You are on page 1of 1

SCENE 2: PAGPAPAHALAGA SA DIGNIDAD AT HUSTISYA

Balita:

JP: Sa silid-aralan ng baitang pito ay may naging eksena ng pambubulalas Noong naiwan ni Ms.
Reyes ang kanyang mga mag aaral upang dumalo ng pagpupulong ay nasaksihan sa Cctv camera ang
naganap na pambubully ni Jarvis kay Lyka. Hindi lingid sa kaalaman ng kanilang mga kamag aaral na
laging niloloko ni Jarvis si Lyka at akala lamang nila ay nagbibiruan lamang ang mga ito. Ngunit noong
ganap na alas dos ng hapon ay hindi na katanggap tanggap ang naging gawi ni Jarvis dahil
pinagsasalitaan na nito ng masasakit na salita si Lyka at hindi na din maganda ang mga biro nito waring
nakakababa na ng pagkatao ang mga sinasabi salita ni Jarvis.

Jarvis:AHAHAHA,napaka panget mo talaga lyka! Panget na wala pang alam sa buhay HAHAHA!

Lyka:Napaka sama talaga ng ugali mo Jarvis di kana nakakatuwa.

JP:Kaya agad itong binigyang pansin ni Ms. Reyes at nakipagtulungan agad sa Guidance Counselor ng
paaralan upang mabigyang aksyon ang nasabing problema. Pinatawag ang mga magulang ng mag aaral
at binigyan ng tatlong araw na community service si Jarvis. Sumailalim naman si Lyka sa programa ng
paaralan na kumakalinga sa mga mag aaral na nakakaranas ng pambubully upang ang pangyayare iyon
ay hindi makaapekto ng malaki kay Lyka. Mahigpit naman na tinuro sa mga mag aaral na hindi dapat
konsintihin ang ganitong problem at kapag may nasaksihan na ganito ay agad ireport sa guro huwag
matatakot na ipagtapat ang buong pangyayare.

JP: Magkaroon tayo ng malasakit, pakialam at respeto sa isat isa. Upang ang pangbubully ay
mawakasan na

Muli ako po si James Patrick P. Mercado nag uulat.

You might also like