You are on page 1of 1

DESISYON

Madalas kong marinig sa radyo ang mga katagang, "Life is not a series of chances, it's a series
of choices.” Kung hindi ako nagkakamali ito ay istasyon ng 702 DZAS.

Sa bawat araw na nabubuhay tayo ay iba'ti bang desisyon ang ating nagagawa sa buhay.
Madalas tayong makagawa ng mali at sisisihin ang ating sarili. Minsan naman'y akala natin na
tama ang ating desisyon ngunit nakakatapak naman pala tayo ng iba. Minsan ay gumagawa
tayo ng desisyon hindi para sa atin kundi para sa ibang tao.

Ngunit sa bawat desisyon natin, handa nga ba tayong harapin kung ano kahihinatnan nito? Sa
bawat desisyon natin iniisip ba natin kung ano at sino ang maapektuhan nito? Sa bawat
desisyon natin, handa ba natin itong panindigan?

Desisyon ma'y may kaakibat na epekto, mabuti man o masama ay wag nating hayaan ang sarili
natin na madapa, at kung madapa man tayo ay bumangon tayo. Hindi sapat ang pagkakamaling
nagawa mo para isadlak mo ang sarili mo sa kalupaan. Hindi sapat ang pagkakamaling nagawa
mo para sabihin ng iba na isa kang masamang tao dahil hindi nila alam ang istorya sa likod ng
desisyong nagawa mo.

Kung husgahan ka man nila sa desisyong nagawa mo, takpan mo ang iyong mga tenga. Wag mo
silang intindihan. Tandaan mo, ang tunay na nagmamahal sayo ay tutulungan ka at bibigyan ng
pag-asang makapagsimulang muli. ‘Wag mong pakinggan ang mga taong ang alam lang ay
manira upang pabagsakin ka.

Nakita man nila ang nagawa mong kamalian ngunit alam ng Diyos ang katotohanan kung
bakit mo nagawa ang bagay na yon.

You might also like