You are on page 1of 1

ANG PASIMULA

Nang pasimula ay ginawa ng Dios ang langit, lupa, liwanag, dilim, tubig, halaman, hayop at ang lahat ng bagay sa mundo at kanyang nilalang

ang mga tao. Ang tao ay galing sa alabok na hiningahan ng Dios ng hininga ng buhay o ang Espiritu ng buhay at nalalang ang unang tao.

Nilagay ng Dios ang tao sa hardin ng Eden upang pangalagaan ito. Dito pinatubo ng Dios ang lahat ng punong kahoy na nakalulugod sa paningin

mabubuting kainin at pinayagan si Adan na kainin ito. Si Adan ay nahihirapan kaya kumuha ang Dios ng isa sa kanyang tadyang habang siya'y

natutulog. Gamit ang tadyang ni Adan ay dito gumawa ang Dios ng babae upang tulungan si Adan. At pinangalanin niya itong Eva.

Tinuruan sila ng tuksong ahas ng punong kahoy kung paano magsuot ng damit gamit ang mga dahon at nagtaka ang Dios kung saan nila ito natutunan.

Nang dahil dito ay pinalayas sila ng Dios sa Hardin ng Eden dahil nilinlang sila ng tuksong ahas na kumain ng bunga ng punong kahoy na pinagbabawal ng
Dios

Nang palayasin sila ng Dios dahil sa tuksong ahas ay sila'y nagtungo sa isang kweba at gumawa ng apoy at nanuluyan dito ng panandalian (canon)

Habang naninirahan sa kweba ay natuto si Adan na gumawa ng damit gawa sa balat ng hayop upang di sila lamigin. At nagsiping

sila Adan at Eva at siya'y naglihi. Nang pinanganak ang panganay ay pinangalanan niya ito na si Cain at ang bunso na si Abel.

Nang sila'y malaki na ay naging pastol si Adan at magsasaka naman si Cain. Dahil sa selos ni Cain kay Abel ay kanya itong pinatay.

Sa kadahilanan na hindi tinaggap ang handog ni Cain sa Dios ngunit ang handog ni Abel ay tinanggap dahil si Abel sa masunurin sa Dios.

Nang siya’y pinayalas ng Dios siya ay naglakbay at nagkaroon ng anak na pangalan ay Eroc. Nagkaanak naman si Eroc na nagngangalang Irad at dito
nagsimula ang pagdami ng lahi hanggang sa panahon ni Moises, Kristo at sa panahon natin ngayon.

You might also like