You are on page 1of 2

Impormasyon para sa mga Kalahok

Mgandang umaga/hapon Mrs/Ms.____________


Ako po ay estudyante ng University College Copenhagen (UCC) sa Denmark. Ako po ay
mananaliksik tungkol sa pagpapasuso at ito ay nagangailangan ng pagkuha ng impormasyon sa mga
babaeng nanganak mula noong Mayo 1, 2019 hanggang Mayo 1, 2020. Ikaw po ay maaaring sumali
kung inyong pahihintulutan. Ang layon ng pagsasaliksik na ito ay ang pagkuha ng impormasyon
tungkol sa bilang ng mga inang nag papasuso ng ekslusibo dito sa barangay Kapingkong at kung anu-
ano ang mga kadahilanan ng paggawa o hindi paggawa nito. Isang maikling surbey ang gaganapin
upang makuha ang iyong impormasyon gaya ng: edad, pangkabuhayang katayuan, edukasyon,
hanapbuhay, ang edad at kasarian ng iyong anak at ang pinakamahalaga, ay ang mga nakagawiang
pamamaraan ng pagpapasuso. Ang surbey ay tinatayang gaganapin sa loob ng 30 minutos hanggang
isang oras.
Ang layunin ng pagsasaliksik na ito ay ang pagtukoy sa mga bagay na tumutulong o nagiging balakid
sa pag papasuso ng ekslusibo. Hindi ito para pintasan ang iyong pamamaraan ng pagpapasuso kaya
hindi dapat makaramdam ng pressure para sumagot o huwag mahiya kung hindi mo ahlam ang sagot.
Maging malaya sa pagsagot ng mga tanong kung kelan mo gusto. Bukod sa oras at pagkaabala,
walang ibang risiko ang matatamo sa pagsali sa pananaliksik na ito.
Ang lahat ng impormasyong makukuha ay mananatiling lihim at mapagkakatiwalaang ang iyong mga
sagot at pangalan ay hindi maisisiwalat. Hindi po kayo obligado na sagutin ang mga tanong na ayaw
niyong sagutin at maaaring huminto sa paglahok sa kahit anong panahon. Maaari niyo po akong
tawagan sa numerong nakasulat sa ibaba kung gusto niyo pong malaman ang iba pang mga detalye
ukol sa pagsasaliksik na ito. Marami pong salamat.

Tagapagsaliksik: Noemi Jan Elopre Idowu


Estudyante, UCC
+639089043381
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pahayag ng Pahintulot

Dahil sa nabigyan ako ng impormasyon tungkol sa pagsasaliksik na ito, at ang mga risiko na kasali
dito, ako ay boluntaryo at malaya na nagpapahayag ng aking pagsali bilang isang kalahok sa surbey at
sa anu mang oras ay maaari akong huminto sa kalagitnaan ng panayam na walang anumang parusa.

Bilang saksi, ang aking lagda ay nagpapatunay nito ngayong araw ng_______ sa buwan
ng______________ at sa taong 2020 sa Kapingkong, Lambayong Sultan Kudarat.

Pangalan Lagda
________________________________ _______________________________

Nilagdaan sa harap ni:

____________________________________
Lagda sa itaas ng buong pangalan

You might also like