You are on page 1of 2

Rizal National Science High School

Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Quarter 2_ Aralin 1: Ang Pakikipagkapwa


Oktubre 31, 2023

Panimula

Kaya mo bang mabuhay nang mag-isa lamang sa mundo? Posible


kaya ito?
Ang tao ay may pangangailangang makipag-ugnayan sa iba.
Hinahanap-hanap niya ang pagkakaroon ng makakasama at ang
mapabilang sa isang pangkat.
Ngunit maaaring hindi lahat ng iyong karanasan sa paghahanap ng
taong makakasundo ay madali o maganda. Nakasalalay sa iyo ang lawak
at lalim ng iyong pakikipag-ugnayan sa iba. Kaya naman, mahalaga ang
pag-unawa mo sa mga konsepto tungkol sa pakikipagkapwa.

Sinu-sino ang itinuturing mong kapwa?

Gawin ang sumusunod na gawain.

Gawain: Ipinakikilala ko sina…

Panuto:

1. Marami kang taong nakakasalamuha sa iyong buhay. Isulat mo ang


pangalan ng mga taong ito na itinuturing mong kapwa.
2. Pagkatapos ay sagutin ang ibinigay na mga tanong.
3. Gawin sa iyong kuwaderno.
4. Narito ang halimbawa:

Ipinakikilala ko sina…

Pangalan Siya ay aking: Natulungan ko Tinulungan


siya sa: niya ako sa:
1. Nanay Lolit Nanay Gawaing-bahay Pagiging masinop at
matipid
2. Tatay Darwin Tatay Paghahalaman Paggawa ng
proyekto sa TLE
3. Kuya Kim Kuya Pag-aayos ng Pagsasaliksik para
bisikleta sa aking proyekto
4. Jaymes Kaibigan/kaklase Pagsasanay sa pag- Pagkakaroon ng
awit tiwala sa sarili
5. Maxine Kaklase Science Pangangampanya
sa SSLG

Ikaw naman…Ipinakikilala ko sina:

Pangalan Siya ay aking: Natulungan ko Tinulungan


siya sa: niya ako sa:
1.

2.

3.

4.

5.

*Note: Maaaring higit sa 5 ang itatala

Sagutin ang mga tanong:

1. Gaano kahalaga sa iyo ang mga taong itinuturing mong kapwa at ano ang
bahaging ginagampanan nila sa iyong buhay?

2. Sang-ayon ka ba sa pahayag na “No man is an island?” Ipaliwanag.

3. Ano ang iyong nararamdaman kapag tinutulungan ka ng iba? Ano naman


ang iyong nararamdaman kapag nakatutulong ka sa iba?

4. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili kaugnay ng gawaing ito?

You might also like