You are on page 1of 2

GROUP 8

Members: 10- Reverence


Lopez, Mark Jefferson
Yocogan, Lubang Eugene
Aviles, Allyssa Joyce
Bugnosen, Jemimah
Macaraeg, Zhyrina

I. Pamagat, Direktor, Genre


Pay it Forward by Mimi Leder, Drama

II. Buod
Si Trevor Mckinney ay isang estudyante sa ikapitong baitang sa kanilang paaralan. Nakatira siya sa Las
Vegas kasama ang kanyang ina na si Arlene. Unang pasukan sa kanilang paaralan ay binigyan sila ni Eugene
Simonet, kanilang guro sa social studies, ng proyekto na kung saan sila ay mag iisip ng ideya sa kung paano nila
babaguhin ang mundo at dapat nilang isagawa ito. Naisip ni Trevor and “pay it forward”, kung saan ay gagawa
ka ng pabor sa tatlong tao at hindi nila ibabalik saiyo ang tulong bagkus ay tutulong din sila sa ibang tao bilang
kapalit. Una niyang tinulungan si Jerry na isang pulubi at drug addict. Kanyang binigyan ito ng masisilungan,
pagkain, at tyansa para baguhin ang buhay ngunit hindi din ito nagtagal kaya’t bigo ang una niyang subok. Ang
sunod niyang tinulungan ay ang kanyang guro. Nais niyang magkaroon ng koneksiyon and guro at ang kanyang
nanay dahil sa tingin niya ay ang isa’t isa ang makakatulong sa kanya kanya nilang problema. Kinalaunan,
nakita niyang hindi din nagtagumpay ang kaniyang ninanais na mangyari dahil sa pagdating ng kanyang tunay
na ama. Ang mga pangyayaring ginawa ni Trevor ay nakaabot sa ibang tao kabilang na ang reporter na si Chris
Chandler na gustong alamin kung sino at paano ito nagsimula. Hanggang sa nakita na ni Chris si Trevor at
nagsimulang interviehin ang bata. Sa mga oras na yon ay ang kanyang guro at ina na inakala niyang hindi niya
natulungan ay nagkabalikan. Sa kasamaang palad ay hindi ito nasaksihan ni Trevor dahil sakanyang pagtangka
na pagtulong sa kaibigan na si Adam ay nasawi ang kanyang buhay. Ngunit nawala man si Trevor na nagsimula
ng pay it forward, ay hindi ito natigil at lalong nagpatuloy.

III. Paksa
Tungkol ito sa isang bata na nagbigay ng ideya sa kung pano maipalaganap ang pagtulong sa ibang tao.

IV. Bisa
a. Bisa sa isip: Kami ay napakwestiyon sa aming kakayahan kung ang aksyon ba na ginawa ng bida sa kwento
ay kaya din naming gawin sa sarili naming paraan.
b. Bisa sa damdamin: Labis kaming namangha at nasiyahan panuorin ang mga hakbang at pinagdaanan ni
Trevor. Ngunit nung napanood namin ang nangyari sa dulo, kami ay nalungkot at nanghinayang dahil hindi man
lang nasaksihan ni Trevor ang resulta ng kanyang ginawa.
c. Bisa sa kaasalan: Sa panunuod ng palabas na ito, nagsilbi itong gabay saamin na pag kami ay naging
magulang na ay dapat naming isipin ang bawat desisyon na aming gagawin lalo na’t kung ito ay makakaapekto
sa aming magiging anak.

V. Mensahe
Walang sukat ang pagtulong na baguhin ang mundo dahil mayroong posibilidad na ito ang isa sa magiging
simula ng malaking bagay. At ating piliin na maging mabuti at tumulong sa nangangailangan kung kaya natin
tumulong para magsilbing tao na tutularan ng lahat.

VI. Teoryang Ginamit


Ang teoryang ginamit ay realismo dahil ipinapakita sa palabas ang mga bagay na nangyayari sa tunay na
buhay ng ibang tao. Halimbawa na lamang ang mga suliranin ng pagkakaroon ng abusive na asawa, kahirapan,
at ang mental health problem ni Arlene na nagresulta ng pagkakaroon ng addiction sa alak. May mga aral at
tulong din na naipalabas na maaaring i-apply at isabuhay ng mga manonood.

You might also like