You are on page 1of 1

Sa unang video ay ibinahagi ko ang pagkakaiba ng Dyos na nasa Genesis at ang Ama ni Jesus.

Na sila ay
magkaibang persona at katangian. Ngayon naman ay ating tatalakayin ang ilang pangyayari sa hardin ng
Eden na lalong mag papatibay ng aking pahayag sa naunang video.

Isa na dito ang pagbabawal ng Elohim o Dyos sa pagkain sa bunga ng puno ng karungan. Kung siya ay
may mabuting hangarin sa atin bakit nya iyon ipagkakait? Nang mag sabi si Adan na siya ay nahihiyang
humarap sa dyos dahil sya ay hubad ay nalaman agad ng dyos na sila ay kumain ng bunga ng puno ng
karunungan kung kayat nabuksan ang kanilang mga mata at nakaramdam ng hiya na makita sila na
hubad (Genesis 3:8-10).

Hindi nakakapagtaka na hindi din alam nila Adan na paraiso na ang kanilang kinalalagyan kung mismong
katawan nila ay di nila napapansin.

Dumako naman tayo sa puno ng buhay, atin din pansinin ang mga talatang ito sa Genesis 3: 22-24

22 At sinabi ng Panginoong Dios, Narito't ang tao'y naging parang isa sa atin, na nakakakilala ng mabuti
at ng masama; at baka ngayo'y iunat ang kaniyang kamay at pumitas naman ng bunga ng punong kahoy
ng buhay, at kumain at mabuhay magpakailan man:

23 Kaya pinalayas siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden, upang kaniyang bukirin ang lupaing
pinagkunan sa kaniya.

24 Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga Querubin at
ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay.

Hindi kaba nagtataka? Kung siya ay tunay na ama bakit ayaw niya na mabuhay ng walang hanggan gaya
niya ang kanyang mga anak? At napakalayo ng kanyang katangian sa katangian ng Ama na ipinakilala ni
Jesus. Ang isang ito ay puno ng pagka puot, pag sumpa pag iimbot, at pagparusa na malayong malayo sa
isang Ama na tinatawag na Dyos ng Pag-ibig.

Mga kaibigan at kapatid, pag isipan natin ito..

You might also like