You are on page 1of 3

Luke 10:17-20

English:

17 The seventy-two returned with joy, saying, “Lord, even the demons are subject to us in your name!”
18 And he said to them, “I saw Satan fall like lightning from heaven. 19 Behold, I have given you
authority to tread on serpents and scorpions, and over all the power of the enemy, and anothing shall
hurt you. 20 Nevertheless, do not rejoice in this, that the spirits are subject to you, but rejoice that your
names are written in heaven.”

Tagalog:

17 Pagkatapos nito, ang pitumpu ay bumalik na may kagalakan. Kanilang sinasabi: Panginoon, maging
ang mga demonyo ay sumusunod sa amin sa pamamagitan ng iyong pangalan. 18 Sinabi ni Jesus sa
kanila: Nakita ko si Satanas na nahulog mula sa langit na parang kidlat. 19 Narito, ibinibigay ko sa inyo
ang kapamahalaan upang tapakan ang mga ahas at mga alakdan at lahat ng kapangyarihan ng kaaway.
Kailanman ay hindi kayo masasaktan ng sinuman. 20 Gayunman, huwag ninyong ikagalak ang mga ito,
na ang mga espiritu ay nagpapasakop sa inyo. Ngunit ikagalak nga ninyo na ang inyong mga pangalan ay
nakasulat sa langit.

TITLE: "A TIME TO REJOICING"

INTRODUCTION:

Kung babasahin po natin yung buong Luke Chapter 10, yung sinasabi po sa verse 17 na pitumpu't dalawa
(72) na bumalik is yung mga alagad na isinugo po ng Panginoon sa iba't ibang lugar (meron po sa
Bethsaida, Tiro, Sidon at Capernaum), sinugo po sila ng by partner/magkakapareha and sa verse 16 po
"Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad "Ang nakikinig sa inyo ay sa akin nakikinig, ang nagtatakwil sa
inyo ay nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.""

Nung bumalik po yung 72 na alagad tuwang-tuwa sila na ibinalita sa Panginoon ang mga nangyari sa mga
napuntahan nila (say about the verse read)

Kayo po gusto ko po kayong tangunin, "WHAT'S MAKE YOU REJOICE?" - Ano po ba yung mga
nakakapagpasaya sa inyo?

- Manalo sa Lotto? Weteng?

- Mabigyan ng Regalo? Birthday/Ocassionally

Ask again, "What's make you rejoice?"

- Share (Passing the Board Exam)

CONTINUATION:
Ayan balik po tayo sa topic natin, kung saan yung 72 na alagad ay nagagalak sa naging outcome ng
misyon na ibinigay sa kanila ni Lord. Lahat ng sinabi ni Jesus sa kanila ay nagkatotoo. Tinanggap sila ng
tao and THE PEOPLE PLEASE JESUS. Dahil dun pati si Lord po nao-overjoyed sa naging resulta ng misyon.
BUT (Pero) gusto ni Lord na magrejoice po tayo sa ibang level.

Understand, this is the only place in all the Gospels that the Bible says Jesus rejoices. (So, bihira lang po
pala nating mababasa sa Bibliya na nagalak ang ating Panginoon)

Ngayong umaga, gusto ko pong magfocus tayo sa salitang REJOICE

1. REDEEMED - Let us rejoice because Jesus redeemed us from our sin. 2,000 years ago tinubos po tayo
ni Panginoon sa ating mga kasalanan. Sabi po sa Efeso 1:7 "Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng
kanyang dugo at pinatawad ang ating mga kasalanan. Ganoon kasagana ang kanyang kagandahang-
loob".

2. ENLIGHTENED - Let us rejoice because Jesus elightened our way through Him. Binigyan niya tayo ng
liwanag kung saan yung liwanag na yun ang nagiging way Niya para makita natin siya. Literally, hindi
natin siya nakikita pero kapag nagsisimba tayo, nagbabasa ng bibliya, umaattend ng bible study/sunday
school, prayer meeting nagkakaroon tayo ng kaliwanagan.

3. JEWEL - Let is rejoice because in God's eye we are all jewel. We are shining in our own way. Kung ang
tingin po natin sa sarili natin maliit na tao lang, mahirap, walang maipagmamalaki, ibahin po natin ang
Panginoon. Pantay-pantay lang tayo sa paningin Niya. Sabi po sa Kawikaan 22:2 "Ang mayaman at ang
dukha ay nagkakasalubong kapuwa: ang Panginoon ang May-lalang sa kanilang lahat."

4. OVERCOMER - Let us rejoice because we can overcome everything by believing in Jesus. Problema,
pagsubok, paghihirap, lahat po yan kayang kaya nating lampasan basta naniniwala po tayo na kasama
natin ang Diyos sa lahat ng oras at panahon. And sabi po sa Philippians 4:13 "We can do everything
through Christ who strengthens us!"

5. IMAGE - Let us rejoice because we are created in God's image. Sabi po sa Genesis 1:26-27
"Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis.
Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o
mailap, malaki o maliit.” 27 Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang
nilalang na isang lalaki at isang babae.

6. CHURCH - Let us rejoice because we have a church.

7. ETERNAL LIFE - Let us rejoice because Jesus gave us eternal life. Alam na alam naman po natin kung
ano yung sinasabi sa John 3:16. Manampataya lang tayo sa Kanya, magkakaroon tayo ng buhay na
walang hanggan.

Now, isummarised po natin:

Let us rejoice because:


We are REDEEMED, ENLIGHTENED, JEWEL, OVERCOMER, His IMAGE, His CHURCH and we have ETERNAL
LIFE.

And most important po, sa verse 20

Nevertheless, do not rejoice in this, that the spirits are subject to you, but rejoice that your names are
written in heaven.”

"REJOICE THAT YOUR NAMES ARE WRITTEN IN HEAVEN"

Katulad po ng 72 na alagad, humayo sila ayon sa kagustuhan ng Lord and ginawa nila kung ano yung
pinapagawa sa kanila. Dahil sa pagsunod nila, Sila ay nagtagumpay. Tagumpay na hindi lang sila nag
nagalak kundi ganon din kagalakan ng Panginoon dahil bumalik sila wagi. Sana ganon din po tayo in
every achievements, success, winning in our life REJOICE IT WITH LORD.

AMEN!

You might also like