You are on page 1of 6

1: Arts Club

“Bakit naman ayaw niyong sumali? Simula umpisa ba, wala na talaga kayong club o umalis kayo?”
Takang tanong ko.

“Hindi kami sumali umpisa noong pumasok kami dito ni Cress.” Si Calvin ang sumagot.

“Sa tingin kasi namin boring ang clubs at kumakain lang ng oras.” Pagpapaliwanag ni Cress.

“Pero ngayon, wala na kayong choice kundi ang sumali sa kahit isa.” Sabi ko at kinuha ang sketch book
ko para ipakita sa kanila.

“Ako, balak kong sumali sa Arts Club.” Sabi ko at binuksan ang sketch book.

Napatingin doon ang dalawa at kita sa mukha nila ang pagka-mangha.

“Gawa mo ‘yan? Wow.” Sabi ni Cress.

“Yup. Balak kong buhayin ang Arts Club dahil sabi niyo nga, matagal nang patay ang club na ‘yon.”
Masayang sabi ko.

“Sigurado ka ba? Baka maulit nanaman ‘yung nangyari—” Pinutol ko ang sinasabi ni Calvin.

“Limang taon na ang nakalipas, Calvin. Siguro ‘yung mga insidenteng ‘yon hindi na mangyayari ulit,
diba?” Sabi ko sa kanya.

“Angelle…” Tawag sa akin ni Cress. Tinitignan na ang iba’t ibang page ng sketch book ko.

“Bakit, nakakatakot na ‘yong mga drawing mo dito sa part na ‘to?” Sabi ni Cress at pinakita sa akin ang
tinitignan niya.
Puro horror sketches ‘yon. May murder, cannibalism at marami pang iba. Puro gawa gawa lang ng utak
ko.

“Ah. Nage-explore kasi ako sa iba’t ibang genre ng sketches. Medyo nahilig ako sa mga horror sketches
kaya halos kalahati ng sketch book ko ngayon ay ganyan ang laman.” Pagpapaliwanag ko.

Ibinalik na sa akin ni Cress ang sketch book kaya itinago ko na ulit ‘yon sa bag ko.

Halos isang oras ding nag meeting ang mga teachers at nang bumalik ang adviser naming ay may bago
siyang balita.

“Okay, class. Napag-usapan namin na para mas makapag-isip pa ang mga walang club kung ano ang
sasalihan nila, after your lunch break ay uumpisahan na ang general assembly sa covered courts para
makapag-present ang mga member ng bawat club.” Announcement ng adviser namin.

Pagkatapos noon ay binigyan kami ng free time ng teacher namin para magka usap-usap kaming
magkakaklase. Lumipat na rin sila Calvin at Cress sa tabi ko kaya naman mas makakapag-usap na kami.

“Excited na ako!” Masayang sabi ko.

Tinaasan ako ng kilay ni Cress.

“Buti ka pa.” Sabi niya at tumingin sa maliit na salamin na hawak niya.

“Pwede ka namang sumali sa kahit anong club. Hindi naman sinabing required na maging active ka don.”
Sabi ko at nag sketch ng panibago sa sketchbook ko.

“Hmm. Pag-isipan ko.” Sabi niya. Naglalagay na ng eyeliner.

“Wala ka sa competition. Bakit nag me-make up ka pa?” Tanong ni Calvin.


“Competition? Saang competition?” Tanong ko.

“Ah. Mahilig kasi mag make up impersonation ‘tong si Cress. Marami na rin siyang napanalunan.” Sabi ni
Calvin.

“Nag-aayos lang ako. Trip ko lang mag eyeliner.” Mataray na sagot ni Cress.

“Sumasali ka pala sa mga ganoong competition? May mga pictures ka ba?” Tanong ko kay Cress.

“Na kay Calvin.” Sabi niya. Nagrere-apply na ngayon ng lipstick.

Pinakita sa akin ni Calvin ang mga pictures ni Cress na nasa phone niya.

“Wow.” ‘Yon lang ang nasabi ko.

Kuhang kuha niya ang mukha ng ginagaya niya.

“May talent ka pala, Cress.” Sabi ko habang tinititigan ang mga gawa niya.

“Hobby lang ‘yan. Hindi ako seryoso sa mga sinasalihan ko. Nakakatsamba lang.” Sabi niya. Tapos na
mag make up kaya nakatuon na sa amin ang atensyon.

“Sus. Tsamba, eh ni minsan hindi ka natalo.” Sabi ni Calvin.

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa tumayo ulit sa gitna ang teacher namin.

“It’s already lunch time. Pwede na kayong lumabas.” Sabi niya at nauna nang lumabas ng room.
Lumabas na kami para pumunta sa canteen para makabili na ng makakain. Umupo na rin kami sa table
na pinuwestuhan namin kanina at doon ipinagpatuloy ang pagk-kuwentuhan.

“Ilang competitions na ang nasalihan mo, Cress?” Tanong ko.

“Lima. Nagsimula lang noong grade 8 ako.” Sabi niya at sumubo ng kinakain niya.

“Lahat ‘yon nanalo ka?” Tanong ko. Habang abala sa paglagay ng pagkain sa kutsara.

“Oo. Sinuwerte lang.” Sabi niya at uminom ng tubig.

“Nako. Sinasabi ko sayo, Angelle. May talent talaga ‘tong kaibigan kong ‘to. Masyadong humble lang.
Kung swerte ‘yon. Aba, napakamalas naman yata naming?” Sabi ni Calvin at tumawa.

“Sira, Nagkataon lang. ‘Yung isa matatalo dapat ako. Na-disqualify lang ‘yung isa kasi may katulong sa
pag-aayos.” Sabi niya habang nginunguya ang kinakain.

“Edi talented nga! Kaya mo lahat nang ‘yon mag-isa. Ibig sabihin…” Pinutol ako ni Cress sa pagsasalita.

“Ibig sabihin, sumali dapat ako sa Arts Club. Alam ko na ‘yan Angelle. Ngayon palang, sasabihin ko na
sa’yo. Ayoko. Hindi ako sasali dyan sa club na ‘yan.” Sabi niya at tuluyang inubos ang pagkain. Mukhang
inis.

“Sorry.” Sabi ko at inubos na rin ang kinakain.

Nagbuntong hininga si Cress bago nagsalita.

“Look. Alam kong gusto mo lang buhayin ang club na gusto mo. Pero sorry, hindi kita matutulungan
dyan.” Sabi ni Cress.
“Oo. Naiintindihan kita. Sorry, hindi na kita pipilitin.” Sabi ko at ngumiti sa kanya. Ngumiti rin siya
pabalik.

Pagkatapos naming mag-lunch ay dumiretso kami sa covered court. Doon na raw kasi gaganapin ang
General Assembly. Nasa pinaka-likuran kami kaya tanaw namin ang dami ng mga estudyanteng
pumapasok dito.

“Good Afternoon North West High School!” Masayang bati ng Principal.

“Hindi lingid sa inyong kaalaman, kanina lang ay napag-usapan naming ng inyong mga guro na gawin
nang mandatory ang pagsali sa club upang maging mas organized ang ating eskwelahan. Ang clubs ang
pride ng North West High School, kaya naman ay ang mga wala pang club ay bibigyan hanggang sa
Biyernes upang mamili ng kanilang sasalihan.” Anunsyo ng principal.

“Iyon lamang, kaya naman ibibigay ko na sa mga club presidents ang entablado para sa kanilang mga
panghihikayat.” Sabi ni ma’am at bumaba na ng stage.

Nagsimulang magsalita ang president ng Dance Club. Konting introduction lang ng club nila ang sinabi
niya maging ang mga officers sa club bago sila mag-perform.

Maraming nag-cheer dahil sobrang galing sumayaw ng mga kasali sa club na iyon.

Ang sumunod ay ang Chorale Club, katulad sa nauna ay introduction at pagpapakilalasa officers ang
ginawa nila bago kumanta ng isang piece. Napamangha ang lahat dahil sa galing nila.

Ang Literature, Science, at Sports Club naman ang sumunod. Wala silang inihandang performance pero
ipinakita nila ang mga achievements nila noong mga nakaraang taon. At masasabi kong hindi basta basta
ang mga clubs dito dahil lahat ay may achievements. Lahat nananalo.

Ang panghuling club ay ang Arts Club. Hinintay kong pumunta sa stage si ate Blue-Eyed pero wala siya

You might also like