You are on page 1of 4

GENESIS 1 (ANG KASAYSAYAN NG PAGLIKHA)

Unang Araw – Liwanag at dilim


Ikalawang Araw – langit
Ikatlong Araw – lupa, dagat, mga halaman
Ikaapat na araw – araw, buwan, at mga bituin
Ikalimang araw – mga hayop sa dagat, at mga hayop sa himpapawid
Ikaanim na araw – mga hayop sa lupa at ang tao
Ikapitong araw – nagpahinga ang Diyos
GENESIS 2 (ANG HALAMANAN NG EDEN NANG LIKHAIN NG DIYOS ANG LUPA
AT LAHAT NG BAGAY SA LANGIT)

 Paano nilikha ng Diyos ang tao?


Ans: Mula sa alabok at hiningahan sa ilong
 Saan dinala ng Diyos ang taong Kaniyang nilikha?
Ans: Halamanan sa Eden
 2 uri ng punongkahoy
Ans: Punongkahoy na nagbibigay-buhay at punongkahoy na nagbibigay-kaalaman
tungkol sa mabuti at masama
 Anong bunga ng punongkahoy ang ipinagbawal ng Diyos na kainin ng tao?
Ans: Bunga ng punongkahoy na nagbibigay-kaalaman tungkol sa mabuti at masama
 Ano ang mangyayari sa tao kapag kinain ang bunga ng punongkahoy na ipinagbabawal?
Ans: Mamamatay
GENESIS 3 (NAGKASALA ANG TAO)
 Ano ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng Diyos?
Ans: Ahas
 Sino ang unang pumitas at kumain ng ipinagbabawal na bunga ng punongkahoy?
Ans: Babae
 Ano ang pangalang itinawag ni Adan sa kanyang asawa?
Ans: Eva

GENESIS 4 (SI CAIN AT SI ABEL)


 Ano ang pangalan ng unang anak na lalaki nina Adan at Eva?
Ans: Cain
 Ano ang pangalan ng bunsong anak na lalaki nina Adan at Eva?
Ans: Abel
 Ano ang naging tungkulin ni Cain?
Ans: Magsasaka
 Ano ang naging tungkulin ni Abel?
Ans: Pastol
 Ano ang inihandog ni Cain para sa Diyos?
Ans: Ani sa bukid
 Ano ang inihandog ni Abel para sa Diyos?
Ans: Isa sa mga panganay ng kanyang kawan. Pinatay niya ito at inihandog ang
pinakamainam na bahagi.
 Kaninong handog ang kinalugdan ni Yahweh?
Ans: Kay Abel
 Ano ang ginawa ni Cain matapos kalugdan ng Diyos ang handog ni Abel?
Ans: Pinatay niya si Abel
 Anong parusa ang ibinigay ng Diyos kay Cain matapos nitong patayin ang kapatid?
Ans: Pinalayas sa lupain at isinumpa na hindi na maaaring bungkalin ang kaniyang lupa
dahil doon dumanak ng dugo ang kaniyang kapatid na si Abel/
 Ano ang pangalan ng anak ni Cain?
Ans: Enoc
 Ano ang pangalan ng isa pang anak na lalaki nina Adan at Eva na sinasabing kapalit ni
Abel?
Ans: Set

GENESIS 5 (ANG LAHI NI ADAN)


 Ilang taon na si Adan nang maging anak niya si Set?
Ans: 130 taon
 Ilang taon si Adan nang siya ay mamatay?
Ans: 930 taon
 Ano ang pangalan ng anak ni Set?
Ans: Enos
 Ilang taon si Set nang maging anak niya si Enos?
Ans: 105 taon
 Ilang taon si Set nang siya ay mamatay?
Ans: 912 taon
 Ano ang pangalan ng anak ni Enos?
Ans: Kenan
 Ilang taon si Enos nang maging anak niya si Kenan?
Ans: 90 taon
 Ilang taon si Enos nang siya ay mamatay?
Ans: 905 taon
 Ano ang pangalan ng anak ni Kenan?
Ans: Mahalalel
 Ilang taon si Kenan nang maging anak niya si Mahalalel?
Ans: 70 taon
 Ilang taon si Kenan nang siya ay mamatay?
Ans: 910 taon
 Ano ang pangalan ng anak ni Mahalalel?
Ans: Jared
 Ilang taon si Mahalalel nang maging anak niya si Jared?
Ans: 65 taon
 Ilang taon si Mahalalel nang siya ay mamatay?
Ans: 895 taon
 Ano ang pangalan ng anak ni Jared?
Ans: Enoc
 Ilang taon si Jared nang maging anak niya si Enoc?
Ans: 162 taon
 Ilang taon si Jared nang siya ay mamatay?
Ans: 962 taon
 Ano ang pangalan ng anak ni Enoc?
Ans: Matusalem
 Ilang taon si Enoc nang maging anak niya si Matusalem?
Ans: 65 taon
 Ilang taon umabot si Enoc?
Ans: 365 taon
 Ano ang pangalan ng anak ni Matusalem?
Ans: Lamec
 Ilang taon si Matusalem nang maging anak niya si Lamec?
Ans: 187 taon
 Ilang taon si Matusalem nang siya ay mamatay?
Ans: 969 taon
 Ano ang pangalan ng anak ni Lamec?
Ans: Noe
 Ilang taon si Lamec nang maging anak niya si Noe?
Ans: 182 taon
 Ilang taon si Lamec nang siya ay mamatay?
Ans: 777 taon
 Sinu-sino ang mga naging anak ni Noe?
Ans: Shem, Ham at Jafet
 Ilang taon si Noe nang maging anak niya sina Shem, Ham at Jafet?
Ans: 500 taon

You might also like