You are on page 1of 2

Titulo: Tunay na Buhay sa Ilalim ng Batas Militar

Paksang Pangungusap : Hindi naging maganda ang epekto ng Martial Law sa Pilipinas

dahil maraming kahirapan ang naranasan ng mga Pilipino sa ilalim ng Batas Militar.

Ang Martial Law o tinatawag din na Batas Militar ay idineklara ni Pangulong

Ferdinand Marcos noong Setyembre 21, 1972. Ito ay upang masupil daw ang pagdami

ng mga rebeldeng nais pabagsakin ang pamahalaan sa ilalim ng kanyang pamamahala.

Marami rin ang natuwa ng unang inihayag ng pamahalaan ang Martial Law ngunit sa

pag-usad ng panahon ay maraming pang-aabuso ang naitala sa kamay ng mga militar

kung kaya’t nagkaroon ng agam-agam ang mga tao sa pagpapatupad nito.

“Sa panahong ito, binigyan niya ng awtorisasyon ang militar na arestuhin ang

mga indibidwal na nagsasabwatan upang pabagsakin ang rehimeng Marcos. Ipinataw

niya rin ang curfew hours at mahigit na ipinagbawal ang pagtitipon, at ang sinuman na

lalabag dito ay maaaring arestuhin. Ipinasara niya rin ang kongreso, kinumpiska ang

mga pribadong kumpanya ng media at iba pang mga pampublikong pasilidad,” pahayag

ng Commission on Human Rights.

Sa ilalim ng Batas Militar “Ang pagdami ng mahihirap , pagtaas ng presyo ng

bilihin,maliit na sahod ng manggagawa, pagkakaroon ng malawakang deporestasyon at

ang paglobo ng utang ng bansa” (Punongbayan, et. al, 2018)

ay ilan lamang sa mga pruweba na hindi totoong masagana ang buhay sa panahong

iyon.

Sa mga datos na nakalap ay naipakita ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong

walang trabaho sa panahon ng Martial Law. Ayon kay San Juan, D. M. (2014) “Ang
Labor Export Policy na ipinatupad sa ilalim ng pamahalaan sa pamumuno ni Presidente

Ferdinand Marcos ay nag bigay daan sa pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang

bansa upang pagtakpan ang kakulangan sa trabaho sa panahon na iyon. Sa patakaran

na ito ay umasa ang Pilipinas sa pinansyal na tulong ng mga mayayamang bansa.”

“Ang utang ng bansa ay lalo pang lumobo dahil sa maling pamamalakad ng

rehimeng Marcos kasama ang kanyang mga cronies na patuloy ang korapsyon at

pagnanakaw sa kaban ng ating bansa” (Punongbayan, 2018).

Sa mga impormasyon na aking nakalap ay masasabi ko na may matibay na

ebidensya na nagpapatunay sa paniniwala na hindi naging maganda ang paraan ng

pamumuhay ng mga Pilipino sa ilalim ng Batas Militar dahil sa mga pansariling

kapakanan ng mga lider ng bansa at sa malawakang korapsyon sa pamahalaan.

Sanggunian:

Commission on Human Rights of the Philippines. (2018).


https://www.facebook.com/chrgovph/posts/ang-martial-law-o-batas-militar-ay-ang-
pansamantalang-pamamahala-ng-militar-sa-l/1769503646499506/

 Punongbayan, JC and Mandrilla, Kevin. “Marcos years marked ‘golden age’ of PH


economy? https://www.rappler.com/views/imho/124682-marcos-economy-golden-
age-philippines

 Punongbayan, JC. (2018 September 30). “Hindi ‘golden age’ ng ekonomiya ang Batas
Militar”. Retrieved from
https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/analysis-martial-law-not-golden-age-
philippine-economy/

San Juan, D. M. (2014). Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang


Kritikal na Pagsusuri sa Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas. Malay, 27(1).

Wikepedia Contributors. (2022 May 23).Batas Militar. Mula sa Wikipedia, Ang Malayang
Ensiklopedya. Retrieved from
https://tl.wikipedia.org/wiki/Batas_militar

You might also like