You are on page 1of 9

S I C A I N AT A N G

K A N YA N G PA M A N A

Liksyon 3 para sa ika-16 ng Abril, 2022


Mahirap isipin kung ano ang naramdaman nina Adan
at Eba nang malaman nilang pinatay ng kanilang
panganay na si Cain ang kanyang kapatid na si Abel.
Laman ng Genesis 4 ang tala ng unang pagpatay at
pagbagsak ng tao sa kasalanan.
Narito rin ang Dios sa kabanatang ito. Mahal Dalawang magkapatid:
Niya ang mga anak Nya at nag-aalok Sya ng
Ang kapanganakan. Genesis 4:1-2
biyaya sa mga nagkasala.
Kanilang handog. Genesis 4:3-5
Kasalanan ni Cain:
Nagpapayo ang Dios. Genesis 4:6-8
Nagpaparusa ang Dios. Gen. 4:9-16
Dalawang angkan:
Ang mga anak ni Cain. Gen. 4:17-24
Ang mga anak ng Dios. Gen. 4:25-26
KAPANGANAKAN NINA CAIN AT ABEL
“At nakilala ng lalake si Eva na kaniyang asawa; at siya'y
naglihi at ipinanganak si Cain, at sinabi, Nagkaanak ako ng
lalake sa tulong ng Panginoon.” (Genesis 4:1)
Naalala ni Eba ang pangako ng Dios sa Genesis 3:15 nang isilang
niya ng una niyang anak. Inisip ni Eba na si Cain ang katuparan
ng hula, ang binhing magpapalaya sa kanila mula sa kasalanan.
Maliwanag, nadaig ng pag-asa ang kapanganakan ni
Abel [hébel sa Hebreo], na ang ibig sabihin ng pangalan
ay “walang kabuluhan” (tingnan ang Ecclesiastes 12:8).
Bawat kapatid ay pumili ng magkaiba. Piniling
magtrabaho sa lupa ni Cain habang si Abel ay piniling
mag-alaga ng mga hayop (Genesis 4:2).
Tila, sumusunod si Cain sa mga tagubilin ng
Dios (Gn. 2:15). Lahat ay tila umaayon sa
plano…
ANG HANDOG NINA CAIN AT ABEL
“At nangyari nang lumalakad ang panahon ay nagdala si Cain ng
isang handog na mga bunga ng lupa sa Panginoon.” (Genesis 4:3)

Binilin ng Dios ang parehong hayop at


gulay upang maging handog (Lv. 1:2; Ex.
23:19). Bawat uri ng handog ay may
sariling kahulugan (pagtubos at
pasasalamat).
Hindi natin alam ang buong konteksto,
ngunit mauunawaan natin ang kanilang
layunin dahil tinanggihan ng Dios ang
isa sa kanilang mga handog (Gn. 4:4b-
Habang inisip ni Cain ang kanyang handog bilang kaloob nya sa Dios, inisip ni Abel
5).
ang kanyang handog bilang alaala ng kaloob ng Dios sa kanya.
Nais ni Cain na tanggapin kung ano ang nagawa nya para sa Dios (kaligtasan dahil
sa mga gawa). Nais ni Abel na tanggapin kung ano ang ginawa ng Dios para sa
kanya (kaligtasan dahil sa pananampalataya).
NAGPAPAYO ANG DIOS
“Kung ikaw ay gumawa ng mabuti, di ba ikaw mamarapatin? at kung
hindi ka gumawa ng mabuti, ay nahahandusay ang kasalanan sa
pintuan: at sa iyo'y pahihinuhod ang kaniyang nasa, at ikaw ang
papanginoonin niya.” (Genesis 4:7)
Nagalit si Cain sa Dios at sa kanyang kapatid dahil
natanggihan ang kanyang handog. Maaaring may dahilan
pa ang pagkagalit sa Dios dahil hindi Nya tinanggap ang
kanyang handog. Ngunit bakit nagalit sya sa kanyang
kapatid? 1 Juan 3:12.
Tumugon ang Dios sa galit ni Cain sa pakikitungo sa
kanya ng may pagmamahal. Pinayuhan Niya siya upang
maiwasan niya ang marami pang pagkakamali,
hinikayat syang pumili ng tama.
Inanyayahan Niya si Cain na gawin ang tama at mabuti. Lagi siyang
tatanggapin, ngunit dapat niyang tanggapin ang mga takda ng Dios at hindi
ng kanyang sarili.
Hinimok Nya rin si Cain na talunin ang kasalanan. Palaging handa ang Dios
na samahan sya at tulungan sya (1Co. 10:13).
NAGPAPARUSA ANG DIOS
“Pagbubukid mo ng lupa, ay di na ibibigay mula ngayon
sa iyo ang kaniyang lakas; ikaw ay magiging palaboy at
hampas-lupa sa lupa.” (Genesis 4:12)
Matapos na patayin ni Cain si Abel, tinanong din sya ng Dios gaya ng
ginawa Nya kay Adan: “Saan naroon si Abel na iyong kapatid?” (Gn. 4:9).
Gayunpaman, hindi kinilala ni Cain ang kanyang kasalanan. Hindi man
lang niya sinubukang ipagtanggol ang ginawa nya. Iniwasan nya lang ang
tanong at hinamon ang Dios.
Kaya, hinayaan ng Dios na masumpa si Cain mula sa lupa na uminom ng
dugo ng kanyang kapatid (Gn. 4:11). Pinili ni Cain na mamuhay na
malayo sa Dios, kaya sya ay hinatulan ng buhay na palaboy (v. 12).
Hindi nagsisi si Cain, ngunit alam nyang ang
pamumuhay na malayo sa Dios ay nangangahulugan ng
kamatayan (v. 14). Ngunit kinakalinga ng Dios ang mga
makasalanan ng Kanyang awa (Gn. 4:15; Mt. 5:45).
“Kung makapitong gagantihan si Cain,
tunay na si Lamec ay makapitong pung
pito.” (Genesis 4:24)
Ang angkan ni Cain ay naging mas Malala sa bawat
henerasyon. Si Lamec ay isang halimbawa nito.
Bahagi sya ng ikapitong henerasyon mula kay Adan:

CAIN LAMEC
Isa lang ang Higit sa isa ang ANG MGA ANAK NI CAIN
asawa asawa
Itinago nya ang Ipinagyabang ang
kanyang kasalanan kanyang kasalanan
Humingi sya ng Ayaw nya ng
kaawaan kaawaan
Ipinaghiganti ng Inisip nyang
pitong beses ng Dios ipaghihiganti sya
ng 70x7
ANG MGA ANAK NG DIOS
“At nagkaanak naman si Set ng isang lalake; at tinawag ang kaniyang pangalan na Enos.
Noon ay pinasimulan ng mga tao ang pagtawag sa pangalan ng Panginoon.” (Genesis 4:26)

ADAN ADAN
SET
ENOS
CAIN
ENOC
Nanampalataya si Eba na ang tagapagpalaya ay
CAINAN
MAHALALEL Ikapito mula
IRAD
MEHUJAEL
magmumula sa angkan ni Set (Gn. 4:25). Ang
JARED
ENOC
kay Adan METUSAEL
LAMEC binhi ng Mesias ay magiging bahagi ng angkan
METUSALEM JABAL
LAMEC JUBAL ni Set.
NOE TUBAL-CAIN
Ang angkan ni Set (mga anak ng Dios) at kay
Cain (mga anak ng tao) ay malinaw na pinag-iba
mula kay Enos (Gn. 6:1-2).

Ang angkan ni Cain ay palayo sa Dios, ngunit ang kay Set ay palapit sa Kanya. Si Enoch
ay bahagi din ng ikapitong henerasyon mula kay Adan. Ngunit nakakamangha na
salungat ang karanasan nya sa kanyang pinsang si Lamec.
Tayo ay mga anak ng Dios. Gayahin natin si Enoc at lumakad araw-araw kasama ng
Nya (Gn. 5:22).
“Ang tanging sanggalang laban sa kasamaan ay ang
paninirahan ni Kristo sa puso sa pananampalataya sa
Kanyang katuwiran. Dahil sa presensya ng
pagkamakasarili sa ating puso ay nagkakaroon ng
kapangyarihan ang tukso sa atin. Ngunit kung titingnan
natin ang dakilang pag-ibig ng Dios, nakikita natin ang
pagkamakasarili bilang napakapangit at
kasuklamsuklam, at nagnanais tayong alisin ito sa ating
sarili. Habang niluluwalhati ng Banal na Espiritu si
Kristo, ang ating puso ay lumalambot at nasusupil,
nawawala ang kapangyarihan ng tukso, at ang biyaya ni
Kristo ay bumabago sa pag-uugali.”

E. G. W. (Thoughts From the Mount of Blessing, cp. 5, p. 118)

You might also like