You are on page 1of 14

Ulat ng

Pangkat 5
5
 Ang pamilya ang una at hindi
mapapalitang paaralan para sa
panlipunanang buhay (the first
and irreplaceable school of social
life).
Ang pamilya ang
pinakaepektibong paraan
upang gawing makatao at
mapagmahal ang lipunan. May
orihinal na kontribusyon ito
sa pagtatayo ng mundo, sa
pamamagitan ng pangangalaga
at pagtuturo ng mga
pagpapahalaga.
Dito umuusbong ang
mga palipunang
pagpapahalaga na
makakatulong sa pag-
unlad ng lipunan.
Una rito ang ugnayan
(communion) at pakikibahagi
ng dapat umiiral sa araw-
araw sa buhay-pamilya.
Nagagabayan ng batas ng
malayang pagbibigay (law of
free giving) ang ugnayan sa
pagitan ng mga miyembro
nito.
Tatalikuran ng mundo ang
isang tao dahil sa kanilang
pagkakasala ngunit
mananatiling nakaalalay at
naniniwala sa kanya ang
kaning pamilya – mananatili sa
kaniyang tabi upang gabayan
siyang baguhin ang kanyang
buhay.
Ang ganitong ugnayan na
umiiral sa pamilya ang una
at hindi mapapalitang
paaralan para sa panlipunang
buhay, ang halimbawa at
ugat ng mga ugnayan sa
lipunan.
Ang pakikitungo ng lalaki
sa kanyang may bahay, ang
pag-aasikaso ng babae sa
kaniyang asawa, at ang
pagtrato ng ama o ng ina
sa kaniyang mga anak ay
pinag-uugatan ng iba’t
ibang pagpapahalagang
panlipunan.
Kapag maayos ang samahan ng
pamilya sa loob ng tahanan ng
tahanan, mas magiging madali
para sa isang anak na makitungo
sa kaniyang kapuwa, hindi siya
mababalot ng takot o kawalang
tiwala, bagkus laging mananaig
ang pagmamahal na naitanim sa
loob ng tahanan.
Magandang halimbawa
rito ay ang dating
kalihim ng Kagawaran ng
Interyo at Pamahalaang
Lokal na si Kalihim
Jesse Robredo.
Winika niya sa isang panayam na:
“Sa aking mga magulang ay natutunan
ko ang pagmamalasakit sa kapuwa, ang
pagiging matipid, at ang pamumuhay
nang simple. Sa aking ama, natutunan
ko na ang pangangalaga sa integridad
ng aking pagkatao at ang karangalan
ng pamilya ang pinakamahalaga sa
lahat.”

-Dating Kalihim Jesse Robredo


Ang mga pagpapahalagang
panlipunan na natutunan sa
tahanan ay gagamitin ng bata
sa pakikitungo sa kaniyang
kapuwa. Kung ganon, magiging
madali para sa kaniyang hanapin
ang kaniyang kaganapan sa
pamamagitan ng pakikipag-
ugnayan sa iba.
Makakamit ang
kaganapan ng pagkatao
kung kapuwa
maituturing ng mga tao
ang isa’t isa bilang tao.
S.T.E 8- Aristotle
Members:
Sarah Shane Ochenta
Mary Jane Cabiles
Gheena Jane Obarra
Niel Mathew Basa
Krizzia Marie Ventura

“THANK YOU”

You might also like