Daleg sa kanyang
kwento kaya sa inis ay kinuha ni Indon Dale gang kahoy, binuhat at itinapon sa isang siga sa
loob ng kanilang dampa. Ngunit ang mag-asawa ay nagulantang dahil nagliyab ang siga at
nasunog ang buong dampa. Nang humupa na ang apoy ay kanilang nakita at napansin na ang
kahoy na hugis babae ay hindi nasunog o natupok ng apoy.

Pagkatapos ng pangyayari ay dinapuan ng sakit sa bahat si Indon Daleg. Ang balat ni Indon
Daleg ay nagkaroon ng maraming sugat at nagnaknak na parang sinusunog. 
Tinawag ni Pan Dale gang kanyang mga katribu at isinalaysay ang pangyari, mula sa paggising sa
kanya ng magandang babae, pagkakahuli sa usa, pagkawala ng magandang babae, hindi
pagkatupok ng kahoy at pagkakasakit ni Indon Daleg. Isinangguni ni Pan Daleg kung ano ang
gagawin sa kahoy na hugis babae at kung paano mapapagaling ang karamdaman ng kanyang
asawa. Napagkaisahan ng buong tribu na nag nasabing kahoy ay kakaiba ang hugis sa mga
kahoy na kanilang nakikita. Dahil ito ay hindi nasusunog ang nasabing kahoy ay may
kapangyarihan kaya dapat na ingatan. Napagkaisahan ng buong tribu igawa ito na ilagak sa
isang dambana sa isang dampa. At kanila nga itong ginawan ng dambana at dampa.

Isang araw ay pumasok sa dampa kung saan nakadambana ng kahoy si Indon Daleg. Siya ay
labis na nagtataka at hindi maubos maisip kung bakit hindi ito natutupok ng apoy. Gustong
matuklasan ni Indon Daleg kung among hiwaga mayroon ang kahoy kaya kanyang itong sinipa-
sipat at hinaplos-haplos. Kasabay ng paghaplos ni Pan Daleg ay nangkaroon siya ng
kaginhawahan sa katawan. Habang patuloy niyang hinahaplos ang kahoy ay unti-unti namang
natutuyo at naghihilom ang kanyang mga sugat hanggang tuluyang gumaling at nawala.

Ang milagrong naganap kay Indon Daleg ay kumalat sa buong tribu at sa mga kalapit pang mga
lugar. Mula noon ang nasabing kahoy sinamba, iginalang at nagsilbing gabay sa mga Ita.

Ang kwentong ito ay nagpasalinsalin sa mga sumunod pang henerasyon ni Pan Daleg.
Noong dumating sa Pilipinas ang mga dayuhang kastila ay kanilang nakita kung paano sambahin
at alagaan ng mga katutubo ang nasabing kahoy. Ang mga dayuhang kastila man ay nagtataka
kung bakit ganun ituring ng mga katutubo ang nasabing kahoy. Nagsaliksik ang mga dayuhan
ang kanilang nagpag-alaman ang puno at dulo at sagot sa kanilang mga tanong.

Batay sa mga katutubo at ang nasabing kahoy ay nililok ayon pagsasalarawan ng hugis at wangis
ng babaeng nakita ni Pan Daleg na gumising sa kanya habang siya ay natutulog sa malapad na
bato sa ilalim ng mayabong na punong kahoy. Nag matapos ang paglililok at pinangalanan ng
mga dayuhan ang imahe bilang Nuestra Senora de la Paz y Buenviaje o Apo Apang, Ina ng Poon
Bato sa taguri ng mga katutubo.
Ang nasabing imahe ay nasa pangangalaga ng mga katutubo mula sa angkan ni Pan Daleg. Ito
ngayon ay nakadambana sa Apo Apang Shrine, Poonbato, Botolan, Zambales na
pinamamahalaan ng Iglesia Filipina Independiente.
Marami ang nagpapatunay at nakaranas sa mga milagro sa kanilang buhay, mga kahilingan na
naipagkaloob, karamdaman na gumaling, mensahe sa mula sa panaginip at kasaganaan sa
buhay sa pamamagitan ng taimtim na panalangin at pamamanata kay Apo Apang. Kaya naman
naging centro ang pananampalataya ang Botolan sa Zambales. Si Apo Apang, Ina ng Poon Bato
ay kilala hindi lamang sa Probinsya ng Zambales kung hind imaging sa buong Pilipinas.

Ang taunang kapistahan ni Apo Apang, Ina ng Poon Bato ay ipinagdiriwang tuwing January 24.

Ang alamat na ito ay batay sa kwento ng mga katutubo sa Botolan, Zambales.

You might also like