You are on page 1of 2

BUHAY ESTUDYANTE

NARRATOR: Bagong lipat lamang sa paaralan si khenlee at wala pa siyang gaanong mga
kakilala sa klase kaya nasa isang tabi lamang sya at tahimik na nagmamasid. Samantalang ang
kanyang mga kaklase ay masayang nag uusap. Nang biglang pumasok ang kanilang guro.
Teacher Mara: Magandang umaga mga mag aaral ng 5-Einstein. Bilang pag welcome sa mga
mag aaral ay magkakaroon tayo ng programa sa ating paaralan. Pipili ako ng 6 na mag aaral na
lalahok sa paligsahan ng pag sayaw.
Narrator: Isa nga si khenlee sa napili ng kanyang guro.
Khenlee: Maam Mara ayaw ko po sumali kase po hindi po ako sanay na makilahok sa mga
programa sa paaralan nahihiya po kase ako at bago lang din po ako dito.
Rancie: Sumali ka na Khenlee para mabuo na natin ang grupo. Balita ko magaling ka daw
sumayaw. Ipakita mo naman ang talent mo samin.
Carl: Oo nga naman Khenlee para maumpisahan na rin natin magpractice bago tayo umuwi.
Sigurado mag eenjoy ka.
Narrator: Pag uwi ni khenlee hindi nya alam ang gagawin nya. Gusto nyang sumali pero
nauunahan sya ng hiya at pag aalinlangan.
Kristrine Nanay ni kenlee: Anak mukhang ang lalim ng iniisip mo. May problem aka bas a school.
Kenlee: wala naman po Nay, iniisip ko lang po ang pagsali ko sa sayaw sa school naming
kinukuha po kase ako ng aming guro.
Kristine Nanay ni kenlee: Anak sumali ka na magandang pagkakataon din yan para magkaroon
ka ng maraming kaibigan sa school.
Narrator: Kinabukasan Pagpasok ni kenlee sa school sa school nilapitan sya ng guro.
Teacher Mara: Kenlee nakapag isip ka na ba gusto mo na bang sumali?
Khenlee: Opo maam sasali na po ako.
Carl at Rancie: Halika ka na khenlee magpractice na tayo.
Narrator: Kinabukasan maaga silang pumasok sa school at maaga rin ang magsisimula ang
problema.
Janna: Hello! Kumusta kayo. Ako nga pala si Janna. Ikaw anong pangalan mo?
Khenlee: Ako si khenlee! Kasali ka rin sa sayaw?
Janna: OO! Kayo pala ang makakalaban namin. Goodluck sating lahat. Kahit sinong manalo
magiging friends pa rin tayo ha.
Narrator: Pagkatapos ng kanilang pagpapakitang gilas sa pagsayaw ay sinabi na ang mga nanalo.
Mielle Emcee: At ang nagwagi sa larangan ng pagsasayaw ay ang pangkat 5-Einstein.
Congratulations!
Khenlee, Carl, Runcie: (magkakamayan sila na tuwang tuwa)
Teacher Mara: Binabati ko kayo mga anak.
Khenleee: Salamat po mam sa tiwala at pagpapalakas ng loob ko. Salamat din Runcie at Carl sa
pagkakataon na makasama ko kayo.
Narrator: Masayang masaya ang buong klase sa pagkapanalo, at simula noon naging aktibo na
si khenlee sa mga programa sa paaralan at dumami rin ang kanyang mga naging kaibigan.

You might also like