You are on page 1of 5

Pangalan: WIKSILOG

Seksyon: ABM 211


Miyembro: Lee Castaño, Divine Daily, Kristen Cabrera, Christian Esguerra,
Adrian De Guzman, Henry Masilang

PANUTO:
Basahin at suriin ang Collar the Cat! Ni Abel John sa pamamagitan ng komprehensibong
pagsagot ng mga tanong na matatagpuan sa annotation panel.

“Collar the Cat!”


ni Abel John

(Ang sanaysay na ito ay isa sa Top 9 na nagwagi sa High School Category sa 7th Annual
StudentEditorial Contest ng The New York Times kung saan sila ay nakatanggap ng 6,079 na
entri)

Itinuturing na isang television gold ang serye ng “Tom and Jerry”. Ang basikong
prinsipyo nito ay ang “cat-chases-mouse” na matagal nang nakadikit sa bawat pambatang
palabas ng iba’t ibang henerasyon. Ngunit, hindi kagaya ni Tom, kadalasan sa mga
domestikadong pusa ay walang awa at palaging nahuhuli ang kanilang mga nagiging biktima.
Ipinapakita ng bagong pag-aaral na hindi na umano napipigilan ang panghuhuli ng mga
domestikadong pusa ng mga ibon sa United States na siyang nagbubunsod ng pagbaba ng
populasyon nito. Sa katunayan, maraming ibon ang namamatay na ang dahilan ay mga pusa
kaysa sa pagkabangga ng mga ito sa mga gusali, sasakyan, at iba pang polusyon na dulot ng
tao kung pagsasama-samahin.

Kailan nga ba nahuli ni Tom si Jerry o hindi naman kaya ay si Tweety? Palagi, hindi lang
natin napapansin. Itinatayang nakapag-uuwi ang mga pusa ng “hanggang sa labing-isang patay
na ibon, daga, o hindi naman kaya ay butiki sa isang buwan,” ayon kay Propesor Roland
Kays sa kaniyang artikulong “Why House Cats Are God’s Perfect Little Killing Machines.” Ang
katotohanan na ito ay hindi na nakagugulat. Ngunit kung isasaalang-alang, apat sa sampung
bahay ang may pusa at malaki ang epekto nito sapredasyon ng mga pusa. Dahil sa kanilang
limitadong ginagalawan (karaniwan ay malapit lamang sa bahay), ang mga pusa ay may apat
hanggang sampung beses na epekto sa predasyon ng isang lokal na komunidad. Ipagpalagay
nalang natin na ang bird seed na ibinigay mo upang ma- obserbahan ang mga ibon? Hindi na
lang ikaw ang nag- iisang nag-oobserba. Ayon sa taunang pagtatala ng Fish and Wildlife
Service, umaabot sa 2.4 bilyon na ibon ang ibon na namamatay dulot ng predasyon ng mga pusa
sa EstadosUnidos. Nagkaroon ito ng malaking epekto sa populasyon ng mga ibon. Ayon sa The
New York Times, nagkaroon ng malaking pagbaba sa bilang ng mga ibon sa Estados Unidos
nitong huling limampung (50) taon. Kasabay nito ang pagtaas naman ng popularidad ng
mga pusa sa Amerika.

Ang mga tradisyonal na nangangalaga sa mga ibon ay hindi kayang labanan ang primal
instinct ng mga pusa. Para sa aking Eagle Scout Project, ako ay nagpagawa ng 14 ft. na tore na
pinamumugaran ng nasa apatnapung (40) na chimney swifts (isa sa nanganganib na uri ng
ibon). Ito ay nakatayo sa isang lugar kung saan may mga bahay na maytinatayang limampung
(50) na pusa. Sa ngayon, hindi pa nagbubunga ang aking ginagawa sa pagtaas ng populasyon
ng mga ibon. Ngunit hindi rin praktikal na busalan o huwag lamang palabasin ang mga pusa sa
ating mga tirahan.

Nagbigay naman ng alternatibong solusyon si SusanWillson ng St. Lawrence University at


ito ay ang paglalagay ng matingkad na kulay ng mga collar sa pusa. Napag- alaman ni Willson
na madaling makita ng mga ibon ang mga pusa kung may ganon silang klase ng collar at dahil
dito madali nilang naiiwasan ang mga pusa bago pa mahuli ang lahat. Dahil dito, bumaba nang
labing-siyam (19) na beses ang mga ibon na namamatay dahil sa alternatibong solusyon na ito.
Ang mga collar scrunchies ay hindi maingay at epektibong alternatibo sa tradisyonal na
“cat bell” at hinahayaan pa rin na makahuli ang mga pusa ng totoong mga peste. Ang mga
makukulay na scrunchies na ito ay epektibo sa mga ibon ngunit hindi sa mga color blind na
daga.
Hindi matinding kasalanan ang hayaang maging pusa ang mga pusa, ngunit sa simpleng
paglalagay sa leeg ng mga makukulay na collar ay makatutulong na mabalanseang kanilang
mga feline instinct. Dagdag pa rito, maraming video ng mga pusa ang nagkalat na bumabagay
sa kanila ang mga scrunchies at ang bagay na iyon ay talagang hindi natin matatanggihan.

PAGSUSURI:
1. Anong estratehiya angginamit ng manunulat upangmapukaw ang atensyon ng mambabasa
(attention- getter) sa unang talata? Lagyan ito ng dilaw na highlight.

Ang maunulat ay nakapukaw ng atensyon ng mambabasa sa pamamagitan ng paggamit ng


sikat na palabas na “Tom and Jerry”. Ginamit niya ito bilang halimbawa na ang mga pusa ay
natural na humahabol sa mga daga at tinuring na itong prinsipyo. Sinamahan rin ito ng
manunulat ng katotohanan tungkol sa mga domestikadong pusa na hindi gaya sa seryeng “Tom
and Jerry.”

Itinuturing na isang television gold ang serye ng “Tom and Jerry”. Ang basikong prinsipyo nito
ay ang “cat-chases-mouse” na matagal nang nakadikit sa bawat pambatang palabas ng iba’t
ibang henerasyon. Ngunit, hindi kagaya ni Tom, kadalasan sa mga domestikadong pusa ay
walang awa at palaging nahuhuli ang kanilang mga nagiging biktima.
2. Ano ang layunin ng may- akda sa pagsulat ng sanaysay? Lagyan ng neon blue na highlight
angpaksang pangungusap.
Nais iparating ng may akda ang problema tungkol sa pagbaba ng populasyon ng mga ibon dahil
sa pagpatay ng mga pusa rito. Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay ay ipaalam
sa mangbabasa ang mga paraan kung paano sila makakatulong na panatilihing malago ang
populasyon ng mga ibon.
Ipinapakita ng bagong pag-aaral na hindi na umano napipigilan ang panghuhuli ng mga
domestikadong pusa ng mga ibon sa United States na siyang nagbubunsod ng pagbaba ng
populasyon nito. Sa katunayan, maraming ibon ang namamatay na ang dahilan ay mga pusa
kaysa sa pagkabangga ng mga ito sa mga gusali, sasakyan, at iba pang polusyon na dulot ng
tao kung pagsasama-samahin.

3. Anong uri ng ebidensya ang ipinakita ng may-akda saikalawang talata? Paano ito nakatulong
sa paghayag ng kanyang argumento?
May tatlong ebidensya ang ipinakita ng may-akda sa ikalawang talata. Ito ay mga artikulo, at
tala. Ang mga ebidensyang ito ay nakatulong sa pagsuporta ng argumento ng may-akda
sapagkat pinapatunayan nito na ang pusa ang nagiging dahilan ng pagbaba ng populasyon
ng mga ibon. Mas paniniwalaan ng tao at katotohanan ang pinapatunayan ng may-akda
ngayong may mga ebidensya ang kaniyang mga ipinaglalaban.

4. Ano ang tono na ginamit ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay? Paano ito nakatulong sa
paghahatid ng pangkalahatang mensahe ng sanaysay?
Ang tono na ginamit ng may-akda ay seryoso, pang-intelektuwal at walang halong biro.
Nakatulong ito sa paghahatind ng mensahe dahil mas paniwalaan ito lalo’t may mga ebidensya
na masabing nakabatay sa katotohanan.

5. Paano naiiba ang uri ng ebidensya na ginamit ng may-akda sa ikatlong talata kumpara sa
ikalawa? Ano ang dulot ng pag-iibang ito sapagiging epektibo ng sulatin sa kabuoan?

Ang uri na ebidensya na ginamit sa ikatlong talata ay isang proyekto. Hindi pa tapos ang
proyekto at wala pa itong konklusyon. Sa ikalawang talata ay artikulo at tala ang ginamit ito ay
meron nang konklusyon. Mas mahina ang naipakitang ebidensya sa ikatlong talata kumpara sa
ikalawang talata sa madaling sabi ito ay hindi sapat upang maging matibay ang argumento.
Ang paiba iba na ebidensya ay maaring magdulot ng pagkakalito sa mga mambabasa kung
nakabase ba sa katotohanan ang argumento o hindi.

6. Ano ang dalawang panig ng argumento sa sanaysay?

Ang unang panig ng argumento sa sanaysay ay, dahil sa pagiging domestikado ng mga pusa
sa United States, bumababa ang populsayon ng ibon. Sabi na dahil sa mga domestikadong
pusa, nadadamay ang mga ibon sa kanilang paghuhuli ng mga daga dahil hindi nila mapigilan
ang kanilang primal instinct. Ang pangalwang panig ay ang paglalagay ng makulay na collar sa
mga pusa dahil ito ay senyales para sa ibon upang sila ay lumayo sa pusa, habang sa daga,
walang epekto ito dahil ito ay color blind. Kapag ang mga pusang ito ay nakasuot ng ganito,
makakatulong ito sa mga ibon at walang epekto sa paghuhuli ng daga.
7. Maglista ng tatlong (3) mga salitang transisyonal na matatagpuan sa ikatlohanggang huling
talata.Paano maaapektuhan ang kalidad ng pagsulat kung hindi gagamitin ang mga ito?
(1) Sa ngayon
(2) Dahil dito
(3) Dagdag pa rito
Kung hindi gagamitin ang mga ito, ang kalidad ng pagsulat ay maapektuhan pagdating sa
kalinawan ng pagkakasunod-sunod ng ideya at ang paglalahad ng mga ito. Kung wala ang mga
salitang transisyonal na ito, ang mga mambabasa ay maaaring maguluhan o kaya naman ay
hindi lubusang maunawaan ang sinusubukang ilahad o sabihin ng may-akda patungkol sa
kaniyang pinaparating. Mahalaga ang gumamit ng mga salitang transisyonal sapagkat ito ay
nagsisilbing paraan upang patuloy na dumaloy ang mga ideya sa patungo sa iba pang usapin
at talata.

8. Anong solusyon ang iminungkahi ng may-akda? Bakit?


Ang solusyon na iminungkahi ng may-akda ay ang paglalagay ng matingkad na kulay ng mga
collar sa pusa sa kadahilanan na madali silang makikita ng mga ibon, upang sila ay makaiwas
ng tuluyan, at ito ay napatunayan na epektibo. Ito rin ay maituturing na epektibong alternatibo
sa tradisyonal na “cat bell”. Ngunit, pagdating naman sa ibang nilalang katulad ng daga na
colorblind ay hindi masasabing epektibo ang mga matitingkad na collar.

9. Masasabi bang epektibo ang iminungkahing solusyon ng may-akda? Bakit?

Epektibo ang iminungkahi na solusyon ng may akda sapagkat ayon sa taunang pagtatala ng
fish and wildlife service, inimungkahi dito na umabot sa 2.4 bilyon na ibon ang namamatay dulot
ng predasyon ng mga pusa sa estados unidos, kaya naman nagbigay ng solusyon si Susan
Willson at ang solusyon na ito ay ang paglalagay ng matindkad na kulay ng mga collar sa pusa,
naging epektibo ito sapagkat madali ng maiiwasan ng mga ibon ang mga pusa dahil sa
matingkad na kular ng mga collar sa pusa at napatunayan na naging epektibo ito dahil bumaba
nang labing siyam na beses ang mga ibon na namamatay dahil sa ginawang solusyon kung
kaya’t masasabi na naging epektibo ang iminungkahing solusyon ng may-akda.

10. Anong pamamaraan angginamit ng may-akda sa pagtatapos ng sanaysay?

Ang pamamaraan na ginamit ng may akda sa pagtapos ng sanaysay ay maka-siyentipiko,


sapagkat kung susuriin mabuti, dahil sa paliwanag na ang collar scrunchies ay hindi maingay, at
mahusay na alternatibo sa tradisyonal na “cat bell” na nagpapahintulot sa mga pusa na gamitin
ang kanilang natural na instincts laban sa mga tunay na peste. Dagdag pa rito, sinabi rin ng may-
akda na ang mga makukulay na scrunchies na ito ay epektibo sa mga ibon ngunit hindi sa mga
color blind na daga, sa mga sanaysay na ito, dito natin masusuri na ang pamamaraan na ginamit
ng may-adka ay maka-siyentipiko sapagkat maka-agham na mga pangyayari ang ginamit niya sa
pagtatapos ng sanaysay.

You might also like