You are on page 1of 2

*HUSTISYA.

Nasaan ang hustisya?

Nasaan ang hustisya para sa mga taong pinagbibintangan lamang? Nasaan ang hustisya para sa
mga taong walang ibang ginusto kundi mapabuti ang taong minamahal nito? Nasaan ang
hustisya para sa mga taong tinakbuhan ng tunay na suspek? Nasaan ang hustisya para sa mga
taong kailanman ay hindi nakamtan ito?

Sapat bang husgahan ang isang taong inakusahan ng isang krimen?

Ebidensya dito. Ebidensya doon. Samu't saring ebidensya ang inilatag sa korte suprema ngunit
sa kabila ng mga nakalatag na ebidensya, katotohanan nga ba ang nakatala dito o isang
kasinungalingan lamang? Sino ang nakaka-alam ng tunay na pangyayari. Sino ang dapat sisihin
sa krimeng naganap?

Ipinukpok ng husgado ang kanyang martilyo ng panghuhusga at sinabing "GUILTY!".

Hinusgahan. Nawalan ng dignidad. Ngunit paano kung sa likod ng krimen na ito ay nakatago ang
tunay na dahilan na ginawa lamang nya ang krimen na iyon upang mapabuti ang kalagayan ng
kanyang minamahal? Karapat-dapat nga bang husgahan ang isang taong gumawa ng kamalian
upang maisalba ang natatanging pag-asa sa buhay?

Sabi nga sa napanood kong movie na Kung Fu Panda 3," Sometimes we're doing the wrong
things for the right reason"

Isang witness ang nagpatotoo sa krimen. Umiiyak. Nagagalit. Natatakot. Ngunit sa kapani-
paniwalang mukha at emosyon na ito, tunay na nga ba ang kanyang inilalathala? Isang magaling
na aktres nga lang ba ang witness? Totoo ba ang mga emosyon nya o isa lamang itong kapani-
paniwalang eksena upang mahusgahan ang hinuhusgahang kriminal ng mundo?

Sino ang dapat sisihin? Sino ang tunay na may sala?

Sapat ba ang ebidensya? At kung sapat man,

Isang tanong ang aking iiwan sa mga taong hindi dawit sa krimen,

Anong karapatan mong husgahan ang isang taong inaakusahan na kriminal kung hindi mo
naman nakita ang tunay na pangyayari?

Nasaan ang hustisya?

At kung makatakas man ang tunay na may sala, sa kabilang buhay ay pagbabayaran nya
ang kasalanang hindi nya pinanagutan.

You might also like