You are on page 1of 4

Propeta Adam (AS)

Sinabi ng Allah (SWT) sa mga Anghel na gagawa siya ng khalifa o ‘successor’ sa Ingles. Ang tanong ng
mga Anghel sa Allah (SWT) ay kung hindi ba sapat ang kanilang pagpupuri sa kanya at kung hindi ba
sapat ang kanilang pananampalataya sa kanya.

Sinabi ng Allah (SWT) sa mga Anghel, alam niya ang hindi alam ng mga Anghel.Ang kanyang ibig sabihin
dito ay ang kanyang paglikha sa mga Propeta, ang Propeta Mohammad (SAW) na kanyang sugo, at ang
mga tao.

Bago pa dumating ang mga tao mayroong mga Jinns na gumagawa ng kasamaan sa mundo. Ipinadala
ng Allah (SWT) ang hukbo ng mga Anghel at ang Iblis para labanan ang mga ito at hanggang sa natulak
ang mga ito sa sulok ng isla ng karagatan

Ang Iblis ay galing sa Al Jinn, siya ay banal, kasama siya sa mga Anghel at mas mataas ang kanyang lebel
sa mga Anghel. Nang marinig ng Iblis ang Allah (SWT) na kinakausap ang mga Anghel tungkol sa
gagawing paglikha na mas naka-hihigit sa mga Jinn, at ang mga ito ay nabigyan ng control sa kalupaan,
nagkaroon ng selos sa kaloob-looban ng Iblis bago pa nailikha ang Propeta Adam (AS)

Inilikha ng Allah (SWT) ang Propeta Adam (AS) sa araw ng Biyernes, ang hulis oras ng araw na iyon. Ang
Propeta ay gawa sa lupa na kinuha sa iba’t ibang lupain ng mundo, pagkatapos ay hinaluan ito ng tubig
at naging putik, hinayaan lamang ito hanggang sa naging clay, at mas pinatagal ang clay hanggang sa
nagbago ang amoy at ang kulay nito ay naging mas maitim, at kinuha ito ng Allah (SWT), kanyang
hinubog sa anyo ng Propeta Adam (AS).

Ang katawan ng Propeta ay wala pang kaluluwa, nandoon lamang ito. Ang Iblis ay nagsimulang pasukin
ang katawan ng Propeta at lumabas din. Nalaman ng Iblis na ang nailikha ay mahina lamang, ang
kanyang sabi.

Ang Propeta ay may katangkaran na nasa 60 cubits, ubod ng ka-gwapuhan. Ginawa ng Allah (SWT) ang
Propeta sa anyo ng isang adult, hindi ito dumaan bilang isang sanggol.

Inutos ng Allah (SWT) sa mga Anghel na dapat silang yumuko sa kanyang nilikha pagkatapos niya itong
ilikha. Nang inihip ng Allah (SWT) ang kaluluwa ng Propeta sa katawan nito at nang maka-pasok ang
kaluluwa, ang Propeta ay bumahing at sinabi ay ang Alhamdulillah, ‘praise be to Allah’. Nang imunulat
ng Propeta ang kanyang mata, kitang kita niya ang Jannah, ang Paraiso. Nang tuluyang maka-pasok ang
kaluluwa ng Propeta, Ang lahat ng mga Anghel ay yumuko, ngunit ang Iblis lamang ang nanatiling naka-
tayo, nakararamdam ng pagtangi at inggit sa Propeta.

Itinanong ng Allah (SWT) kay Iblis kung bakit humadlang ito sa kanyang utos. Ang sagot ng Iblis at
kanyang sinabi na mas magaling siya kaysa sa Propeta at bakit siya yuyuko kung siya ay gawa sa apoy
samantalang ang Propeta ay gawa sa clay. Ang iblis ay mating nagseselos sa atensiyon na nakukuha ng
Prpeta, kung bakit itinuturo ng Allah (SWT) ang lahat dito, at kung bakit magiging Ama ito sa kalupaan.

Agad inutos ng Allah (SWT) na umalis ang Iblis at kanyang ipinalayas sa Paraiso, ang kanyang sumpa ay
hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Sinabi ng Iblis na kanyang ililigaw ang lahat maliban sa mga taos-
pusong nana-nampalataya sa Allah (SWT).

Sinabihan ng Allah (SWT) ang Propeta na kausapin ang mga Anghel at sabihin ang “Assalamualaikum”, at
ang isinagot ng mga Anghel ay “nawa ang kapayapaan ng Allah ay suma sa iyo at ang kanyang awa at ang
kanyang pagpapala ay suma iyo”. Ito ay ang pagbati, “Assalamualaikum” at pagkatapos ay kahit na
anong pagbati ang sabihin kagaya ng ‘hi’ or ‘hello’ sa Ingles.

Kinuha ng Allah (SWT) sa likod ng Propeta ang mga anak ng Propeta at ipinakita ng Allah (SWT) ang una
hanggang sa kahuhuling anak ng Propeta. Nang makita ito ng Propeta, Itinanong niya kung ano ang mga
ito, at sinabi ng Allah (SWT) na ang mga ito ay ang kanyang mga anak.

Tinignan ng Propeta ang kanyang mga anak at isang maliwanag na bagay ang kanyang Nakita at
nagustuhan niya ito, Itinanong ng Adam kung sino ito. Sinabi ng Allah (SWT) na sa pagdating ng
panahon, isa ito sa kanyang magiging supling na si Dawud at ito ay 60 yrs. old. Sinabi ng Propeta na
ibigay ang 40 na taon kay Dawud mula sa kanyang buhay. Pumayag ang Allah sa hiling ng Propeta at ito
ay na-markahan.

Nagkaroon ng kasunduan ang mga tao at ang Allah (SWT), ito ay ang tungkol sa, “walang ibang
sasambahin maliban kay Allah (SWT)”. Sinabi ng Allah (SWT) na hindi maaring sabihin ng mga tao na
hindi nila alam ang tungkol dito pagdating ng Araw ng Paghuhukom.

Itinuro ng Allah (SWT) sa Propeta ang lahat ng pangalan, ang pangalan ng lahat ng mga bagay. Binigyan
ng abilidad ang Propeta na kilalanin at mag-talaga ng pangalan sa mga bagay.
Ang Propeta ay mag-isa lamang, isang araw pagka-gising niya, Nakita niya ang isang taong katabi niya.
Nagulat ang Propeta at itininanong kung sino ito. Ang sabi ng tao ay isa itong babae. Itinanong ng
Propeta kung sino ang gumawa sa babae. Sinagot nito na ang Allah (SWT) ang lumikha sa kanya.
Nagtanong muli ang Propeta kung bakit inilikha siya ng Allah (SWT). Sinagot muli ng babae ang Propeta
at sinabing upang makahanap ng kapayapaan ang Propeta sa kanya.

Nang makita ng mga Anghel ang ekspresyon ng Propeta, itinanong nila kung maaring bigyan ng Propeta
ng pangalan ang babae. Agad na sinabi ng Propeta, Hawwa (Eve). Sapagkat ito ay nilikha galing sa isang
bagay na nabubuhay, ito ay inilikha galing sa ‘rib bone’ ng Propeta, ito ay ang pinaka-magandang babae
na nabuhay sa mundo.

Inutos ng Allah (SWT) na sila’y manirahan sa Paraiso, kaninin ang mga prutas na naroroon, ngunit huwag
lamang lalapit sa isang puno na kanyang mahigit na ipinagbabawal. Nagsimula dito ang masamang
misyon ng Shaytan, si Iblis. Ibinulong ng Shaytan sa Propeta na kung kakainin niya ang prutas ng puno ay
mamumuhay ang Propeta ng habang buhay at magkakaroon ng kaharian na hindi mawawasak. Ang isa
pang binulong ng Shaytan ay kung kakainin ng Propeta ang prutas at ng kanyang asawa, sila ay magiging
mga Anghel Patuloy na bumubulong ang Shaytan hanggang sa sumumpa siya sa Allah (SWT), at ng oras
na sinabi ng Shaytan na siya ay nangako sa Allah (SWT), nakinig ang Propeta at kinain ng kanyang asawa
at ng Propeta ang prutas.

Nang kanilang nakain ang prutas, ang kanilang maseselang bahagi ng katawan ay nalantad, tumakbo sila
papalayo sa isa’t isa at itinakpan ng dahon ang mga pribadong parte ng kanilang katawan.

Itinuro ng Allah (SWT) sa Propeta ang du ana kanyang sasabihin. Nang ginawa ito ng Propeta, Ipinatawad
siya ng Allah (SWT). Inutos ng Allah sa Propeta at ng kanyang asawa na sila ay bababa sa mundo. Ibinaba
ng Allah (SWT) ang Propeta sa India, (A/n: ang sabi ng ilang scholar ay sa Sri Lanka), samantala ang
kanyang asawa ay malapit sa Jeddah.

Hinanap-hanap ng Propeta at ni Hawwa ang isa’t isa hanggang sa sila ay nagtagpo sa Arafat, nagsimula
silang mamuhay sa bundok. Itinuro ng Allah (SWT) sa Propeta ang pangalan ng lahat ng bagay at kanya
ding Itinuro kung papaano makitungo sa buhay, mga bagay upang mabuhay.

Nabuntis si Hawwa ng 20 na beses, lahat ng kanyang ipinagbuntis ay mga kambal, isang lalaki at babae.
1000 years ang nararapat na pamumuhay sa mundo ng Propeta Adam (AS). Nang siya ay umabot ng 960
years old, ang Anghel ng Kamatayan ay dumating para sa Propeta. Itinanong nito kung handa na bang
mamatay ang Propeta sapagkat kinakailangan niya munang tanungin ang mga Propeta ng Allah (SWT)
bago isagawa ang kanyang misyon.

Sinabi ng Propeta na mayroon pa siyang 40 years para mabuhay. Sinagot ng Anghel ng Kamatayan ang
tungkol sa pagbibigay ng Propeta ng 40 years na taon sa anak nitong si Dawud. Itinaggi ito ng Propeta at
Ang Allah (SWT) ay kanyang pa ding ipinatawad ang kasalanan ng Propeta.

Noong ang Propeta ay nasa kanyang higaan, ang kanyang mga anak sa panahong iyon ay nakapa-libot sa
kanya. Ang sabi ng Propeta sa kanyang mga anak, nais niyang hangarin ang mga prutas sa Paraiso. Hindi
masyadong alam ng kanyang mga anak ang tungkol sa Paraiso, kaya’t umalis sila at hinanap ang mga
prutas na galing sa Paraiso. Nang sila ay nasa daan, kakaibang mga kalakihan ang nagpakita sa kanila, ito
ay ang mga Anghel na may dalang pala at mga kagamitan sa paghuhukay, pagbalot sa patay, at puting
kabaong. Itinanong ng mga anghel kung saan pupunta ang mga anak ng Propeta, sinabi ng mga ito na
mango-ngolekta sila ng mga prutas na galing sa Paraiso para sa kanilang Tatay. Kaya sinabi ng mga
Anghel na bumalik ang mga ito sa kanilang Tatay dahil ang buhay nito ay magwawakas, kaya pumanta
sila kasama ang mga Anghel.

Nang pumasok sila sa bahay o sa lugar na kung saan naroroon ang Propeta Adam (AS), Si Hawwa ay
naka-upo sa tabi ng Propeta, Nang makita niya ang mga kakaibang kalakihan, alam niyang ang mga ito ay
mga Anghel kaya hinawakan niya ang Propeta, ayaw niyang pakawalan ito. Kaya sinabi ng Propeta Adam
(AS) na iwanan siya nito sa pagitan ng kanyang sarili at ng mga Anghel ng Allah (SWT). Nang oras na iyon,
kinuha ng Anghel ng Kamatayan ang kaluluwa ng Propeta Adam (AS), at pagkatapos ang mga Anghel ay
lumabas. Sa harapan ng mga apo at anak ng Propeta Adam (AS), naghuhukay ng butas ang mga
kakaibang mga kalakihan at binuhat ang Propeta sa kanyang libingan. At kanilang ini-libing at nilagyan ng
buhangin sa tuktok ng libingan. Kanilang sinabi sa mga anak ng Propeta, na ito ang paraan para mailibing
ang isang patay.

At ito ang ating Tatay na si Propeta Adam (AS), ito ang wakas ng kanyang storya. Ating hilingin sa Allah
(SWT) na ang ating Ama at ang kanyang mga anak ay sama-sama sa pagpasok sa Paraiso. Ameen.

You might also like