You are on page 1of 46

ANG PILIPINAS

SA ILALIM NG
BATAS MILITAR
PANIMULA:

Setyembre 21, 1972


Araw ng pagpapahayag ng
Proklamasyon Blg. 1081 na
nagpapasailalim sa buong
bansa sa Batas Militar.
BATAS MILITAR….ANO ITO?
Gamit ang concept
mapping itala ang mga
bagay na iyong nalalaman
tungkol sa Batas Militar

Batas Militar
LAYUNIN:
� Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa
kasarinlan at pagkabansa ng mga Pilipino sa
ilalim ng Batas Militar;
� Naiisa-isa ang mga pangyayaring nagbigay-daan
sa pagtatakda ng Batas Militar;
� Nakabubuo ng konklusyon ukol sa epekto ng
Batas Militar sa politika, pangkabuhayan at
PANGUNAHING TANONG:

�Paano nakaapekto sa politika,


kabuhayan at pamumuhay ng
mga Pilipino ang
pagkakasailalim ng bansa sa
Batas Militar?
PANIMULA:
Ano ang nais ipahiwatig ng
karikatura?
Setyembre 21, 1972
BATAS MILITAR
Isang marahas na Bilang pinuno ng
hakbang na maaaring
isagawa ng pamahalaan
sandatahang lakas
upang maiwasan ang ay binigyan ng
mga panganib katulad karapatan ng
ng paghihimagsik, Saligang Batas na
rebelyon, paglusob, at magdeklara ng
karahasan.
Batas Militar

Ang kapangyarihang ito Ay nakasaad sa


Artikulo VII, Seksiyon 10, talata 2 ng Saligang
Batas ng 1935.
MGA PANGYAYARING
NAGBIGAY- DAAN SA
PAGTATAKDA NG BATAS
MILITAR
NEW PEOPLE’S ARMY
� Samahang itinatag noong
1969 na binubuo ng mga
magsasakang
nakipaglaban dahil sa
hindi kanais-nais na
gawain ng mga may-ari
ng lupang kanilang
sinasaka.
COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES O CPP
� Samahang itinatag ni Jose Maria
Sison na ang simulain ay mula
sa ideolohiya ni Mao Tse Tung
na pinuno ng komunistang
Tsina.
� Nakikipaglaban sa pamamagitan
ng dahas- ang pag-aaklas na
lamang ang natitirang
solusyon upang makamit ang
hinahangad na pagbabago at
kaunlaran ng bansa.
MORO NATIONAL LIBERATION FRONT
� Itinatag noong Marso 18,
1968 ni Nur Misuari
� Binubuo ng mga Muslim
na nagnanais ng
pamahalaang hiwalay-
Republika ng
BangsaMoro.
ANO ANG 1ST QUARTER STORM?
�Unang tatlong buwan ng taong
1970 na may sunud-sunod na rali,
demontrasyon o mga pagkilos
laban sa pamahalaan sa mga
lungsod ng Maynila, Cebu at
Davao.
Agosto 21, 1971
PAGSUSUSPINDE SA PRIBILEHIYO NG WRIT OF HABEAS CORPUS

� Proklamasyon Blg. 889-pagsususpindi o


pumipigil sa karapatan o pribilehiyo sa writ of
habeas corpus.
Ang writ of habeas corpus
ang nagbibigay ng
karapatan sa
mamamayang sumailalim
sa tamang proseso ng
paglilitis.

Ito ay pribilehiyong
nangangalaga sa mga
mamamayan upang hindi
MGA PANGYAYARING NAGBIGAY-DAAN SA PAGTATAKDA NG BATAS MILITAR

� Pagkakaroon ng espesyal na kapangyarihan ang


pangulo
1. Kautusang Pampanguluhan
2. Kautusang Pangkalahatan
3. Liham-Pagpapatupad
*lahat ng batas na ito ay pinairal sa lahat ng sibilyang
sangay.
MGA IPINATUPAD NA ALITUNTUNIN:
� Pag-iral ng curfew hour
� Pagbawal ng mga rali, demontrasyon at welga
� Pagkontrol ng pamahalaan sa mga pahayagan, radyo at
telebisyon
� Pagsususpindi ng pangingibang-bansa ng mga Pilipino
� Paggawad ng parusang kamatayan sa sinumang
mahuhuling magdadala ng armas nang walang pahintulot.
PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN
� Bumuo o gumuhit ng isang editorial cartoon na
nagpapakita ng buhay, damdamin, at reaksiyon ng mga
Pilipino noon hinggil sa pagpapairal ng Batas Militar
sa bansa. Gawin ito sa isang oslo paper at gawing
gabay ang pamantayan sa ibaba.
1. Naipakita sa editorial cartoon ang buhay, damdamin at
reaksiyon ng mga Pilipino noon hinggil sa pagpapairal
ng Batas Militar sa bansa.
2. Makatotohanan ang editorial cartoon na nabuo.
3. Malinis at maayos ang kabuoan ng editorial cartoon.

You might also like