You are on page 1of 1

MALNUTRISYON

Alam naman nating kabilang ang Pilipinas sa mahihrap na bansa at ang pangunahing dahilan ay
kahirapan na nagdudulot ng malnutrisyon sa sambayanan. Ayon nga sa Food Agriculture
Organization (FAO) ang kaso ng malnutrsyon sa Pilipinas ay konektado sa kakulangan ng sapat
na masusustansyang pagkain o kaya naman dahil sa hirap na maibigay ang kinakailangang
pagkain sa buong populasyon. Ang pangunahing kaso ng malnutrisyon sa Pilipinas ay ang
kakulangan sa protina. Tinatayang umaabot sa tatlong milyon ang dumaranas nito. Kaya kung
mapapansin laganap ang kakulangan sa timbang at pagiging bansot ng mga kabataan sa lugar
na talamak ang malnutrisyon. At dahil sa kahirapan ayon sa World Health Organization (WHO)
28 milyon Pilipino ang nanganganib na dumanas ng malnutrisyon dahil sa hindi maibigay ang
hustong pangangailangang nutrisyon sa buong populasyon.
Upang malabanan ang malnutrisyon sa ating bansa, nagsagawa ng ilang programa ang
pamahalaan upang maipalaganap ang kahalagahan ng nutrisyon sa kabataan sa mga
pampublikong paaralan at isa rito ang feeding program para sa lahat. Sabi nga nila,
“Masustasyang pagkain ating pagyamanin upang mithiin ay ating maangkin.

You might also like