You are on page 1of 2

FILIPINO 10 –PAGTATAYA

DAREL JAY G. OLALIA GR. 10 –ST. JOHN

SARILING MITOLOHIYA

Si Athena ang nagsimula lahat ng mundo at siya’y nakatira sa sobrang


taas na bundok ito’y ang Mt. Apo, siya ang diyosa ng mundo at diyosa ng
lahat,gumawa siya ng langit at lupa ngunit nalungkot siya , kaya’t napagisipan
niyang lumikha ng isa pang diyos, ang diyos ng langit at pag-ibig na si Zeus at
halos pantay ang kanilang kapangyarihan, sa araw na iyon biglang napatingin
si Zeus kay Athena at sinabi sa kaniya ,“ Grabe pandaigdigan ang iyong
kagandahan” sabi ni Zeus.

Kinilig si Athena sakaniyang sinabi kaya’t bunga ito ng ng tuloy-tuloy


nilang pagmamahalan at dumating sa isang punto na nagkaanak sila ng apat ,
sila ay sina Poseidon, Demeter, Dionysus, at Hestia. Binigyan sila ng mga
kapangyarihan ni Athena. Si Poseidon ang diyos ng Digmaan at diyos ng
pagkapantay-pantay, Si Demeter naman ang diyos ng Alak at Tubig, Si Dionysus
and diyos ng Lupa at Apoy, at si Hestia naman ang Diyosa ng Kagandahan at
diyosa ng Digmaan.

Isang Araw ay nainip si Athena dahil sila palagi ang nakikita niya, kaya’t
gumawa siya ng mga mortal na tao at hayop, gumawa rin siyang mga
malalawak at malalaking lugar o lupa kung saan sila titira, gumawa rin siya ng
bundok . Makalipas ng tatlong araw, nagtataka si Athena kung bakit tila
bagang wala silang pakelam sa kinaroroonan nila, kaya’t napagisipan niyang
bigyan sila ng kaalaman tungkol sa mundo at sa kanilang sarili lalo’t na ang mga
tao dahil parehas ang kanilang istraktura ng katawan kaya’t mas binigyang
niyang pansin ang mga tao. Dahil sa kanilang kaalaman at sa kanilang
pagsulong ay natututo silang mamuhay ng mapayapa. Ngunit makalipas ng
dalawang lingo halos lahat ng tao ay namamatay sa walang dahilan kaya’t
pinadala si Demeter kung saan nakatira ang mga tao. Binigyan sila ng mga alak
na gawa sa mga prutas, sila ay nalasing ngunit kahit papano ay huminto ang
misteryosong pagkakamatay nila. Nang bumaba si Athena nagtataka siya kung
bakit ganun sila maglakad at magsalita, kaya’t tinanong niya kay Demeter kung
ano ang binigay niya at sinabi niya ay Alak, nagalit si Athena kay Demeter dahil
imbes na tubig ang ibigay niya sa tao ay alak ang kaniyang binigay, sa
pangyayareng iyon ay ginawa niyang dagat si Demeter kaya’t hindi
proproblemahin ang tubig at gumawa rin siyang mga isda na puwedeng kainin
ng ibang hayop at ng mga tao. Makalipas ng dalawang siglo, natuto na maghabi
ng damit, mangaso ng hayop, maghuli ng isda at dumami narin ang kanilang
populasyon dahil nakita nila kung paano magparami ang mga hayop tulad ng
mga aso, tigre, baboy at iba pang hayop na nakatira sa lupa. Ngayon naman ay
nainip si Zeus kaya’t ginamit niya lahat ng makakaya niyang paunlarin ang
kaisipan ng tao na maging moderno, ipinagpatuloy ni Zeus ang kaniyang
hangarin at umabot ito sa ika-20 na siglo, marami ang nangyare sa panahon na
iyon, nagkaroon ng gyera, nagkaroon ng mga problema , nagkaroon ng mga
imbensyon na makakasira sa kalikasan at sa mundong ito, ang mga tao ay
nagkakaguluhan na kaya’t nagkaroon ng iba’t ibang bansa dahil nagkabitak
bitak ang mga lupa at nahati sa apat na lugar. Binigyan din ni Zeus ang mga
naghiwalay ng sariling lengwahe at kapangyarihan, ang nasa hilagang bahagi ay
ang sunog na bansa(Fire Nation), Kanlurang Bahagi naman ay ang tubig na
bansa( Water Nation), ang nasa timog na bahagi ay ang lupang bansa(Earth
nation) at ang mas makapangyarihan sa lahat ang gumagamit ng mga mahika
ang Silang bahagi. Binigyan ni Zeus ng isang premyo kung saan kung sino ang
nanalo sa labananan ay bibigyan siya ng isang nais(wish), unang nagpakitang
gilas ang apoy na pinamumuan ni Loki, ikalawa ang tubig na pinamumuan ni
Floki, ikatlo ang lupa na pinamumuan ni Juan, nainip ang taga silangan na
pinamumuan ni Digong at nanalo sila agad, Kaya’t ang nais ni Digong ay maging
isa siyang Diyos ng lahat at ayun pinatay niya lahat ng diyos at diyosa, gumawa
ulit siya ng panibang mundo na tinatawag na Earth na may pitong kontinente,
may tubig, lupa, hayop, at tao. Pinagpatuloy niya ang laro kung saan kung sino
natira sa labanan, bibigyan siya ng isang nais.

You might also like