You are on page 1of 2

CLASSROOM

Bilang isang studyante, classroom na ang pinakamasayang lugar na ating mapupuntahan sa


loob ng eskwelahan.

Nariyan ang mga klasmeyt mong dinaig pa ang speaker ng radyo nyo sa sobrang lakas ng boses.
Yung klasmeyt mong napakagaling mang-asar. Yung klasmeyt mong pa-bida na laging gusto ng
atensyon. Isama mo na rin ang klasmeyt mong palagi na lang may ipinaglalaban at walang tigil
sa pag-hugot.

Sa loob ng ating classroom ay paniguradong hindi mawawala ang kopyahan dyan;


pagpapasahan ng papel, senyas ng kamay o di kaya nama'y ibubulong na lamang ang sagot para
madali. Mayroon din yung moment na magbabatuhan kayo ng papel, maghihingian ng pagkain,
magsasayaw na akala mo may party sa school, may kakanta na feeling maganda yung boses,
may mga magkno-knock knock pero laging waley.

At mas nakakapang-asar pa ay yung isusukbit mo na ang bag pero naramdaman mong mabigat
at nang buksan mo ay may nakalagay na kung ano-ano―may bato, may shell, o di kaya nama'y
ilalagay din sa bag mo ang bag ng isa mo pang klameyt. Nakaka-asar pero sa loob mo'y
matatawa ka na lang sa kalokohan na meron ang sekyon nyo.

Sa classroom hindi din mawawala yung mga taong gupit dito, gupit doon, tapon dito, tapon
doon na parang hindi na naaawa sa cleaners. Pero pag-sila naman ang cleaners napakagaling
mang-bawal. Meron pa yung moment na sasabihin ng teacher na pulutin ang basura, pero ikaw
ang itinuturo nila. Mga walangya talaga. haha

Wala na ngang mas sasayang pang lugar bilang estudyante kundi ang classroom nyo. May mga
mag-ayaw man pero nagkakabati naman. May mga love team pa ngang nabubuo. O di kaya
nama'y walang hanggang kalokohan at kasiyahan kapag nasa loob ka ng classroom.

You might also like