You are on page 1of 2

NAGKASALA ANG TAO

Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka't sa araw na
ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.(Genesis 2:17)

Bakit kaya? Bakit kailangan pang ilagay ang puno na iyon kung ganun lang din ang ating sasapitin, ang
mamatay. Ang totoo, nilagay ng Diyos ang puno na iyon ay upang ma-exercise nating ang ating
FREEWILL. Ang ating malayang pagpili. Subalit nagkamali lamang ng paggamit ang ating unang magulang
dahil maari namang hindi kaainin ang prutas doon at sumunod na lamang sa utos ng Diyos. At dito nag-
ugat ang ating minanang kasalanan (original sin, CCC 397).

Bakit si Eba ang unang tinukso at hindi si Adan? Dahil ba sa taglay niyang kahinaang pisikal? Hinding
hindi po. Sa katunayan, mas matibay pa nga ang spinal cord ng mga babae kumpara sa lalaki kung kaya
marahil sila ang nagdadalang-tao. Dahil ayon sa pag-aaral ng siyensya, mahina at madaling makuba ang
mga lalaki kapag may mabigat na dala ang kanilang katawan.

Ayon sa isang rebelasyon ng Diyos sa isang mistikong santo, ang buong akala ni Satanas na si Adan ay
ang Diyos mismo na nagkatawang tao na. Dahil sa una, pinagkait sa kanyang ipakita kung paano nilalang
ang tao. Magkagayunpaman, nag-aalinlangan pa rin sa una ang ahas dahil naalala pa rin niya ang
sinabi sa kanya ng Diyos doon sa langit noong siya ay nagrebelde : At papagaalitin ko ikaw at ang babae,
at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang
sakong (Genesis 3:15).

Ang pagkakamali lamang ni Adan ay hindi man lamang niya naipagtanggol ang kanyang kabiyak sa tukso
ng demonyo. Naroon lamang siya sa tabi ni Eba subalit nanahimik lamang at walang ginawang
pagsisikap. Noong tinanong sila ng Diyos kung kinain nila ang prutas doon sa pinagbabawal na puno, sa
halip na umamin sa pagkakasala, ay sinisi pa ang Diyos at ang babae. (At sinabi ng lalake, Ang babaing
IBINIGAY MOng aking kasamahin, ay SIYANG nagbigay sa akin ng bunga ng punong kahoy at aking kinain
Genesis 3:12)

Ang tao nga naman, sisihin ang lahat huwag lamang ang kanyang sarili sa kanyang pagkakamali. Sa
kuwento pa lamang ng Genesis ay naroon na ang sakramento ng kumpisal (confession). Kung
nangumpisal at nagsisi lamang ang ating unang magulang sa kanilang kasalanan marahil ay
mapapatawad pa sila ng Diyos.

___________

Panalangin: +

Panginoong Diyos Ama, salamat sa sakramento ng kumpisal na ipinagkaloob mo sa Inang Simbahan.


Dahil sa biyayang ito ay muli pong nanumbalik ang aming buhay sa pakikipag-kaisa sa Iyo gaya ng
pakikipagkaisa Ninyo sa aming unang magulang sa panimula. Humihingi po kami ng ibayong lakas upang
mapaglabanan namin ang mga materyal na tukso nakapaligid sa amin. Gawin Mo kaming mabuting
tagapagtanggol ng katotohanan para sa aming minamahal. Amen.

You might also like