You are on page 1of 2

GISING KABATAAN

Hindi pa rin sya nagigising. Mahimbing pa rin ang kanyang pagkakatulog. Kailan kaya nya
imumulat ang kanyang mga mata upang makita ang reyalidad?

Lumiko ng landas. Niyakap ang modernisasyon. Tinahak ang makamundong pagbabago.


Tinalikuran ang magandang kinabukasan.

Nasaan na nga ba ang mga kabataang sinasabi ni Dr. Jose Rizal na pag-asa ng bayan?

Nasaan sila? Nasaan...

Imbis na mag-aral ay hawak ang selpown at nagso-social media. Imbis na pahalagahan ang oras
ay nakakatutok sa kompyuter at naglalaro ng online games. Imbis na mag-ipon ay ipinambili ng
sigarilyo at alak.

Nakalulungkot isipin na may mga kabataang nagcu-cutting classes at gumagala lamang imbis na
mag-aral. Hindi kaya nila naisip ang paghihirap ng kanilang mga magulang upang
matustusan lamang ang kanilang matrikula? Hindi kaya nila naisip na sa bawat pag-waldas
nila ng pera ay dugo't pawis ang isinakripisyo ng kanilang mga magulang upang mapag-aral sila.

Imbis na lapis ang hawak ay kamay ng iniirog ang hawak. Imbis na mag-aral sa eskwelahan ay
pinag-aralan kung paano gumawa ng sanggol―pinili ang panandaliang sarap kaysa sa
magandang kinabukasan.

Mabuti pa ang langgam ay hindi napapagod sa paghahanap ng pagkain samantalang ang


kabataang binigyan na ng pagkakataong makapag-aral ay tinatalikuran pa.
Kailan kaya nila maririnig ang pagkatok ng realidad? Habang buhay na nga lang ba nilang
tatakpan ang kanilang tenga sa mga bagay na mas importanteng pakinggan kaysa sa mga nais
nila?

Hoy Kabataan! Gumising ka na! Imulat mo ang iyong mga mata. Wag mong hayaan na lamunin
ka ng makamundong gawain.

Nasasayang ang oras. Nasasayang ang pagkakataon.

Gising Kabataan!

You might also like