You are on page 1of 7

KABANATA 5

Ang mga Resulta ng Pagsuway 1

“Ang pananampalataya at pagsunod ay ‘di mapaghihiwalay dahil ang pagsunod ay katunayan


ng tunay na pananampalataya.”
Maraming mga konsekwensyang dulot mula sa pagsuway. Ang mga epekto ay ‘di palagiang
agad nalalaman o nahahalata, ngunit katulad ng mga binhing itinanim, ang mga ito’y siguradong
magbubunga. Nananabik ang ating kaaway na ilayo sa atin ang karunungang ito at umaasang
pagdududahan natin ang pagsunod at tayo’y mahuhulog sa bitag ng kanyang kasinungalingan.
Ang ilang mga tao ay lakas loob na nangangatwiran dahil sila’y may kubling kayamanan, na
anumang konsekwensya ng kanilang pagsuway ay mababayaran sa pamamagitan ng kanilang mga
desisyon. Ako’y namamangha sa pangingibabaw ng panlilinlang at proseso ng kaisipang ito na
nakamamatay. Ito ang hiwaga o lihim na kapangyarihan ng paglabag sa kautusan. Inaasahan ko at
dinadalangin na ang tatlong mga kabanatang ito ay mag-iingat sa inyong mga puso sa pagtatalagang
huwag sang-ayunan ang pag-suway.

Ang mga Anak ni Adan


Umpisahan nating mag-aral mula kay Cain, ang panganay ni Adan. Siya’y isang magsasaka.
Ang kapatid niyang si Abel na pangalawang anak ni Adan, ay isang pastol. Sinabi sa atin ng kasulatan
na sa takbo ng panahon, si Cain ay nag-alay ng handog sa harapan ng Panginoon, at si Abel naman ay
nag- alay ng handog na unang anak ng kanyang tupa. Matututunan natin na, “Si Yahweh ay nasiyahan
kay Abel at sa kanyang handog, ngunit hindi Niya kinalugdan si Cain at ang handog nito.” (Gen. 4: 4-
5)
Bilang paalala, pinabubulaanan nito ang karaniwang kasabihan na malimit nating madinig sa
ating mga iglesya ngayon, “Tatanggapin ka ng Diyos, maging ano ka man”. Hindi ito totoo,
tatanggapin tayo ng Diyos kung tayo’y magsisisi. Subukan mo ang pahayag na ito sa buhay ni Ananias
at Sapphira, hindi ito uugma, sila’y namatay. (Gawa 5:1-11)
Hindi tinanggap ng Diyos ang handog ni Cain, bukod pa rito, hindi rin Niya tinanggap si Cain.
Ang hindi Niya pagtanggap kay Cain ay hindi nangangahulugan ng permanenteng pagtanggi. Ngunit
ang pag-unawa natin ngayon tungkol sa walang kondisyong pag-ibig ng Diyos ay ‘di ganito. Sa
katotohanan, ito’y mapanganib, inaalis nito ang ating mga puso at pagkatakot sa Diyos. Ang
pagkatakot sa Diyos, ang nag-iingat at naglalayo sa atin sa kasalanan (Exodo 20:20). Pagkatapos
mamatay ni Ananias at Sapphira, sinabi sa atin ng Bibliya, “Pinagharian ng matinding takot ang
buong iglesya…” (Gawa 5:11). Hindi nagkataong bagay lamang ang pagkakasala.
Nais kong baguhin ng kaunti ang kuwento ng dalawang anak ni Adan sa aking pagpapatuloy.
Ang kanyang mga anak ay pinalaki sa isang tahanang tumatawag sa Panginoon. Pareho silang
naghandog sa Diyos, kumakatawan sa kanilang mga buhay. Sinabi ng Bibliya na i-alay natin ang ating
mga sarili bilang handog na buhay (Roma 12:1).

33
Sa tuwing ang handog ay dadalhin sa Diyos, ito’y nagpapakita ng ating paglilingkod. Kaya
hindi natin sinasabi na si Abel lamang ang naglingkod at si Cain ay hindi. Si Cain ay hindi tumambay
sa mga lugar pampalakasan, gumamit ng droga o pumunta sa mga “bar” at umiwas sa posibleng
pananambahan. Huwag nating isiping si Cain ay ayaw man lamang maglingkod sa Diyos. Sila ay
parehong Kristiyano na nakikipag-ugnayan sa Diyos.
Sila ay parehong matiyaga sa gawaing pagbibigay handog sa Panginoon. Sa totoo lang,
masasabi nating mas pinagpaguran ni Cain ang kanyang handog kaysa kay Abel. Mayroon akong
kakaunting nalalaman tungkol sa pagsasaka at pagpapastol. Alam kong matrabaho ang pagpapastol
ngunit mas mahirap ang pagsasaka sa pagpapastol. Mayroon kang tungkulin sa umaga at hapon,
ngunit sa init ng araw, maaari kang mamahinga sa lilim ng puno at uminom ng malamig na inumin.
Ang gawain ng pagsasaka ay mas mahirap. Ang handog ni Cain ay nagbuhat sa kanyang pawis
at pagod sa lupang isinumpa ng Diyos (Gen. 3: 17-19). Nilinis ni Cain ang mga lupa at inalis ang mga
bato, tinik at sukal. Pagkatapos ay inararo niya ito at inayos. Tinaniman niya, diniligan, inabonohan at
prinoteksyunan ang kanyang mga pananim. Gumugol siya ng malaking pagod at halaga sa kanyang
paghahandog.

Bakit Hindi Tinanggap ng Diyos si Cain?


Kaya itanong natin, bakit hindi tinanggap ng Diyos ang handog ni Cain gayong alam Niya na
ito'y pinagpaguran ng husto ni Cain? Ang sagot ay matatagpuan sa Kanyang mga magulang. Sa
hardin, ang bawat bagay ay nilikha ng Diyos na may takip. Ang mga hayop ay may balahibo, ang isda
ay may mga kaliskis at ang mga ibon ay may pakpak. Hindi ka nakakita ng isang “polar bear” na
nakasuot ng maong, hindi na niya kailangan pa ang damit.
Gayundin si Adan at Eva. Wala silang balot o damit, kundi sila’y pinutungan ng kaluwalhatian
ng Diyos (Awit 8:5). Ang salitang pinutungan ay nangangahulugan ng “pinalibutan” o “ibinalot”,
sila'y nababalutan. Ang kaluwalhatian na ibinalot ng Diyos sa kanila ay labis na nakakasiya, na sa
kanilang paningin ay nakakubli ang kanilang kahubaran. Sa dahilang ito, sinabi ng kasulatan, “Kapwa
sila hubad, gayunma’y hindi sila nahihiya” (Gen 2:25). Hindi sila pinaghaharian ng sariling
kamalayan, kundi ang buhay nila ay nasa Diyos. Ang pangangailangan ng kasuotan ay hindi sumagi sa
kanilang isipan dahil hindi nila ito kailangan.
Ito’y biglang nabago nang sila’y sumuway. Pagkatapos ng kanilang pagsuway, ang kanilang
espiritu ay sinakop at pinagharian ng kanilang laman. Ang unang salitang naitala sa kasulatan matapos
nilang kumain ay “Nagkaroon nga sila ng pagkaunawa matapos kumain. Noon nila nalamang sila’y
hubad” (Gen 3:7). Ang susing mga salita ay “nalaman nila”. Mayroon na silang pang-unawang hindi
nila taglay dati.
Ang prinsipyo ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama ay salig sa kung ano ang tama at
mali. Bago sila mahulog sa kasalanan, ang mga kilos nila’y hindi pinamamahalaan ng kaalaman
tungkol sa mabuti at masama, kundi sa karunungan ng Diyos. Sila’y pinakikilos ng pagsunod mula sa
pagtitiwala at pag-ibig. Ang tama at mali ay wala sa kanilang mga isipan kundi sa kamay ng Diyos.
Sinabi sa atin;
“Walang kapintasan ang lahat Niyang gawa, matuwid ang lahat Niyang kilos. Siya’y tapat,
walang pagkukulang, makatarungan at matuwid” (Gen.32:40).
Si Adan at Eva ay namuhay sa harap ng Diyos, at Siya ang buong kamalayan. Sa pagkuha ng
bunga ng puno ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama, natagpuan nila ang karunungang

34
nanlalaban sa kapamahalaan ng Diyos. Matutukoy natin ito bilang pangangatwiran. Hindi nila
kailangan pa ang pamamahala ng Diyos, mayroon na silang kamalayan ng tama at mali sa kanilang
sarili. Kung kaya ang unang itinanong sa kanila ng Diyos matapos magkasala ay, “Sinong may sabi sa
iyong hubad ka?” (Gen.3:11).
Sa tuwing may itatanong ang Diyos, hindi Siya naghahanap ng impormasyon. Dinadala ka Niya sa
nais Niyang sabihin. Alam nang Diyos na sila’y kumain mula sa puno at nagsasalita mula sa kanilang
karunungan. Pinalitan nila ang pagsunod ng kanilang pangangatwiran. Ang nais talagang sabihin ng
Diyos ay “Ngayon, natagpuan ninyo ang pinagmulan ng kamalayan tungkol sa tama at mali na labag
sa Aking kalooban, malinaw na kumain kayo mula sa puno ng kaalaman tungkol sa mabuti at
masama”.
Pagdaka, matapos ang kanilang pagsuway, tinakpan nila ang kanilang kahubaran ng dahon ng
igos o ang "bunga ng lupain'". Kahit sila'y nakatakip na, nararamdaman pa rin nila ang pagkahubad at
sila'y nagtago. “Pagkatapos ay nagtanong ang Diyos, 'Sinong may sabi sa inyong kayo 'y hubad?"
(Gen.3:1). Mula sa kanilang bagong tuklas na kamalayan sa tama at mali, sinubukan nilang gawin ang
tama sa kanilang paningin at gayunpaman, pakiramdam nila'y hubad parin sila. Ang takip na iyon ay
hindi kaparaaanan ng Diyos. Ipinakita ng Diyos ang katanggap-tanggap na takip para sa kahubaran: sa
pamamagitan ng pagpatay ng inosenteng hayop, at ang balat nito'y pinantakip kay Adan at Eva. Ito
ang kaparaanang itinakda ng Diyos, hindi ang bunga ng lupain.
Sa puntong iyon, si Adan at Eva ay mangmang pa sa hinahanap ng Diyos, ngunit si Cain at
Abel ay bindi na tinuruan ng kanilang mga magulang kung ano ang katanggap-tanggap na handog sa
Diyos. Kaya nang maghandog si Cain ng bunga ng pananim, ito ay hindi katanggap-tanggap muli sa
Diyos. Sila'y naglilingkod sa Diyos sa sarili Niyang kaparaanan. Siya'y nahulog sa sumpa ng
gumagawa sa paraan ng pangangatwiran at lohika ng tama at mali kaysa sa dalisay na pagsunod na
ginawa ng kanyang kapatid na si Abel.

Kailangang Pagtagumpayan Mo Ito


Sinasabi sa atin ng Kasulatan, “Dahil sa pananalig sa Diyos, si Abel ay naghandog ng mas
mabuting hain kaysa inihandog ni Cain. Dahil doon, si Abel ay kinilalang matuwid nang tanggapin ng
Diyos ang kayang handog. Bagamat patay na siya’y nagsasalita pa sa pamamagitan ng kanyang
pananalig sa Diyos" (Heb. 11:4). Ang sumulat ng Bagong Tipan ay itinulad ang pagsunod ni Abel sa
pananampalataya. Matututunan natin sa mga susunod na kabanata na ang tunay na pananampalataya
ay may katumbas na pagsunod. Ang tunay na pananampalataya ay gumagawa sa pamamagitan ng
pagsunod kaysa sa pagkakaalam ng tama at mali.
Nang isipin ni Cain ang kanyang mga pagsisikap at paghahandog na hindi katanggap-tanggap
sa Diyos, “hindi mailalarawan ang mukha ni Cain sa tindi ng galit”(Gen. 4:1). Ganito ang karaniwang
tugon ng relihiyosong tao kapag siya ay nahaharap sa katotohanan, siya ay nagagalit. Makikita mo
itong totoo sa kasulatan. Ang galit ay ginagatungan ng pagmamataas at ang pagmamataas ang
nagtatakwil sa kalooban at kaparaanan ng Diyos para sundin ang pansariling kagustuhan.
Sa habag ng Diyos, sinubukan Niyang buksan ang mga mata ni Cain sa pamamagitan ng
pagtatanong. “Bakit ka nagagalit? Bakit ganyan ang mukha mo? Kung tama ang ginagawa mo, hindi
ka ba kalulugdan?” (Gen 4:6-7). Kailangan ang pagsunod para tayo'y kalugdan ng Diyos. Higit na
nais ng Diyos ang pagsunod kaysa paghahandog. Maraming pagkakataon sinabi ng Diyos sa kanyang
mga hinirang na itigil ang kanilang mga awit, tugtog at maging paghahandog. bakit? “Pagkat nang

35
Ako’y tumawag ay walang tumugon kahit na isa, nang Ako’y magsalita, walang gustong makinig.
Ginusto pa nila ang sumuway sa Akin at gumawa ng masama ” (Isaias 66:4). Naghahandog sila ngunit
hindi naman sila nakikinig at sumusunod sa Diyos. Ang pinakamataas na uri ng pagsamba ay
PAGSUNOD.
Sa kaalamang ito, maaari nating ipalit ang salitang "sumunod sa akin" sa "tama ang ginawa" sa
talata mula sa Genesis 4:6-7 na hindi nababago ang kahulugan. Maaari itong basahin ng ganito, "Cain,
bakit ka nagagalit? Hindi ka dapat magalit. Pakinggan mo ito, kung susunod ka sa akin gaya ng iyong
kapatid, tatanggapin kita at ang iyong handog gaya ng kay Abel".
Nagbabala ang Diyos, "Kung tama ang ginawa mo, hindi ka ba kalulugdan? Ngunit kung hindi
tama ang ginawa mo, laging papasukin ka ng kasalanan. Hahangarin kang malupig nito, ngunit
kailangang pagtagumpayan mo ito" (Gen. 4:7). Pansinin natin dito ang dalawang bagay. Una, ang
kasalanan (pagsuway) ay may pagnanasa. Ang diyos ng kasamaan, si satanas ay isang puwersa ng
pagsuway. Nang ang puwersang ito'y pumasok kay Adan, isa lang ang layunin nito. Ang kontrolin o
pagharian ang sinuman at bawat bagay.
Ito'y kagaya ng masamang siyentipiko na naglagay ng maraming "radio active gases" sa ating
himpapawid. Ang mga "gases" ay kumakalat kahit saan, kahit na ang presensya ng siyentipiko ay
wala. Pinakalat niya ang isang nakamamatay at makapangyarihang puwersa. Ang maliligtas lamang
mula sa nakamamatay na "gases" ay yung mga nagsusuot ng proteksyon. Maliwanag sa Biblia, "Alam
nating tayo’y anak ng Diyos at ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng Diyablo." (Juan 5:19)
Isa pang paraan para makita ito. Kung ikukumpara ang nasa ng kasalanan sa batas ng
"gravity". Ito'y matatag na puwersa at pirmihan na nakakaapekto sa lahat ng bagay. Kung tatayo ka sa
itaas ng gusali, makikita mo ang epekto nito at ika'y babagsak sa ibaba, sa totoo lang masakit ito at
nakakamatay. Hindi mo nanaising mahulog bago maniwala sa batas ng grabidad o "law of gravity".
Gayunpaman, mae-engkwentro mo ito.
Isang araw ang mga siyentipiko ay nakadiskubre ng isa pang batas -- ang batas ng pag- angat o
"law of lift". Napag-aralan nila na ang batas ng pag-angat ay kahalintulad ng batas ng grabidad kung
ang mga kondisyon ay tama. Ang mga makabagong tao ay nagdisenyo ng eroplano base sa batas ng
pag- angat. Kapag sumakay ka ng eroplano, ikaw ay nasa lebel na malaya sa batas ng grabidad at hindi
nahuhulog sa pinakamababang punto ng grabidad. Sinasabi sa atin ng kasulatan, "Wala na ako sa
ilalim ng batas ng kasalanan at kamatayan sapagkat pinalaya na ako ng batas ng Espiritung
nagbibigay- buhay, bunga ng pakikipag- isa kay Cristo- Hesus. "(Roma 8:2). Napakagandang balita!
Madalas akong sumakay ng eroplano. Noon ng nakaraang taon lang, ako'y sumakay ng
eroplano upang liparin ang dalawang daang libong milya para mangaral ng ebanghelyo. Sa tuwing
sasakay ako sa mga eroplanong ito, ako'y nagagalak kapag ako'y nasa batas nang pag- angat at wala na
sa batas ng grabidad. Gayunpaman, kung ang piloto ay magpasyang patayin ang makina at ang mga
lipad nito ay pabagsak, mararamdaman mo ang malakas na epekto ng batas ng grabidad, at ito ay
mabilis na bubulusok paibaba, hindi na tayo masisiyahan sa dulot ng batas ng grabidad, at makikita
nating tayo'y napagtagumpayan nang kani-kanina lamang ay ikinasisiya pa natin.
Higit pang sinalaysay ng kasulatan sa kabanatang ito, "Mga kapatid, hindi na tayo alipin ng
likas na hilig ng laman kaya hindi na tayo dapat mamuhay ayon sa laman. Sapagkat mamamatay kayo
kung namumuhay kayo sa laman."(Roma 8:12-13). Kahit na ang batas ng Espiritung nagbibigay-
buhay ay pinalaya tayo mula sa batas ng kasalanan, ang batas ng kasalanan ay buo pa rin. Ang
proteksyon natin o kapangyarihan ay nagmumula sa tunay na pananampalataya o pagsunod.

36
Ang “Batas ng Espiritung nagbibigay-buhay,” ay tinatawag ding “batas ng pananampalataya”
(Roma 3:27). Alam nating ang batas ng pananampalataya ay kahalili ng batas ng kasalanan. Ang tunay
na pananampalataya ay sinasaad na may kasamang mga gawa ng pagsunod (Santiago 2:19-23). Ang
pananampalataya at pagsunod ay di mapaghihiwalay dahil ang pagsunod ay katunayan ng tunay na
pananampalataya.
Napagtagumpayan ni Abel ang batas ng kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng
pananampalataya o pagsunod sa Diyos. Tungkol kay Cain, nagpapaalala ang Diyos: Ang pagnanasa sa
kasalanan ay nasa iyo, (hindi tulad ng pagnanasa o impluwensya ng grabidad sa kahit anumang
matigas na bagay); kung susunod ka, maghahari ka laban dito (katulad ng batas ng pag-angat na higit
kaysa batas ng grabidad.). Mapagtatagumpayan natin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagsunod.

Bukas na Pinto
Ang ikalawang puntong ginawa ng Diyos kay Cain ay “Ngunit kung ‘di tama ang ginawa mo,
laging papasukin ka ng kasalanan "(Gen. 4:7). Pansinin natin ang ginamit niyang salita na
"papasukin". Isang anyo ng pinto ang kahulugan ng salitang ito sa buhay ng bawat tao, alam mo man
ito o hindi, ito'y nariyan. Ang pintong ito ang nagsisilbing daan para sa kasalanan at kapangyarihan ng
kasamaan. Sa simula pa'y sinabi na sa atin ng Diyos kung ano ang nagbubukas at nagsasara nito sa
kasalanan. Ang nagbubukas dito ay ang pagsuway at ang pagsunod naman ang siyang nagsasara dito.
Anong nangyari kay Cain? Iginiit niya ang kanyang kaalaman at pangangatwiran. Pumasok
ang ingit sa kanyang puso pagkatapos ay sinundan ng sama ng loob. Pagkatapos ay dumating ang
poot. Sumagi sa kanyang isipan ang patayin si Abel at 'di naglaon, pinatay nga niya ang kapatid dahil
sa matinding galit. Siya'y mapanlaban at nawala ang kanyang takot sa Diyos. Ipinakita niya ang
halimbawa ng ugaling mapanlaban sa kanyang pagtugon sa tanong ng Diyos tungkol sa kanyang
kapatid: "Hindi ko alam", tugon niya ‘Bakit ako ba’y tagapag-alaga ng aking kapatid?’ (Gen. 4:9).
Nagsinungaling siya sa Diyos, sapagkat alam niya ang eksaktong kinaroroonan ni Abel.
Kahit sinong tao na nasa tama ang pag-iisip ay alam na hindi lingid sa Diyos kung nasaan si
Abel, ngunit para sa taong pinaghaharian ng pangangatwiran sa kanyang buhay at ng pagsuway, hindi
niya nauunawaan ang reyalidad ng mga espiritwal na bagay. Sinusubukan niyang itulad ang imahe ng
Diyos sa lebel ng kanyang pang-unawa at mga limitasyon. Insip niyang matalino siya katulad ng
Diyos o mas matalino pa kaysa Diyos. Wala siya sa tamang pag-iisip. Si Lucifer ang premyadong
halimbawa- pinaglihi ang pangangatwiran mula sa kasalanan at pinaniniwala siyang malalampasan
niya ang Diyos. Ito'y kamangmangan, bagamat nag-akay ng marami sa kanyang kaparaanan (Isa.
14:12-17)
Kung ikaw ay pamilyar kay Cain at Abel at hindi mo alam ang nakapaloob na kuwento,
naaaring malito ka sa buong pangyayari. Paano magagawa ng isang tao ang pagpatay kung nagsimula
siyang matiyaga sa paglilingkod sa Diyos? Paano mangyayari ito? Binuksan niya ang kanyang
kaluluwa sa pintuan ng batas ng kasalanaan sa pag-giit ng pagsuway. Alam mo ba ang kasabihang,
“Kapag ibinigay mo ang iyong daliri, sasagpangin niya ang buo mong braso?” Inilalarawan nito ang
tunay na batas ng pagsuway. Kapag binuksan mo ang iyong buhay dito, kahit maliit lang ito'y
magiging katulad ng isang lamat sa "dam". Ang puwersa ng tubig ay tatagos at biglang wawasak na
parang isang baha.
Nagkaroon ako ng karangalang maglingkod ng "fulltime" sa loob ng halos labingwalong taon.
Sa mga panahong iyon, nasaksihan ko ang batas na ito sa hindi mabilang na mga pangyayari. Nakakita

37
ako ng mga taong nagsimula na nag-aapoy sa mga bagay tungkol sa Diyos. Sila'y aktibo sa kanilang
mga simbahan at walang tigil sa pagbabahagi tungkol kay Hesus. Katulad ni Cain, na nagsimula sa
pagiging masigasig. Ngunit dumating ang panahon na inilantad ng mga sitwasyon ang bahagi ng
kanilang buhay kung saan nananatili ang pagkamakasarili. Maaaring katulad din ni Cain ito ma'y
tumutukoy sa direktang kapamahalaan ng Diyos o sa naitalagang pamamahala, alinman sa dalawa.
Nakita ko kung paano sila tumanggi para masunod ang kanilang kalooban at igiit ang kanilang
sariling kaparaanan. Ilang panahon lang ang pagitan bago bahain ng kasaman ang kanilang mga
buhay. Maaaring hindi ito makita sa pagpatay, ngunit isang bagay ang sigurado, naihahayag ito sa
ibang mga paraan. Marahil ay ang baha ng kasakiman, poot, galit, 'di pagpapatawad, alitan, tsismis,
kasalanang sekswal o 'di mabilang na anyo ng pagkabihag ng kanilang laman. Madalas sa kalagayang
ito ng pandaraya at ng matinding galit o sugat, iniisip nilang sila'y nasa panig ng Diyos, at lahat ng
nasa kapangyarihan ay sukdulan o malupit, legalistiko at hindi maabot.
Sa kalagayang tulad ni Cain, ang pagrerebelde ay direktang paglaban sa kapangyarihan ng
Diyos. Pinaliliit nito ang anyo, kapamahalaan at kapangyarihan ng Diyos sa antas na mas
mapangangasiwaan ng kanilang pang-unawa na nagiging dahilan naman upang tuluyang mawala ang
paggalang nila sa Diyos. Ipinahahayag nila ang pagiging Panginoon ni Hesus subalit ang katotohanan,
naglilingkod sila kay Hesus ayon sa kanilang kagustuhan at wala sa kamalayang Panginoon nila si
Hesus. Sa kanilang mga puso, itinaas nila ang kanilang pangangatwiran ng higit sa kapangyarihan at
kapamahalaan ng Diyos. Sa anumang paraan, sila'y binulag sa pamamagitan ng panlilinlang ng
kanilang mga puso.
Kung sasabihin mo kay Cain noong siya'y bata pa, malambot pa ang puso at naglilingkod sa
Diyos, "Isang araw, papatayin mo rin ang iyong kapatid.", maaaring magugulat siya at biglang
sasabihin "Imposible iyan, hindi ko gagawin iyan!" ngunit sa paglaon, siya'y mabubuksan sa kasamaan
at magagawa ng hindi niya inaakala kung ano ang sinabi sa kanya.
Ang tao sa loob o labas man ng iglesya ay tatayo sa harapan ng Diyos isang araw at hahatulan
sa kanilang kasamaan. Gayunman, kung susundan mo ang takbo ng kanilang mga buhay, hindi mo
akalaing ang hahantungan nila'y kasamaan. Kahit ngayon, hindi nila iisipin na ang kanilang sarilil'y
nahulog sa kasamaan ngunit sa araw ng paghuhukom kapag ang katotohanan ay nahayag, sila'y
magtataka, "Paano ako nanood palayo sa pagsunod sa mga kaparaanan ng Diyos?" Ang nakalulungkot
ay ang sagot, “Hindi nila inibig at niyakap ang katotohanan ng pagpapailalim sa kanyang pagkupkop”.
Isang bagay lang ang tanging pag-asa ng mga tao sa panlilinlang! Na ang habag ng Diyos ang
magbubukas sa kanilang mga mata, na ang liwanag ng katotohanan ang papawi sa sugat ng kadiliman
at pandaraya. Ang iyak ng aking puso at ang layunin ng aklat na ito ay ingatan ang mga tao sa
paghahari ng mapanlinlang na kapangyarihan ng kasamaan at ilantad ang liwanag ng katotohanan sa
mga nasilo sa pagkapait dito, upang sila'y mapalaya. Ipangangaral ko ang tungkol sa mensaheng ito sa
lahat ng mga bansa sa daigdig. Pagkat kung tatanungin ko kung ilan ang nahulog sa bahagi ng
pagsuway, ang tugon ay palaging nag-uumapaw, palaging higit pa sa limampung porsyento. Palaging
ipinapahayag, "Hindi ko alam na may rebelyon sa aking puso liban na ilantad ito ng katotohanan."
Ipinapahayag ko rin, hindi ko isinulat ang aklat na ito kung hindi ako nadaya nitong lihim na
kapangyarihan ng kasamaan. Hindi! Natagpuan ko ang aking sarili sa ilalim ng matinding pagkapit
dito, ngunit dahil sa habag ng Diyos inilantad niya ang aking mga pagkakamalli at 'di tuwid na
kaparaanan. Ibinabahagi ko sa inyo ang aking nalalaman at kung saan ako pinalaya. Ako'y lubos na
nagpapasalamat sa Diyos sa kanyang mayamang awa.

38
Ang biyaya ng Diyos ay ang magbubukas sa ating mga mata upang makita ang mga bahagi sa ating
buhay na pinaghaharian ng pagsuway o di pagsunod. Sa susunod na kabanata, makikita natin ang nag-
uumapaw na kahalagahan ng kababaang-loob para sa ating paglaya at gayon din, para makita ang
kinahihinatnan ng pagmamataas.

39

You might also like