You are on page 1of 2

ESP REPORT SCRIPT

Luisa: Eh kasi Sir Raffy yang si Ryan, ninakawan ako ng pera kagabi, ito oh, ito yung CCTV
proof ko */ipakita video kunwari. Kitang kita na kinuha niya yung perang nasa lamesa lang
kagabi!

Ryan: Alam kong etong si Luisa eh may kaya sa buhay. Kinuha ko yung pera para mapakain
yung mga bata sa daan, mga walang makain, kumakalam ang sikmura. Nagkamali ba ako dun
e alam ko namang mas kailangan ng iba yung pera niya?

Jc: Awat na po, ma’am and sir. Naiintindihan ko po yung mga sides niyo. Si Ma’am Luisa
nagagalit dahil ninakawan ng pera, habang ito namang si Sir Ryan eh ginamit yung perang
ninakaw para makatulong. Pero, sir Ryan, alam niyo po bang magkaiba ang layunin at paraan?

Ryan: paanong magkaiba, kung gusto ko lang naman makatulong sa iba? May kaya yan, ayaw
lang tumulong, ako na gumawa.

Jc: sir, mayroon tayong mga batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi..

START OF THE REPORT


Jaycee: Kilos ay suriin, mabuti lagi ang piliin. Nangangailangan ito ng kilos-loob upang maakit
sa mabuti at lumayo sa masama.
Leslie: Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan. Ang kinalalabasan ng ating
kilos ay batay sa ating pagpapasya. Ang isip ang humuhusga at nag-uutos, habang ang kilos-
loob ang tumutungo sa layunin o intensiyon ng isip.
Paulo: ang panloob na kilos ay nagmumula sa isip at kilos-loob, habang ang panlabas na kilos
ay ang pamamaraan na ginagamit upang isakatuparan ang panloob na kilos. Tulad ng nangyari
kay Ryan Justo. Siya ay matulungin sa mahihirap, subalit ninanakaw niya ang pera ng
mayayaman upang makabili ng mga pangangailangan ng mga kapos sa buhay. Tama ang
kanyang panloob na kilos subalit mali ang kanyang panlabas na kilos.

Jc: Batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi. Una, layunin. Ito ay ang panloob
na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob at sa taong gumagawa ng kilos (doer). Personal
itong gawaing hindi nalalaman ng ibang tao.
Jaycee: Ikalawa, paraan. Ito ay panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit
ang layunin. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may nararapat na obheto ang kilos. Halimbawa,
kung nais mong tumulong sa mahihirap, nararapat kang magpunyagi at magsumikap upang
makamit ang iyong layunin sa mabuting paraan. Subalit, kung ikaw ay magnanakaw upang
makatulong sa kanila, tama man ang iyong layunin, subalit mali ang iyong paraan.

Paulo: kami po ay mayroong ipapapanood na video clip at kayo ang susuri kung ano ang
ipinapakita nito.
Play video nangongopya
Paulo: ano ang inyong napansin sa video? Mika Rivera !!!
Paulo: Tingin mob a, tama ang kanyang ginawa? Ano kaya ang maaaring maging epekto
nito?... mahusay!
Ang layunin ng pangongopya ay ang makasagot sa pagsusulit, subalit nararapat na obheto nito
ay ang pagsulat ng nalalaman mo, hindi nalalaman ng iba.
Luisa: Ikatlong batayan, sirkumstansiya. . Ito ay ang kondisyon o kalagayan ng kilos na
nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng kilos. Ito ang iba’t ibang
sirkumstansiya.

Ryan:
Sino. Ito ay tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos at sa taong maaaring maapektuhan
nito. Halimbawa, si Arnold ay nangongopya sa pagsusulit, habang siya naman ay pinakokopya
ni Samantha. Sila ay bahagi ng sirkumstansiyang nakapaloob sa “Sino”.

Jc: Ano. Ito ay tumutukoy sa mismong kilos, gaano man ito kalaki o kabigat. Ang pangognopya
ni Arnold, maaaring sa kadahilanang hindi siya nakapag-aral kagabi dahil siya ay naglaro ng
Mobile Legends, ay sia ring sirkumstansiya.

Jaycee:
Saan. Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan ginagawa ang kilos. Ginagawa nila Arnold ang
pangongopya sa paaralan.

Leslie:
Paano. Ito ay tumutukoy sa kung paano isinagawa ang kilos. Halimbawa, tinignan ni Arnold ang
papel ni Samantha, habang kusa naman itong inilapit ni Samantha sa kaniya upang lalo niya
itong maaninag.

Luisa:
Kailan. Ito ay tumutukoy sa kung kailan ginawa ang kilos. Maaaring ginawa ni Arnold ang
pangongopya sa panahong alam niyang babagsak siya sa asignatura kung hindi siya
makakukuha ng mataas na grado sa pagsusulit, subalit hindi pa rin niya pinagbuti ang pag-
aaral.

Jc: At ang ika-apat, ang kahihinatnan. Ito ay ang epekto ng mga gawain ng taong may dahilan,
batayan, at kaakibat na pananagutan.

Paulo: Alam natin na ang bawat kilos ay mayroong epekto, mabuti man o masama kaya dapat
nating pag-isipan nang mabuti ang ating bawat galaw.

All: Is it true? Is it right? Is it necessary? Ang mabuting kilos ay nararapat na maging mabuti rin
sa motibo at sirkumstansya. Maraming salamat po sa inyong pakikinig.

You might also like