You are on page 1of 1

BAKIT PATULOY ANG PAGLAKI NG POPULASYON SA PILIPINAS

Ang hindi sapat na pagbibigay impormasyon o kaalaman sa mga tao tulad ng Family Planning,
pag-aanak ng marami, maagang pag-aasawa, tumatagal na buhay, pandarayuhan, ay iilan
lamang sa mga kadahilanan kung bakit lumalaki ang populasyon ng Pilipinas. Habang patuloy
naman itong lumulobo, marami namang naging masamang epekto nito: ang kahirapan,
kakulangan gaya ng pagkain, mahirap na paghahanap ng trabaho, malaking posibilidad ng
pagkasira ng kalikasan, paggawa ng krimen at di kanais-nais. Nagiging mas mahirap ang
alokasyon upang mapakinabangan ng lahat ang pinagkukunang yaman. Malaking gastusin na
inilalaan sa pagkain, pananamit, pabahay, kalusugan at edukasyon. Maraming Pilipino ang
nagkakaroon ng malaking pamilya at nagdudulot ng kahirapan, hindi naibibigay ang edukasyon
para sa lahat ng anak, at nagiging dahilan ng hindi nila pagkakaroon ng magandang
kinabukasan. Sinasabing may mabuti din namang naidudulot ang malaking populasyon, ika nga
nila masaya kung madami ngunit para sa ekonomiya nitong ating bansa ay marami itong
epektong nakakasama.

Ayon pa kay Bellita Cavan, isang guro ng Stella Maris, ay ang tawag sa bilang ng kabuuang
dami ng mga tao na naninirahan sa isang partikular na lugar sa isang takdang panahon. Isa sa
pinakamalaking isyu na kinakaharap ng Pilipinas ngayon ay ang patuloy na pagtaas ng
populasyon. Ito ay may malaking epekto sa ekonomiya at nagpapahirap sa pagbangon ng ating
bansa. Ayon pa sa Commission on Population (POPCOM) of the Philippines, ang kabuuang
populasyon ng Pilipinas ngayon ay umabot na sa humigit-kumulang 107,977,232. Nararapat na
imulat natin ang ating mga mata at tutukan ngayon ang kaalaman ng mga Pinoy sa pagpaplano
ng pamilya. Nakakabahala na itong problema ng lumolobong populasyon ng Pilipinas. Sa pag-
aaral ng National Statistics Office (NSO) lumilitaw na lumalaki ang rate of natural increase ng
population ng Pilipinas sa rate na 2.1%.  Malaki ang population growth rate na ito  para sa isang
maliit at pobreng bansa tulad ng Pilipinas.      

You might also like