You are on page 1of 11

PROLOGUE

“First day of school. I am ready!” Sabi ko habang nakatingala sa mataas na gate ng North West High
School.

Pumasok na rin ako sa loob kasabay ang libo libong estudyante ng eskwelahang ito. Dumiretso ako sa
oval dahil doon ako pinadiretso ng teacher. Ang problema lang ay sobrang init at hindi ko alam kung
saan ako pipila. Bagong salta lang kasi ako dito at hindi ko pa alam ang hitsura ng mga kaklase ko.

“Bago ka lang dito?” Napalingon ako sa babaeng tumabi sa akin.Matangkad ako, pero di hamak na mas
matangkad siya nang kaunti sa akin. Morena. Mahaba na layered ang medyo brown niyang buhok.
Mahaba ang mga pilik mata niya at kulay blue ang mga mata. Ang ganda naman nito.

Sa harapan siya nakatingin, pero alam kong ako ang kausap niya.

Pinagmasdan ko na rin ang nasa harap ko bago sumagot.

“Oo, eh. Pwede mo ba akong tulungan?” Sabi ko at lumingon sa kanya.

“Sure.” Sabi niya, at lumingon siya sa akin nang nakangiti.

“Ano bang grade at section mo?” Tanong niya.

“Grade 10 G” Sabi ko.

“Hmm… Hindi ka pala katalinuhan ano? Tara sunod ka sa akin.” Sabi niya.

Humawak ako sa dalawang strap ng backpack ko at sumunod sa kanya. Nilait pa ako. Pero ayos na yun
tinutulungan naman niya ako.

“Ito ang section G.” Sabi niya at tinuro ang mga estudyante sa harap ko.
“Kung may kailangan ka, nasa Arts Club lang ako.” Sabi niya.

“Salamat.” Sabi ko habang pinagmamasdan ang mga estudyante sa harap ko.

“Ano nga palang—” Natigil ako sa sasabihin ko dahil paglingon ko, wala na iyong babae.

Weird. Pero baka umalis na rin pagkasabi niyang sa Arts Club siya mahahanap. Parehas pala kaming
mahilig sa Art.

“Uy. Bago ka?” Tanong sa akin ng lalaki nang lumingon siya at nakita akong nakapila. Halos magkasing-
tangkad lang kami. Moreno. Naka clean cut ang buhok niya. Malamlam ang mga mata, at bumagay doon
ang magandang hugis ng panga niya. Ang gwapo.

“Oo.” Sabi ko.

“Pangalan mo?” Tanong niya. Naagaw na rin ang atensyon ng iba pa niyang kaklase. Kaklase namin.

“Angelle Dimaranan” Sabi ko at ngumiti.

“Calvin. Calvin Madrigal.” Pagpapakilala niya.

“New beauty.” Sabi naman ng babae na palapit sa amin. Umalis siya sa pila.

“Angelle daw pangalan.” Sabi ni Calvin.

“Generic name.” Sabi niya at ngumiti sa akin bago siya maglahad ng kamay.

“Cressida Sarmiento. Cress for short.” Sabi niya.


Tinanggap ko ang kamay niya bago magpakilala.

“Angelle Dimaranan.” Binitawan ko rin agad ang kamay niya.

“Buti nakita mo kaagad ang section namin. Section G ka rin ba?” Tanong ni Cress.

“Oo. Tinulungan ako nung magandang babae na kulay blue ‘yung mata. Kilala niyo ba? ‘Di ko kasi nakuha
iyong pangalan niya.” Sabi ko.

“Blue ang mata?” Taka at gulat ang nakita ko sa mukha ni Calvin. Ganon din ang kay Cress.

“Sure ka ba sa sinasabi mo? Blue ang mata?” Tanong ni Calvin.

“Oo. Ang ganda nga niya eh. Ang Morena din bumagay sa mata niya. Kilala mo?” Tanong ko.

“Uh—”

“Hindi.” Si Cress na ang sumagot.

“Pumila na kayo nang maayos. Magf-flag ceremony na.” Sabi ni Cress at bumalik na sa pila.

Ilang sandali pa ay nagsimula na rin ang flag ceremony. Ang teachers ang nanguna, at kwento sa akin ng
katabi ko ay sa susunod daw, iba’t ibang section naman ang mag l-lead ng flag ceremony.

Matapos iyon ay panghuling nagsalita sa harap ang principal ng school. Kilala ko na siya dahil siya ang
nag-interview sa akin bago ako matanggap sa eskwelahang ito.

“Good morning, North West High School!” Panimula niya. Nagpalakpakan ang mga teachers maging ang
mga estudyante kaya nakipalakpak na rin ako.
“Salamat. Salamat.” Sabi niya bago sabihin ang mga sasabihin niya.

“Hindi ko na ito papahabain pa. Maligayang pagbabalik sa panibagong taon ng pag-aaral! Sana ay na-
enjoy ninyo ang bakasyon. Para naman sa mga Grade 7 at transferees, hindi lingid sa kaalaman niyo na
kilala ang eskwelahang ito sa active na pamamalakad ng academic and co-curricular clubs. Kaya naman
ay mamayang uwian, magkakaroon ng auditions at open para sa application ang lahat ng club.
Mayroong, Dance Club, Chorale Club, Science Club, Sports Club, Literature Club, at ang muling
pagsusubok na mabuksan ang Arts Club!” Masayang sabi ni Ma’am.

Nangibabaw ang bulungan ng mga estudyante. Nagtataka ako dahil usap usapan ang Arts Club na huling
sinabi ng Principal namin.

“Nakakatakot sumali doon sa club na ‘yon.”

“Seryoso ba si ma’am?”

“Tol baka maulit nanaman.” Narinig kong sabi ng katabi ko. Siya ang nasa likod ni Calvin.

“Mauulit ‘yon kung hahayaan nilang maulit ulit.” Sabi ni Calvin habang hindi lumilingon.

“Maulit ang alin?” Tanong ko. Pero parang hindi nila narinig ang tanong ko dahil kasabay noon ang
malakas na bell. Oras na para magklase.

“Okay, go now to your respective rooms.” Sabi ni ma’am at bumaba na rin siya sa stage.

Maayos kaming pumunta sa kanya kanyang classroom. Ako ang huling pumasok. Ang mga upuan nalang
sa harap ang available kaya wala akong choice kundi ang umupo sa harapan. Pero ayos lang dahil nasa
pinaka gilid naman ako, katabi ang bintana.

“Hi.” Napalingon ako sa katabi ko.

‘Yung babaeng blue-eyed!


“O. ‘di ka rin pala katalinuhan?” Sabi ko at tumawa.

Natawa rin siya. Pagkatapos noon ay inilagay niya ang hintuturo niya sa harap ng labi niya para sabihing
tumahimik ako.

Nag act naman ako na parang may zipper ang bibig ko at isinara iyon habang nakabungisngis.

“Aalis din ako. Gusto lang kitang anyayahan na sumali sa Arts Club.” Sabi niya.

“Oo. Doon ko talaga balak sumali dahil mahilig ako sa arts.” Masayang sabi ko.

Tumalikod ako sa kanya para kunin ang phone ko sa bag dahil nag vibrate ito.

“Mabuti naman. Kita nalang tayo mamaya.” Sabi niya.

“Sige. Ano palang pangalan—” Nawala nanaman siya. May pagka kabute rin talaga ‘yung babaeng ‘yun
eh.

“Sinong kausap mo?” Tanong ni Calvin at umupo sa tabi ko.

“Huh? ‘Yung Blue-eyed na babae. Hindi mo ba talaga siya kilala?” Sabi ko.

Natigilan siya sa sinabi kong kausap ko pero natauhan rin naman kaagad.

“Hindi. Wala akong kilalang blue-eyed na babae.” Sabi niya.

“Sabagay. Siguro Senior High na siya kaya hindi niyo kilala.” Sabi ko.
Hindi kasi naka-uniform si ateng blue-eyed kaya hindi ko rin alam kung anong grade na siya. Pero dahil
mukha naman siyang matured I guess senior high school na siya.

“Nga pala. Saang club ka naka-join?” Tanong ko.

“Hindi ako kasali sa mga club.” Sabi niya at umiwas ng tingin.

“Huh? Pwede ba ‘yon?” Takang tanong ko.

“Hindi naman ako sinisita. Tsaka isa pa, wala naman akong hilig na sumali sa mga ganyan. Sayang oras
lang.” Sabi niya.

Tumango tango ako sa sinabi niya.

“Basta ako sasali ako sa club.” Masayang sabi ko.

“Anong Club sasalihan mo Angelle?” Singit ni Cress. Papunta siya sa harap namin ni Calvin.

“Ikaw muna. Saan ka kasali na club?” Tanong ko.

“Clubless kami ni Cressida.” Sabi ni Calvin.

“Wala ka ring interest sa clubs?” Tanong ko.

“Wala…” Sabi ni Cress. Nakapamewang na sa harap namin.

“Ikaw? May interest ka diba? Saang club?” Tanong ni Cress.

“Arts Club sana…” Masayang sabi ko.


Bumagsak ang kamay ni Cress galing sa bewang at si Calvin naman ay muntik nang mitumba sa
pagkakaupo.

“A-are you sure about that?” Sabi ni Cress nang maka-recover.

“Yup. I’m sure. Mahilig kasi talaga ako sa art. Kahit anong art pa ‘yan.” Sabi ko.

“Angelle. Pang limang taon na kasi ngayon na binuksan ulit ang Arts Club pero kahit isa walang
sumasali.” Seryosong sabi ni Calvin.

“Paanong walang sumasali? As in walang member ang Arts Club?” Takang tanong ko.

“Teka. Angelle, bagong salta ka ba dito? As in bagong salta dito sa Cavite?” Tanong ni Cress.

“Oo. Teka, bakin nga walang sumasali sa Arts Club?” Tanong ko na hindi na nila nasagot dahil pumasok
na ang teacher namin.

“Good morning class.” Masungit na sabi ng teacher.

“Good morning, ma’am.” Bati namin.

“May bagong salta dito sa lugar natin at bagong estudyante ng eskwelahang ito. Tumayo ka na at
magpakilala.” Sabi ng teacher at tinignan ako mula sa ilalim ng malaki niyang eyeglasses.

Tumayo ako at pumunta sa gitnang harapan. Ang teacher naman ay tumalikod at nagsulat ng kung ano
sa board.

“Ako si Angelle Dimaranan. 16. Galing ako sa Quezon Province.” Sabi ko at umupo na rin.
“Welcome sa North West High School Angelle.” Sabi ni ma’am pagkaharap niya at tinignan ako.

“Hindi ako mag d-discuss ng lesson ngayon, pero mag a-assign ako ng class officers. Para madali, ako na
ang mag de-desisyon.” Sabi ni ma’am.

“Ang President, si Angelle Dimaranan.” Natigil ako sa pagkalikot ng gamit ko nang marinig ang pangalan.

“P-po? Ma’am, hindi po kasi ako—”

“Ikaw ang President Ms. Dimaranan.” Sabi ni ma’am. Hindi na ako naka-angal.

“Vice President, Cressida Sarmiento.” Lumingon ako para makita ang magiging reaction ni Cress pero
tumango lang siya.

“Secretary, Calvin Madrigal.” Hindi rin umangal si Calvin na katabi ni Cress.

Wala ring umangal sa mga tinawag pa ni ma’am para maging class officer kaya ilang minuto lang ay
kumpleto na ang officers.

“You may now have your recess.” Sabi ni ma’am at nauna nang umalis.

“Sama ka na samin.” Sabi ni Cress pagkarating niya sa harap ko.

“Sige. Salamat.” Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Sabay sabay na kaming pumunta sa canteen para bumili ng pagkain. Medyo maraming estudyante pero
mabilis rin naman kaming nakahanap ng mauupuan.

“So, bakit kayo lumipat dito sa Cavite?” Tanong ni Cress. Magkaharap kami ni Cress at nasa tabi niya si
Calvin.
“Dito kasi nakahanap ng trabaho si Papa kaya sumama na rin ako pati si mama.” Sagot ko at uminom sa
biniling juice.

“Nga pala. Diba sabi niyo walang members ‘yung Arts class? Bakit nagka ganoon?” Tanong ko.

Nagkatinginan sila at sabay rin silang tumingin sa akin.

“Matagal nang walang miyembro ang club na iyon. Siguro mga limang taon na rin.” Panimula ni Calvin.

“Ang sabi sabi, halos lahat ng nasa Arts Club ay namatay. Iyong iba ay lumipat na ng eskwelahan. ‘Yung
iba, napunta sa mental. At yung iba… hindi parin makita hanggang ngayon.” Kinilabutan ako sa sinabi ni
Cress.

“N-namatay?” Natakot ako bigla sa sinabi nila.

“Pero matagal na panahon na ‘yon. Isang taon ring hindi binuksan ang arts club kaya noong nagbukas
ulit ‘yon wala nang sumali dahil sa usapang ganoon.” Sabi ni Calvin.

“Pero, ‘yong Blue-eyed. Sabi niya sa Arts Club ko lang siya makikita?” Takang sabi ko.

Inubos na muna nila Cress at Calvin ang kinakain nila bago sumagot.

“Baka gusto niya ring sumali sa Arts Club kaya ganoon?” Hindi rin sigurado si Cress sa sinabi niya.

“Kayo?” Biglang tanong ko.

“Anong kami?” Tanong pabalik ni Calvin.

“May balak na ba kayong sumali sa mga clubs?” Tanong ko ulit.


“Gaya ng sabi naming, hindi kami interesado.” Sabi ni Cress at tumayo na. Sunod rin namang tumayo si
Calvin.

“Tara na, matatapos na ang recess.” Sabi niya.

Tumayo na rin ako at sumunod sa kanila pabalik sa room. Umupo na rin ako agad sa pwesto ko at
pinagmasdan ang kabuuan ng room naming.

Typical na public school lang rin ito. Sapat lang ang laki. Ang kaibahan lang ay hindi pa umaabot sa 30
estudyante ang bawat section. Alam kong malaki ang populasyon ng Cavite kaya nakapagtataka na konti
lang kami sa isang klase.

Pumasok na ulit ang teacher naming at napag-alaman kong Ma’am Josefa ang pangalan niya.

“Class President.” Tawag sa akin ni ma’am.

“Po.” Sabi ko at tumayo.

“Halika, i-announce mo ito sa buong klase.” Sabi niya.

Agad akong lumapit at kinuha ang papel na inaabot niya sa akin.

Napatingin ako kela Cress nang makita kung tungkol saan ang nakalagay sa papel.

“Para sa mga mag-aaral ng North West High School. Mga Grade 7, transferees, at mga wala pang club.
Magandang araw! Lahat kayo ay inaanyayahan na tumungo sa oval mamaya pagkatapos ng inyong mga
klase. Ito ay isang abiso na ang lahat ay required na sumali sa mga club lalo na ang Grade 10 hanggang
Grade 12 students. Inaasahan ko ang inyong pagtugon. Ang nag-anunsyo po ay ang ating Principal na si
Ma’am Nirvana.” Pagbabasa ko ng announcement.

Nakita kong nagpalitan ng tingin sila Cress at Calvin at mukhang nagulat sa anunsyo.
“Narinig niyo ang President niyo. Aalis na muna ako dahil may meeting kami ng mga teachers kasama
ang Principal.” Sabi ni ma’am at walang anu-anong umalis na.

Umupo na ako sa pwesto ko at nilingon ang dalawa. Nakita kong palapit na sila sa akin at sabay na
umupo. Inusod ni Cress ang upuan papunta sa harap ko para makapag-usap kami nang maayos.

“What was that?” Maarteng sabi ni Cress.

“Hindi ko rin alam. Pero sa tingin ko kailangan niyo nang sumali sa kahit isang club mamaya.” Sabi ko.

“Saan naman kami sasali kung hind inga kami interesado sa kahit anong club.” Sabi ni Calvin.

“Imposible namang hindi kayo interesado sa kahit ano. Baka naman ayaw niyo lang talagang sumali.”
Sabi ko at nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

“Tama ka.” Si Cress ang nagsalita.

“Cress.” Pagpipigil ni Calvin.

Napataas ang dalawang kilay ko, naghihintay sa idudugtong ni Cress.

“Ayaw nga naming sumali sa mga club na ‘yan.” Pagpapatuloy ni Cress.

You might also like