You are on page 1of 6

ASIA PACIFIC COLLEGE

Senior High School


Humanities and Social Sciences (HUMMS)

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG Gawain 5.2


TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK (SHPGBSU) Tekstong Argumentatibo (Pagsusuri ng
Modelo)
Baitang 11
Ikatlong Termino

Pangalan ng Grupo: 555 Tuna


Mga Miyembro: Kali Aznar, Anne Margareth Alfar, Miguel Anton Besana, Maureen
Lactaoen, Trisha Mae Nono, Inigo Reyes
Seksyon: ABM 211
Petsa: Hunyo 3, 2022

PANUTO:
Basahin at suriin ang Collar the Cat! Ni Abel John sa pamamagitan ng komprehensibong pagsagot
ng mga tanong na matatagpuan sa annotation panel.

“Collar the Cat!”


ni Abel John

(Ang sanaysay na ito ay isa sa Top 9 na nagwagi sa High School Category sa 7th Annual Student Editorial
Contest ng The New York Times kung saan sila ay nakatanggap ng 6,079 na entri)

Itinuturing na isang television gold ang serye ng “Tom


and Jerry”. Ang basikong prinsipyo nito ay ang “cat-
chases-mouse” na matagal nang nakadikit sa bawat pambatang
palabas ng iba’t ibang henerasyon. Ngunit, hindi
kagaya ni Tom, kadalasan sa mga domestikadong pusa ay walang
awa at palaging nahuhuli ang kanilang mga nagiging biktima.
Ipinapakita ng bagong pag-aaral na hindi na umano napipigilan
ang panghuhuli ng mga domestikadong pusa ng
mga ibon sa United States na siyang nagbubunsod ng pagbaba ng
populasyon nito. Sa katunayan, maraming ibon
ang namamatay na ang dahilan ay mga pusa kaysa sa
pagkabangga ng mga ito sa mga gusali, sasakyan, at iba pang
polusyon na dulot ng tao kung pagsasama-samahin.
Kailan nga ba nahuli ni Tom si Jerry o hindi naman kaya
ay si Tweety? Palagi, hindi lang natin napapansin. Itinatayang
nakapag-uuwi ang mga pusa ng “hanggang sa labing-isang patay
na ibon, daga, o hindi naman kaya ay
ASIA PACIFIC COLLEGE
Senior High School
Humanities and Social Sciences (HUMMS)

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG Gawain 5.2


TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK (SHPGBSU) Tekstong Argumentatibo (Pagsusuri ng
Modelo)
Baitang 11
Ikatlong Termino

butiki sa isang buwan,” ayon kay Propesor Roland Kays sa


kaniyang artikulong “Why House Cats Are God’s Perfect Little
Killing Machines.” Ang katotohanan na ito ay hindi na
nakagugulat. Ngunit kung isasaalang-alang, apat sa sampung
bahay ang may pusa at malaki ang epekto nito sa predasyon ng
mga pusa. Dahil sa kanilang limitadong
ginagalawan (karaniwan ay malapit lamang sa bahay), ang mga
pusa ay may apat hanggang sampung beses na epekto
sa predasyon ng isang lokal na komunidad. Ipagpalagay na lang
natin na ang bird seed na ibinigay mo upang ma- obserbahan
ang mga ibon? Hindi na lang ikaw ang nag- iisang nag-oobserba.
Ayon sa taunang pagtatala ng Fish and Wildlife Service, umaabor
sa 2.4 bilyon na ibon ang ibon na namamatay dulot ng predasyon
ng mga pusa sa Estados Unidos. Nagkaroon ito ng malaking
epekto sa populasyon ng mga ibon. Ayon sa The New York
Times, nagkaroon ng malaking pagbaba sa bilang ng mga ibon sa
Estados Unidos nitong huling limampung (50) taon.
Kasabay nito ang
pagtaas naman ng popularidad ng mga pusa sa Amerika.
Ang mga tradisyonal na nangangalaga sa mga ibon ay
hindi kayang labanan ang primal instinct ng mga pusa. Para sa
aking Eagle Scout Project, ako ay nagpagawa ng 14
ft. na tore na pinamumugaran ng nasa apatnapung (40) na
chimney swifts (isa sa nanganganib na uri ng ibon). Ito ay
nakatayo sa isang lugar kung saan may mga bahay na may
tinatayang limampung (50) na pusa. Sa ngayon, hindi pa
nagbubunga ang aking ginagawa sa pagtaas ng populasyon ng
mga ibon. Ngunit hindi rin praktikal na busalan o huwag lamang
palabasin ang mga pusa sa ating mga tirahan.
ASIA PACIFIC COLLEGE
Senior High School
Humanities and Social Sciences (HUMMS)

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG Gawain 5.2


TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK (SHPGBSU) Tekstong Argumentatibo (Pagsusuri ng
Modelo)
Baitang 11
Ikatlong Termino

Nagbigay naman ng alternatibong solusyon si Susan


Willson ng St. Lawrence University at ito ay ang paglalagay ng
matingkad na kulay ng mga collar sa pusa. Napag- alaman ni
Willson na madaling makita ng mga ibon ang mga pusa kung
may ganon silang klase ng collar at dahil dito madali nilang
naiiwasan ang mga pusa bago pa mahuli ang lahat. Dahil dito,
bumaba nang labing-siyam (19) na beses ang mga ibon na
namamatay dahil sa alternatibong solusyon na ito.
Ang mga collar scrunchies ay hindi maingay at
epektibong alternatibo sa tradisyonal na “cat bell” at hinahayaan
pa rin na makahuli ang mga pusa ng totoong mga peste. Ang mga
makukulay na scrunchies na ito ay epektibo sa mga ibon ngunit
hindi sa mga color blind na daga.
Hindi matinding kasalanan ang hayaang maging pusa ang
mga pusa, ngunit sa simpleng paglalagay sa leeg
ng mga makukulay na collar ay makatutulong na mabalanse ang
kanilang mga feline instinct. Dagdag pa rito, maraming video
ng mga pusa ang nagkalat na bumabagay sa kanila ang mga
scrunchies at ang bagay na iyon ay talagang hindi natin
matatanggihan.

PAGSUSURI:
ASIA PACIFIC COLLEGE
Senior High School
Humanities and Social Sciences (HUMMS)

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG Gawain 5.2


TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK (SHPGBSU) Tekstong Argumentatibo (Pagsusuri ng
Modelo)
Baitang 11
Ikatlong Termino
1.Anong estratehiya ang ginamit ng manunulat upang mapukaw ang atensyon ng mambabasa (attention-
getter) sa unang talata? Lagyan ito ng dilaw na highlight.

2.Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay? Lagyan ng neon blue na highlight ang paksang
pangungusap.

3.Anong uri ng ebidensya ang ipinakita ng may-akda sa ikalawang talata? Paano ito nakatulong sa paghayag
ng kanyang argumento?
- Ang ebidensyang ipinakita ng may-akda ay isang factual evidence na batay sa pahayag ni
Propesor Roland Kays sa artikulong pinamagatang, “Why House Cats Are God’s Perfect Little
Killing Machines.” Ang may-akda ay nagbigay ng mga datos na nagpapakita ng pagbaba ng
populasyon ng mga ibon sa Estados Unidos. Ang pagbibigay ng datos at ng ebidensyang ito ay
nakatulong sa paghayag ng kanyang argumento dahil sa ebidensyang batay sa katotohanan na
kanyang ipinakita.
4.Ano ang tono na ginamit ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay? Paano ito nakatulong sa paghahatid ng
pangkalahatang mensahe ng sanaysay?

- Ang tono na ginamit ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay ay seryoso at hindi nagbibiro.


Nakatulong ito sa paghahatid ng pangkalahatang mensahe ng sanaysay upang malaman ng mga
mambabasa na ang usaping kanyang tinatalakay ay seryoso, kailangang solusyonan, at hindi biro.
Nakatulong din ito dahil mas maniniwala ang mga mambabasa sa kanyang mga sinasabi kung ang
tono ng kanyang pagsulat ay naaayon sa mensaheng kanyang nais ipahayag.

5.Paano naiiba ang uri ng ebidensya na ginamit ng may-akda sa ikatlong talata kumpara sa ikalawa? Ano ang
dulot ng pag-iibang ito sa pagiging epektibo ng sulatin sa kabuoan?

- Ang ebidensyang ipinakita sa ikalawang talata ay isang factual evidence habang sa ikatlong talata
naman ay ebidensyang batay sa sariling karanasan ng may-akda. Magkaiba ang dalawang
ebidensyang ito dahil ang factual evidence ay nakuha niya lamang sa isang sanggunian
samantalang ang isa naman ay kanyang personal na karanasan at siya mismo ang nakaranas nito.
Ang pag-iibang ito sa pagiging epektibo ng sulatin ay maaaring mas nakapanghikayat sa
mambabasa dahil bukod sa mga datos na kanyang nakalap, mayroon din siyang naihayag na
personal na karanasan patungkol dito.

6.Ano ang dalawang panig ng argumento sa sanaysay?

- Ang dalawang panig ng argumento sa sanaysay ay una, batay sa bagong pag-aaral ay hindi na
umano napipigilan ang panghuhuli ng mga domestikadong pusa ng mga ibon sa United States na
siyang nagbubunsod ng pagbaba ng populasyon nito. Sa katunayan, ang mga tradisyonal na
nangangalaga sa mga ibon ay hindi kayang labanan ang primal instinct ng mga pusa. Ang
ikalawang panig naman ay ang pagbibigay ng altermatibong solusyon na ang paglalagay ng
matingkad na kulay ng mga collar sa pusa na iminungkahi ni Susan Willson. Dahil dito, bumaba
nang labing-siyam na beses ang mga ibon na namamatay dahil sa alternatibong solusyon na ito.
ASIA PACIFIC COLLEGE
Senior High School
Humanities and Social Sciences (HUMMS)

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG Gawain 5.2


TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK (SHPGBSU) Tekstong Argumentatibo (Pagsusuri ng
Modelo)
Baitang 11
Ikatlong Termino
7.Maglista ng tatlong (3) mga salitang transisyonal na matatagpuan sa ikatlo hanggang huling talata. Paano
maaapektuhan ang kalidad ng pagsulat kung hindi gagamitin ang mga ito?

- Ang tatlong salitang transisyonal ay ang mga sumusunod: ngunit, dahil dito, at dagdag pa rito.
Maapektuhan ang kalidad ng pagsusulat kung wala ang mga ito dahil nakatutulong ito sa pagiging
maayos o cohesive ng sanaysay. Ito rin ay mga hudyat upang malaman ng mga mambabasa ang
tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ito rin ang mga nagkokonekta sa mga ideya at sa
mga talatang naihayag. Kung wala ang mga salitang ito, maaaring hindi lubusang maintindihan ng
mga mambabasa ang sanaysay at maaari rin silang maguluhan sa kanilang binabasa.

8.Anong solusyon ang iminungkahi ng may-akda? Bakit?


- Ang solusyon na iminungkahi ng may-akda ay ang paglalagay ng makukulay na collar sa leeg ng
mga pusa upang makatutulong na mabalanse ang kanilang mga feline instinct. Nakatutulong din
ito upang madaling makita ng mga ibon at madali nila itong maiiwasan kung may ganon silang
klase ng collar. Ang mga collar scrunchies ay hindi maingay at isang epektibong alternatibo sa
tradisyonal na “cat bell”. Ito ay epektibo sa mga ibon ngunit hindi sa mga color blind na daga.

9.Masasabi bang epektibo ang iminungkahing solusyon ng may-akda? Bakit?

- Epektibo ang solusyon na iminungkahi ng may-akda dahil nakikita ng mga ibon ang collar na
makulay upang makaiwas agad sa mga paparating na pusa. Isa pang magandang dahilan ng
solusyon na ito ay dahil epektibo pa ring nakakapaghuli ng ibang peste ang pusa sa kadahilanan
na ang mga daga ay color blind. Ang maganda pa sa collar scrunchies ay bumabagay ito sa pusa
dahil sa makulay na collar na ito.

10. Anong pamamaraan ang ginamit ng may-akda sa pagtatapos ng sanaysay?

- Ang pamamaraan na ginamit ng may-akda sa pagtatapos ng sanaysay ay ang pagsasaalang-alang


sa mga pusa sa pagsabi na hindi nila kasalanan na sila ay pusa. Dito niya rin inihayag na mas
mabuting magkaroon sila ng makukulay na collar sa leeg dahil bukod sa bagay sa kanila ang mga
ito, makatutulong din itong mabalanse ang kanilang feline instinct. Tinapos ng may-akda ang
sanaysay sa pagbibigay ng suhestyon na may kasamang katotohanan at pagsasaalang-alang sa
buhay ng mga pusa.
ASIA PACIFIC COLLEGE
Senior High School
Humanities and Social Sciences (HUMMS)

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG Gawain 5.2


TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK (SHPGBSU) Tekstong Argumentatibo (Pagsusuri ng
Modelo)
Baitang 11
Ikatlong Termino

MGA SANGGUNIAN:
Brulliard, Karin and Scott Clement. “How Many Americans Have Pets? An Investigation of Fuzzy
Statistics.” The Washington Post, 31 Jan. 2019.

Lepczyk, Christopher A., et al. “What Conservation Biologists Can Do to Counter Trap-Neuter-
Return.” Conservation Biology, 2 Nov. 2010.

Sommer, Lauren. “The Killer At Home: House Cats Have More Impact On Local Wildlife Than Wild
Predators.” NPR, 18 April 2020.

Willson, S.K., et al. “Birds Be Safe: Can a Novel Cat Collar Reduce Avian Mortality by Domestic Cats
(Felis catus)?” Global Ecology and Conservation, Elsevier, 20 Jan. 2015.

Zimmer, Carl. “Birds Are Vanishing From North America.” The New York Times, 19 Sept. 2019.

RUBRIK:
2 PUNTOS 1 PUNTOS WALANG PUNTOS
Nakapagbigay ng paliwanag,
Nakapagbigay ng
ngunit ang sagot ay Hindi nakapagbigay ng
kumpleto at detalyadong
maaaring paliwanag.
sagot at paliwanag.
hindi kumpleto o
hindi tumpak.

You might also like