You are on page 1of 1

Hagdan ni Jacob Lea at Raquel

Pokus: Upang maunawaan ng mga bata na mahal tayo ng Panginoon na palaging sumusubaybay sa atin

Memory Verse:

Sumasainyo ako lagi. (Matthew 28:20)

Panimula ng Aralin:

Tanungin ang mga bata kung mayroon silang mga kamag-anak (Lolo’t lola, tiyo at tiya) o mga kaibigan na
nakatira malayo sa kanila. Pag-usapan ang mga paraan kung paano natin makakausap ang mga taong ito
(telepono, sulat/liham, internet) at kung paano natin mapapahayag ang ating pagmamahal at pagkalinga
kahit na hindi natin sila kasama.

Buod ng Kuwento:

1. Dahil sa galit ni Esau, kinailangan ni Jacob na umalis.


2. Sinabi ng tatay niya na kumuha siya ng mapapangasawa mula sa kanyang kamag-anak na nasa
malayo
3. Bin-less siya ni Isaac bago umalis
4. Nakaramdam siya ng pag-iisa ngunit kasama niya ang Diyos
5. Natulog siya sa may batuhan at napanaginipan ang isang hagdan na umaabot sa langit na may
anghel na akyat-panaog dito
6. Nakatayo ang Panginoon sa taas ng hagdan at nagbigay ng pangako na magiging kasama niya
siya lagi.
7. Nabatid ng Diyos ang mga kasalanan ni Jacob subalit siya ay minahal, inaruga at ninais pa rin ng
Diyos na gamitin siya
8. Gumawa si Jacob ng kanyang unang pangako sa Diyos
9. Ginabayan ng mga pastol si Jacob patungo kay Laban, sa kanyang mga tiyo, sa Haran
10. Nakilala niya si Raquel at minahal siya
11. Namirmihan siya sa pamilya ni Raquel at piniling magtrabaho sa loob ng pitong taon upang
mapangasawa si Raquel
12. Nilinlang ni Laban si Jacob sa pag-aasawa kay Lea kaya nagtrabaho ulit siya ng pitong taon bago
mapangasawa si Raquel
13. Ninais ni Jacob na dalhin ang kanyang pamilya pabalik sa Canaan, ngunit patuloy na pinigilan siya
ni Laban
14. Isang gabi, kinausap siya ng Panginoon at pinaalalahanan siya ng Kanilang mga pangako sa isa’t
isa at sinabihan siyang bumalik sa kanyang lupain at kapatid. Nabatid ni Jacob na oras na upang
umalis

You might also like