You are on page 1of 4

FILIPINO II

Pangalan: _________________________________________________________________________________

I. Panuto: Basahing mabuti ang talata at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang titik ng wastong
sagot.

Ang magkapatid na Roel at Joel ay masayang nagtungo sa tabing dagat. Mainit ang araw noon.
Gumawa sila ng maliit na kastilyong buhangin.Nanguha sila ng mga kabibe na iba’t iba ang laki,kulay
at hugis.Ganoon na lang ang gulat nila nang biglang lumaki ang alon.Kumaripas sila ng takbo.

____ 1. Sino ang nagpunta sa tabing dagat?


A. Sina Roel at Joel B. Sina Joel at Rosa
C. Sina Rudy at Joel D. Sina Rey at Roy

____ 2. Bakit sila nagulat?


A. Uminit ang sikat ng araw B. lumaki ang alon sa dagat
C. Nasira ang kastilyong buhangin D. Dumating ang nanay nila

____ 3. Kung kayo sina Roel, ano ang gagawin ninyo kung lumaki ang alon sa dagat.
A. Lalangoy palayo sa dagat B. Matutuwa sa alon
C. Kakaripas ng takbo D. Magsisisigaw sa takot.

II.Panuto: Tukuyin ang katangian o ugali ng tauhan batay sa kaniyang pahayag o ginawa. Isulat sa
patlang ang titik ng wastong sagot.

_____ 4. Kapag walang gumagamit, pinapatay ni Charles ang ilaw.


A. Maaasahan B. makulit
C. masunurin D. matipid

_____ 5. Natutuwa si Stephanie na magbigay ng tulong sa mga kaklase niyang nangangailangan.


A. Mapagbigay B. magagalitin
C. masayahin D. Makulit

III.Panuto: Isulat sa pinaikling salita ang may salungguhit sa mga parirala at pangungusap sa ibaba.
Isulat sa patlang ang sagot.

6. maaamo at masunurin _____________________________

7. Magbasa at sumulat nang madalas para gumaling. _____________________

IV. Panuto: Salungguhitan ang wastong pandiwa na angkop sa bawat pangungusap

8. ( Binibili, Binili ) ko sa Marikina ang aking sapatos noong Sabado.

9. Marami akong ( ginawa , gagawin ) kanina.

10. Si Paulo ay ( pinagsabihan, pinagsasabihan) ng kaniyang ama noong isang araw.

11. ( Pupunta,Pumunta) ako sa Makati kahapon.

V. Panuto: Tukuyin ang wastong kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Isulat ang letra ng wastong
sagot.

_____ 12. Mainit ang buhangin sa dalampasigan


A. Tabing ilog B. tabing bahay
C. tabing daan D. tabing dagat
_____ 13. Ang Hari at Reyna ay nakatira sa malaking kastilyo.
A. dampa B. palasyo
C. bahay D. kondominyon

_____ 14. Nadapa ang bata nang kumaripas sila ng takbo palayo sa dalampasigan.
A. Mabilis na tumakbo B. marahang tumakbo
C. mahinang tumakbo D. dahan-dahang tumakbo

VI. Panuto: Piliin ang wastong kahulugan ng mga tambalang salita na may salunguhit sa bawat
pangungusap.

_____ 15. Ano ang hanapbuhay ng tatay mo?


A. trabaho B. natapos
C. pinag-aralan D. libangan

_____ 16. Malaki ang naitutulong ng Bantay Bata sa lalawigan.


A. samahang nangangalaga sa mga bata
B. samahan ng mga mang-aawit
C. samahan ng mga barangay
D. samahan ng mga bata

VII. Panuto: Piliin ang pang-uring pamilang sa sumusunod na pangungusap.

_____ 17. Marami akong laruan na nakatago sa bahay. Alin ang salitang nagsasaad
ng bilang
A. laruan B. marami
C. nakatago D. bahay

_____ 18. Alin sa mga pang-uri ang nagsasaad ng di-tiyak na bilang?


A. Walo B. talo
C. lima D. marami

VIII. Panuto: Isulat ang Letra ng wastong sagot

_____ 19. Ang mga mamamayan ay nawalan ng bahay dahil sa malakas na bagyo. Ang nagpapahayag ng
sanhi ay ____________
A. Malakas na bagyo B. nawalan ng bahay
C. ang mga mamamayan D. mamamayan ay nawalan

_____ 20. Alin sa mga pangungusap ang nagpapahayag ng sanhi at bunga?


A. Umiyak ang ate
B. ang kanyang bag
C. nawala ang bag niya sa
D. Nawala ang kaniyang bag kaya umiyak ang ale.

_____ 21. Nakaligtaan ni Dodong isara ang gripo sa kusina. Nagulat ang kaniyang nanay nang makitang
basa ang sahig. Alin ang nagpapahayag ng bunga?
A. Nakaligtaan ni Dodong isara ang gripo sa kusina
B. Nagulat ang nanay
C. Nakitang basa ang sahig
D. Natapon ang tubig

_____ 22. Bumaho sa kalsada dulot ng pagtatapon at pag-iimbak ng basura roon. Alin ang nagpapahayag
ng sanhi?
A. Pagtatapon at pag iimbak ng basura
B. Bumaho sa kalsada
C. bumaha
D. pagtatapon.
_____ 23. Bata pa si Roy ay palaboy-laboy na siya sa lansangan.Ulila na siyang lubos.Sa lansangan siya
natutulog. Upang may makain ay tumutulong siya sa karinderya bilang taga-hugas ng pinggan.
Nakita ng may-ari ang kaniyang kabaitan kaya inampon at pinag-aral siya. Ano ang posibleng
mangyayari kay Roy?
Si Roy ay magiging _______________
A. Tamad B. mahirap
C. malungkot D. matagumpay sa buhay

_____ 24. Masinop si Gina sa buhay. Matipid siya sa pera. Hindi niya ginagastos ang kaniyang pera sa
mga hindi kailangang bagay. Minsan, nagkasakit ang kanyang ina. Malaki ang kailangang
pera para sa operasyon. Ano ang susunod na mangyayari?
A. Hindi maooperahan ang nanay.
B. Pababayaan ni Gina ang nanay
C. Wala siyang gagastusin sa operasyon.
D. Sasagutin ni Gina ang bayad sa operasyon.

IX. Panuto: Isulat kung anong bantas ang gagamitin sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot
sa bawat patlang.

25. Ang _______________ ay ginagamit sa pangungusap na pasalaysay.

26. Ang ____________________ ay ginagamit sa pangungusap na patanong.

27. Ang ___________________________ ay ginagamit sa pangungusap na nagpapakita ng matinding


damdamin.

X. Panuto: Masdan ang mga larawan.Ayusin ang mga ito ayon sa wastong pagkakasunud-sunod. Lagyan
ng bilang 28-30

You might also like