You are on page 1of 2

South Western Career College

Of Simpak, Lala Lanao Del Norte


Ikalawang Markahang Pagsusulit
Filipino 9

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat: ________

TEST I: 1 – 8 ( 8 points)

Panuto: Bilugan ang Tamang TITIK ng Tamang Sagot.

1. Ang ______ ay isang uri ng panitikan na sinusulat sa anyong tuluyan na karaniwang


pumapaksa sa kaisipan ng mga bagay-bagay na sadyang kinapupulutan ng aral at aliw sa
mga mambabasa.
a. Sarswela b. Sanaysay c. Maikling kwento d. Dula
2. Ito ay tumatalakay sa mga seryosong paksa tulad ng kamatayan.suliranin, agham, pag-
unlad, kabiguan at iba pa.
a. Di- Pormal b. Pormal c. Di-karaniwang d. Karaniwang
3. Ang sanaysay na ______ ay magaan ang pagtatalakay ng paksa tulad ng paghihintay sa
bus o kahit anong uring paksa.
a. Pormal B. Di-Pormal c. Di-karaniwang D. Karaniwang
4. Ang _____ na sanaysay ay naglalayong magpaliwanag, manghikayat at magturo tungo sa
pangkaunlarang isip, moral at hilangyo ng mga mambabasa.
a. Karaniwang b. Di-Karaniwang c. Di-pormal d. Pormal
5. Ano ang pinakaunang pahagi ng sanaysay?
a. Katawan B. Panimula C. Wakas D. wala sa nabanggit
6. Ano ang panglawang bahagi ng sanaysay?
a. Panimula B. Wakas C. Katawan D. wala sa nabanggit
7. Ito ay bahagi ng isang sanaysay na Nagsasara ng isang talakayan.
a. Wakas B. Panimula C. Katawan D. wala sa nabanggit
8. Mga tiyak na uri ng sansaysay MALIBAN SA Isa.
a. Pasalaysay B. naglalarawan c. Dula D. Nagpapaalala

TEST II: Basahin at Unawain Pagkatapos sagutan ang mga sumosunod na mga tanong.

Pabula “Ang Hatol ng Kuneho’ (Buod)


Isinalin sa Filipino ni: Vilma C. Ambat
Isang araw, noong mga panahong ang mga hayop ay nagsasalita pa, may isang tigreng
naghahanap ng makakakain sa gubat. Ngunit sa kamalasang palad ay nahulog ito sa isang
malalim na hukay. Walang nagawa ang tigre kaya't nagsusumamo itong sumigaw upang humingi
ng tulong.Nang sumunod na araw, ay may isang taong napadaan at nasaksihan ang kanyang
kalagayan. Nakiusap ang tigre sa tao ngunit ito ay nagdadalawang-isip kung tutulungan ang tigre
sapagkattakot siyang baka sya ay kainin nito.Ipinangako ng tigre na hindi niya kakainin ang tao,
dahil na rin sa habag at konsensya, ay tinulungan ng tao makaahon ang tigre. Ngunit ang gutom
na tigre ay hindi tumupad sa pangako at akmang kakainin nya ang tao.Nakiusap muna ang tao sa
tigre na baka kung sakali ay humingi ng hatol sa puno kung sya ba ay dapat kainin ng tigre.
Ipinaliwanag ng tao ang nangyari ngunit tila sang ayon ang puno na sya ay kainin ng tigre sa
kadahilanang ang mga tao ang may kasalanan sa pagkaubos ng mga puno.Muling humingi ng
hatol ang tao sa napadaang Baka, ngunit katulad ng hatol ng puno ay ganoon din ang hatol
nito.Hanggang sa may isang mapadaang kuneho na lumulundag at ito naman ang hiningian ng
hatol ng tao at tigre. Ang suhestiyon ng kuneho ay muling nilang isalaysay ang nangyari sa
pamamagitan ng pagpunta ng tigre sa hukay upang maibigay ang kanyang hatol.Kaya, nagpunta
muli ang tigre sa hukay upang maibigay na ng kuneho ang hatol.Ang hatol ng kuneho ay,
"Magpatuloy na lamang ang tao sa paglalakbay at ang tigre ay dapat manatili na lamang sa
hukay ng hindi na sila mamomroblema".Muli ay nagpatuloy na sa paglukso ang matalinong
kuneho

9 – 13 Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?

14 - 16 Saan naganap ang tagpuan sa kuwento?


17- 22 Ano ang nakukuha mong aral sa kuwento na iyong nabasa?

TEST III: 23 – 29 (7 Points)

Panuto: Batay sa pabulang “ ang hatol ng kuneho’ paanu mo mailalarawan ang katangian at
ginagampanan ng bawat tauhan? Gamit ang graphic organizer isulat ang angkop na sagot na
nasa kahon.

KALMADO MATULONGIN MAYGALIT Nagtiwala Nagmamakaawa

DI-MAPAGKATIWALAAN MAPAG-PASYA

PANGALAN NG TAUHAN KATANGIAN Ginagampanan


23. TIGRE 28.
24. KUNEHO
25. BAKA
26. PUNO NG PINO
27. ISANG LALAKI 29,

TEST IV: Emosyon ko, Tukuyin mo! 30 – 34 ( 5points )

Panuto: Tukuyin kung sa anong paraan o ekspresyon ipinahahayag ang emosyon o


damdamin ng bawat pahayag. Isulat ang Tama Kung ang pahayag ay TAMA Isulat ang
MALI kung ang maysalunguhit na Pahayag ay Mali, at palitan ang May salitang
salungguhit. “Ang Hatol ng Kuneho”

__________30. ”damdamin ako, tulungan mo ako.”___________

__________ 31. Tila labis ng nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang
katangian ito.______________

___________32. Paglalarawan at hapong-hapo na ang Tigre.___________

___________33.. “Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?”, tanong ng puno ng


pino. “Bakit ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong
mga tahanan at magluto ang inyong mga pagkain Galit sabi ng Puno._______________

____________34. “Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon. Tanungin natin ang


kuneho para sa kanyang hatol kung dapat mo ba akong kainin”.____________________

TEST V: 35 – 49 (15 POINTS points )

Panuto: Gamitin ang iyonh imahinasyon at Iguhit mo ang tagpuan sa Pabula na Iyong binasa sa
likod ng papel at lagyan mo ito ng Kulay.

50. Kanino Ka bumabangon ARAW-ARAW? (1 point)

Prepared by: Allan R. Due

God Bless

You might also like