You are on page 1of 8

Lesson

KAHULUGAN NG
1 EKONOMIKS

Alamin!

Panimula

Araw-araw ay gumagawa ng desisyon ang tao mula sa simple hanggang


sa pinakakumplikado. Nagpapasya siya kung ano at alin ang higit na
mahalaga sa marami niyang pamimilian. Bata man o may edad, basta’t
may pangangailangan at kagustuhan na kailangang mapunan, ay
masasabing maiuugnay ang kanyang sarili sa ekonomiks. Kumakain at
umiinom ang tao araw-araw, ang kanin na kanyang kinakain ay nagmula
sa palay na itinanim ng mga magsasaka, ibebenta sa pamilihan at
binibili ng mga tao. Ang ulam tulad ng isda ay hinuhuli ng mga
mangingisda, dinadala sa mga pamilihan at binibili ng mga tao.

Subukin!

Panuto: Alamin kung ang pangungusap ay TAMA o MALI. Isulat ang


iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang ating bahay ay parang isang bayan na may namamahala.


2. Hindi na kailangan pang magkonserba ng mga likas na yaman
sapagkat ito ay panghabambuhay na suplay.
3. Ang lahat ay may limitasyon lalong lalo na sa mga pangangailangan
at kagustuhan natin.
4. Hindi mapipigilan ang kagustuhan ng taong makabili kung ano ang sa
tingin niyang kaya niyang bilhin.
5. Higit na mas importante ang kagamitang gusto kaysa sa kagamitang
kailangan talaga.

Tuklasin!

Gawain 1: LABIS NA NAKATULOG

Suriin ang larawan at bigyan ito ng interpretasyon.

https://www.google.com/search?q=caricature+late+waking+up+rush+student&tbm=isch&ved=2ahUKEwjF7b3rjpDqAhUMdpQKHQM2B7wQ2-
cCegQIABAA&oq=caricature+late+waking+up+rush+student&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECCMQJ1C37gNYoqMEYNmlBGgCcAB4AIAByAGIAaYakgEGMC4y
MC4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=sNvtXsXVFIzs0QSD7JzgCw&bih=704&biw=1388&hl=en#imgrc=1AJ38hTZ63pdUM

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang ipinapakita sa larawan?

2. Naranasan mo na ba ang sitwasyong katulad ng nasa larawan? Sa anong


uri ng sitwasyon? Ipaliwanag.

3. Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa gitna ka ng maraming


sitwasyon at kailangan mong pumili ? Ipaliwanag.

Suriin!
Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na
nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na
oikonomia, ang oikos na nangangahulugang bahay at nomos
na pamamahala (Viloria, 2000).

Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon


ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang iba pang
pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at kapital. Ang
yamang likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa
paglipas ng panahon. Samantala, ang yamang kapital (capital
goods) tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng
produkto ay may limitasyon rin ang dami ng maaaring malikha.
Sa gayon, kailangang magdesisyon ang pamayanan batay sa
apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya na kapaki-
pakinabang sa lahat. Tingnan ang pigura sa ibaba.

What’s More/ Pagyamanin

Panuto: Basahin ang Balita at sagutan ang mga sumusunod na katangungan.

World Bank: PH GDP to shrink 1.9%


in 2020
By: Ben O. de Vera - Reporter / @bendeveraINQ
Philippine Daily Inquirer / 03:01 AM June 09, 2020
MANILA, Philippines — Amid the COVID-19 pandemic, the World Bank
sees the Philippine economy shrinking by 1.9% this year, a slower pace
of contraction than government estimates of negative 2% to 3.4%.
The latest 2020 gross domestic product forecasts of the Washington-
based multilateral lender were contained in its June 2020 Global
Economic Prospects report released Monday night, Philippine time.
The World Bank expects global GDP to contract by 5.2 percent in 2020,
making it the sharpest economic decline since World War II.
In the case of the Philippines, the World Bank said that it, along with
Malaysia and Thailand, will “experience the biggest contractions this
year” among major economies in the East Asia and Pacific region. The
Philippines’ GDP grew by 6% last year.

“This reflects domestic shutdowns, reduced tourism, disrupted trade and


manufacturing, and spillovers from financial markets,” the World Bank
said.

The World Bank projected Malaysia’s GDP to shrink by 3.1%, and


Thailand’s by 5% in 2020.

According to the World Bank, cases of COVID-19 in the Philippines and


Indonesia had “not yet peaked,” although these two countries earlier on
unveiled “sizable fiscal stimulus packages ranging around 3% to 5%  of
GDP” to address the health and socioeconomic crises caused by the
pandemic.

The Philippine economy was nonetheless expected by the World Bank


to revert to growth next year, estimated at 6.2%.

 https://business.inquirer.net/299472/world-bank-ph-gdp-to-shrink-1-9-in-2020#ixzz6PuHdqqkg

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang iyong natuklasan tungkol sa balita?


2. Ito ba ay isang magandang balita o hindi? Ipaliwanag.
Isaisip!

Kumpletuhin ang pangugusap sa ibaba batay sa iyong


natutunan tungkol sa aralin.

Ang natutunan ko ay …
Isagawa!

Panuto: Mag-isip ng tatlong bagay na sa tingin mo ay makakatulong sa Ekomoniya


ng ating bansa at ipaliwanag ito.

Kaya Kong Gawin Para sa Ekonomiya Dahil…


1.

3.

Assessment/ Tayahin

Panuto: Isulat lamang ang titik ng iyong tamang sagot.

1. Ito ay nangangahulugang “oikos”.


A. Bahay B. pamamahala C. pamahalaan
2. Ito ay nangangahulugang “pamamahala”.
A. oikos B. nomos C. oikonomia
3. Ito ang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan
ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
A. Ekonomiya B. Ekonomiks C. Ekonomikal
4. Ito ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa paglipas ng panahon.
A. Yamang Lupa B. Yamang Tubig C. Yamang Likas
5. Ito ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang lahat.
A. problema B. kakapusan C. Utang
Karagdagang Gawain!

Kaya mo ‘to!

Maghanap ng resibo nang kahit anong mayroon kayo sa inyong bahay.


Idikit sa isang short bond paper at sagutin ang tanong na isusulat sa
ibaba nang idinikit na resibo.
1. Ang produkto bang nabili ay nakakatulong sa Ekonomiya ng bansa?
Ipaliwanag.

Answer Key

Subukin!
1. TAMA

2. MALI

3. TAMA

4. TAMA

5. MALI

Tayahin!
1. A

2. B

3. B

4. C

5. B

You might also like