You are on page 1of 4

Chapter 2

Nang makarating sa school ay ibinilin ko sa driver at bodyguard na kasama ko na


umuwi muna at itetext ko na lang sila kapag uuwi na ako.
Pumayag na lang sila dahil ang bilin naman ni Daddy ay kung anong iuutos ko ay
gawin na lang nila.
I wore my aviator before stepping outside the car and as expected they are all
looking at me.
“Avyanna.” I stopped when someone held my arm.
Tiningnan ko kung sino iyon, at nang makita kung sino ay bored kong hinubad ang
sunglasses ko at hinarap si Miss SC president.
“What?” I boringly asked.
“Hindi mo ba talaga nakikita yung malaking tarpaulin sa gate. It shows proper
clothes we should wear here in the school.” Sermon niya.
I rolled my eyes.
“In case you are not informed, remember this ‘coz I’ll never repeat this again.
Listen everyone!” I shouted so I can get other students’ attention.
“I. DON’T. FOLLOW. RULES. I. MAKE. THEM. And you know what I love the most?” I
look at her. “It is to break them. So get the hell out of my way.” I said at
tinulak siya patabi.
Tinalikuran ko na siya.
“Ohhhh!!” pangaasar ng ibang estudyante.
Pagkarating ko sa room ay may ibang nakaupo sa upuan ko.
Tiningnan ko siya.
Iniangat niya ang tingin niya sa akin at nagtama ang mata namin. Nerd.
Nakaponytail ang tuwid niyang buhok at nakasuot ng puting plain na t-shirt at
pantalon. Maputi siya at makinis, pero ang nakapagagaw ng atensyon ko ay ang
kulay abong mga mata niya na kapareho nang akin pati ang hugis nito.
“Bakit?” tanong niya ng makitang nakatingin ako sa kaniya. Medyo matagal bago ako
nakabawi.
“Transferee?” tumango siya. “Last quarter of last semester na pero nagtransfer ka
pa?” tanong ko.
“Uh... oo.” Nahihiya pang sagot niya.
Sinenyasan ko siyang umalis. Pero nagtatakang tiningnan lang niya ako.
“You can’t understand this gesture?” inulit ko at tinaasan pa siya ng kilay.
“She said umalis ka sa upuan nayan ‘coz that’s hers.” Sabat ng isang babaeng
classmate ko.
“Now, di mo parin naiintindihan?” I asked.
Tumayo siya at lumipat ng upuan.
“Stultus.” Bulong ko. Stupid or dumbass in latin.
“Ang aga mainit na agad ang ulo mo.” may umakbay sa akin. Nang lumingon ako ay si
Liam.
“Sino ba naman ang hindi maiinis eh una hinarang na naman ako ng madre kanina sa
corridor tapos may walang utak na nangaagaw ng upuan ko.” Sabi ko.
“Sino?” tanong niya.
Umirap ako at itinuro yung transferee.
“Ahh si Leigh.” Tumatangong sabi niya.
“You know her?” nagtatakang tanong ko.
Tumango siya at ngumiti sakin. Ginulo pa ang buhok ko. “Grabe ka naman sa kaniya.
Ganda kaya niya.” Lalong nag-usok ang ilong ko sa narinig.
Galit kong tinampal ang kamay niya.
“What did you say?” tinaasan ko siya ng kilay.
“Ito naman selos kaagad.” Natatawang sabi niya.
Inirapan ko siya. “Asa ka.” Asik ko.
Tumawa lang siya at bumalik na sa upuan niya.
Maya maya ay dumating na din ang prof namin. Mukhang walang balak magklase dahil
walang dalang libro ang dala lang niya ay isang papel.
“Hindi tayo magkaklase.” Bungad niya. Naghiyawan naman ang mga kaklase kong
lalaki dahil pagkatapos nito ay vacant na.
“I’m here to announce the top student for this grading.” Dugtong niya.
“Pustahan si Avyanna na naman ang top satin.” Narinig kong bulong ng isa sa mga
kaklase ko sa likod.
Bulong pa rinig naman hanggang unahan.
“Walang pinagbago. The top student in this class is Miss Avyanna Sapphira
Marguerite.” Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko.
“sabi na.” bulong ulit.
Tumayo ako para abutin ang papel na inaabot sa akin ni Mr. Sanchez.
“Congratulations.” Nakangiting bati sakin ni sir.
Tumango lang ako at bumalik na sa upuan ko.
“Class dismiss.” Sabi ni sir at lumabas na ito.
That is the reason kung bakit di ako masyadong napapagalitan ng mga teacher kahit
anong gawin ko. Coz never akong sumablay na maging top student.
“Avyanna.” May tumawag sa akin at hinawakan pa ang braso ko.
Nang lingunin ko ay nakita kong yung transferee.
“What?” mataray na tanong ko.
“Pwede bang sabay tayong pumunta sa canteen?” tanong niya.
I scoffed.
“You really are stupid. You better know me first.” Sabi ko at sinubukan siyang
iwan doon.
Pero hinawakan niya ang braso ko.
“Wait lang. Wala naming mali don diba? Gusto lang naman kita maging kaibigan.”
takang tanong niya.
Naginit ang ulo ko sa katangahan ng babaeng ito.
“Get your fucking hands off my body.” Galit na sabi ko sa kaniya at tinanggal ang
pagkakahawak niya sakin. Naiwan siya doon na nakatulala.
Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ang galit na nararammdaman ko sa babaeng
yon. Hindi naman ako ganito sa iba kapag wala silang ginawa sa akin.
Dirediretso ang lakad ko papuntang canteen.
Nandoon na si Liam sa table namin. Nang makita niya ako’y tumayo siya kaagad.
“Oh umuusok na naman ang ilong at tenga mo. Ano na namang nangyari?” tanong niya
nang makita ang mukha ko.
“Nothing.” Sagot ko.
Tumahimik na lang siya. Alam niya na kapag ayaw kong pagusapan.
He ordered our food. Nang makabalik siya ay nagumpisa na kaming kumain.
Tumigil siya sa pagsubo nang may nakita sa likod ko kaya lumingon ako.
Si transferee.
Itinaas ni Liam ang kamay niya para tawagin ito.
“Ah dito ka na kumain.” Sabi niya. I can sense that he likes her.
Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian niya lang ako.
Naupo yung transferee sa tabi ko kaya umisod ako palayo.
“Ahm thanks.” Nahihiyang sabi niya. Tss pabebe.
“Ikaw si Leigh diba?” tanong ni Liam at tumango naman ito. Tahimik lang ako hindi
ko nagugustuhan ang nangyayari.
“Ah... My name is William Radley Ortega. You can call me William or Liam kung san
ka mas comfortable.” Sinamaan ko siya ng tingin pero di nya napapansin dahil ang
atensyon niya ay nakay Leigh. Inilahad pa niya ang kamay niya dito.

“Uhm... Leigh... Leigh Cristobal.” Pagpapakilala nito at tinanggap ang kamay ni


Liam.
Nabitawan ko ang tinidor na hawak ko nang marinig ang pangalan na iyon.
Cristobal...
That can’t be. Bulong ko sa isip ko.
Napalingon silang dalawa sa akin. Tumayo na ako para umalis.
Sinubukan pa akong pigilan ni Liam.
“Don’t be so rude Vy.” Banta niya.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin at nagpatuloy sa pagalis.
Tinext ko ang driver na magpapasundo na ako.
Marami namang may apelyido na Cristobal. Paulit ulit kong sabi sa isip ko.
Hindi lang naman si...
May natanaw akong pamilyar na mukha sa may gate mukang may inaantay.
Nang lumingon siya ay natigilan siya nang makita ako.
Iniwas ko ang tingin at hinanap ang sasakyan namin. Dali dali akong sumakay sa
kotse.
Pagkalabas ng sasakyan ng school ay saka lang ako nakahinga. Kinuyom ko ang kamay
ko sa galit na nararamdaman.
...Papa

You might also like