You are on page 1of 1

Mayroon nga bang Positibong Nangyari sa Panahon ng Martial Law?

Magandang umaga sa inyong lahat ako ng pala si Aaron Soriano Mutuc, labíng-pitóng taong gulang
na nasa inyong harapan upang maghayag lamang ng katotohanan. Uumpisahan ko ang aking talumpati
sa isang katanungan, mayroon nga bang positibong nangyari sa panahon ng martial law? Maaring ang
iba sa inyo ay sasagot ng oo may positibong nangyari, at ang iba naman ay wala, walang positibong
nangyari. Iba’t iba tayo ng papanaw, Iba’t iba tayo ng opinyon at pagtingin sa nakaraan ngunit ngayong
araw na ito hayaan ninyo akong ihayag ang aking mga nalalaman na pawang katotohanan lamang.

Limángpûng taon na ang nakalilipas mula nang pinirmahan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos
Sr. ang Proclamation No. 1081 na nagapapailalim sa bansa sa batas military or “martial law”, kung saan
binibigyan ang Pangulo, bilang isang pinunong komander (Commander-in-Chief) ng lahat ng armadong
pwersa sa Pilipinas, ng kapangyarihan na i-suspinde ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus sa ilalim ng
martial law. Sinasabing “upang maiwasan o mapigilan ang karahasan, pagsalakay, insureksyon,
paghihimagsik, o anumang panganib na magbabanta sa kaligtasan ng publiko.” Sa panahong ito,
binigyan niya ng awtorisasyon ang militar na arestuhin ang mga indibidwal na susuway sa alituntunin sa
ilalim ng rehimeng Marcos. Ipinataw rin niya ang curfew hours at mahigpit na ipinagbawal ang
pagtitipon, at kung sinuman ang lalabag dito ay maaaring arestuhin. Ipinasara niya rin ang kongreso,
kinumpiska ang mga pribadong kumpanya ng media at iba pang mga pampublikong pasilidad. At isa-
isang inaresto ang mga kalaban sa pulitika ni Marcos. Kabilang sa mga unang dinakip ang noo'y lider ng
oposisyon na si dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino. Sa pagratipika ng 1973 Constitution habang
umiiral ang batas militar, pinalawig ang pag-upo sa kapangyarihan ni Marcos, na tumagal ng
dalawangpung taon. Batay naman sa datos ng Human Rights Claims Board, mahigit 75,000 ang naitalang
human rights violations sa pag-iral ng martial law. Aabot naman sa 30,000 ang biktima ng torture,
marami rin ang tinawag na "desaparecidos," o ang mga tao na dinakip, ikinulong, nawala at hindi na
nakita hanggang ngayon. Naapektuhan din maging ang ekonomiya ng bansa. Bagaman dumami ang mga
naipatayong impraestruktura, nabaon naman sa utang ang bansa na umabot sa mahigit $20 bilyong
dolyar. Maaaring iugnay ang paglobo ng ating utang sa pagdami ng imprastraktura sa bansa na siyang
iniyayabang bilang economic growth daw noong panahon ni Marcos. Pero mula sa paglaki ng ating utang
nanggagaling ang mas maraming paghihirap na kailangan pang tiisin ng mga susunod na henerasyon.

Kung titignan natin ang pagtaas ng bilang ng mga maralita, ang pagbaba ng sahod ng mga manggagawa,
ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at pagtaas ng bilang ng mga nawawala at inabuso, makikita natin
ang totoong naging buhay ng mga ordinaryong Pilipino noong panahon ng Martial Law. Sa pagbaba ng
sahod at pagmahal ng presyo ng mga bilihin, makikitang humirap ang buhay ng mga Pilipino noong
sinasabing “Golden Age” ng Martial Law. Mas lumalala ang kuwento kapag ipinagsama natin ang epekto
ng administrasyon ni Marcos sa kalikasan ng bansa at sa ating economic standing. At magpasahanggang
ngayon ay patuloy nating nararamdaman ang mga epekto ng ating international debt.
Kaya tatanungin ulit kita, totoo nga ba na mayroong positibong nangyari sa panahon ng Martial Law?
Maaring iba-iba ang kuwento ng mga tao ngunit iisa lamang ang kuwento ng mga datos.

You might also like