You are on page 1of 13

Mga Pagpapahalaga

ØPagpapahalagang Pangkasiyahan (Pleasure Values)

ØPagpapahalaga Upang Mabuhay (Vital Values)

ØPagpapahalagang Espirituwal (Spiritual Values)

ØPagpapahalagang Pangkabanalan (Holy Values) - ginamit namin

Characters:
- (AARON) Masipag at matalinong ama, malulugi ang kaniyang
negosyo
- (ANGEL) Maalagang ina, magkakaroon ng sakit
- (JARVIS) Tahimik at mabait na kapatid (bunso)
- (ALTHEA) Pasaway at mabarkadang anak (panganay)
- Magkakapatid :
(JAEDE) Maarteng kapatid
(GWEN) Palaaway na kapatid
(JP) Mabait na kapatid
(MAIAH) Masipag na kapatid
- (HERSHLEY) Maligalig na kapitbahay
- (NICOLE) NARRATOR
- (MARLI Tita na mayaman
- (IAN) Tito na mahilig tumambay
- (GIA) Pinsan na Relihiyoso

NICOLE: Isang araw sa isang nayon, may pamilyang kilalang


mayaman at tanyag sa kanilang bayan, ito ay ang pamilyang “Higit.”
Ang pamilyang “Higit” ay may apat na anak na babae at dalawang
anak na lalaki. Ang ama ng tahanan ay nagngangalang Mr. Aaron
Higit, isang matalino masipag na ama at haligi ng tahanan. Ang ilaw
ng tahanan naman ay si Mrs. Angelica Higit, isang maalaga at
simpleng ina ng tahanan.

Narrator: May anak sila na nagngangalang Althea, bilang


panganay, at Jarvis, ang bunso ng pamilya, at quadruplets na sina
Jaede, Hannah, JP at Maiah. May iba’t-ibang ugali ang mga
magkakapatid na pinagmulan ng away.

(ALTHEA): Alas-singko na, Jarvis tatakas ako mamayang gabi,


papunta ako sa barkada ko gusto mo bang sumama? Mag-iinom
kami. *paalis*

(JARVIS): Ayoko ate, mag-aaral pa ako. Nag-aral ka na ba?


Natapos mo na ba ang mga takdang-aralin mo? Tsaka masama po
ang ginagawa mo. *nakaupong nag-aaral*

(ALTHEA): Pwede ba, wag mo ’kong pakialaman. Subukan mo


kong isumbong at ‘di mo na makikita ang mga koleksyon mo ng
libro para wala ka nang mabasa. Teka, ‘di ba may ipon kang pera?
Akin na muna ipon mo, pahingi ako!

(JARVIS): Pero ipon ko ‘yon Ate Althea, pambili ko ‘yon ng libro!

(ALTHEA): Pag-sinabi kong akin na ‘yan pera mo, akin na, akin na
yan! Humingi ka nalang ulit kay Inay at wag na wag mo akong
isusumbong ha!

Narrator: Sa kabilang kwarto naman, nagtatalo ang quadruplets


dahil sa isang laro ng UNO na naging sigawan

😭
(GWEN) : Madaya! Dapat ako ang nanalo sa larong ito, 'Yang si
Jaede, napaka-daya! *bitter*
(JAEDE): Ako, madaya? Hindi! Hindi mo lang matanggap na mas
magaling ako sayo!

(JP): Araw-araw na lang kayo nag-aaway! Hindi ba pwede kahit


isang araw lang ay kayo'y hindi mag-away?

(MAIAH): Tama nga naman si JP! Kayo'y wag diyan mag-away,


laro lang naman iyan. Kung ganiyan kayo ay siya, huwag na tayo
mag-laro at mag-sagot na lang ng math.

🙄
JAEDE: Aba, hindi ko kasalanan na bulok maglaro si Hannah!
HMPH! *eye roll*

(GWEN) : Excuse me, anong sabi mo?

JAEDE: Narinig mo ako, ang bulok mong maglaro! 😈


(JP): Tumigil nga kayo! Isumbong ko kayo kina Mama at Papa.

(GWEN) : Luh, mga sumbungero at sumbungera kayo! Puro na


tlang kayo sumbong, wala ba kayong magagandang gawain sa
buhay?!

(MAIAH): Hannah Gwyneth Higit! Alam mo ba ang iyong


pinagsasabi? Masama ang iyong ginagawa. Mahilig ka talaga sa
away.

(GWEN) : Oo, alam ko ang aking pinagsasabi. Bunganga ko ito eh.


Ano sa tingin mo, magsasalita ako tapos hindi ko alam sasabihin
ko? Maiah naman, common sense!

Narrator: Sa sobrang inis ni Maiah ay nagdabog ito palabas ng


kwarto nila.
(MAIAH): Mama! Papa! Iyang si Hannah, nakakasakit na siya sa
kanyang mga pinagsasabi. *paiyak na*

(AARON): Hay nako, nag-aaway na naman kayo. Ano ba sinabi


niyang si Hannah? Lahat na lang ng magkakapatid ay nag-aaway.
*tawa*

(MAIAH): Kung ano-ano pong masasamang salita sinabi niya sa


akin!

(ANGEL) : Ganon ba ‘nak? tawagan mo ang iyong mga kapatid.

Bumalik si Maiah sa kwarto ng kanyang mga kapatid

MAIAH: *nagluluha* Tawag kayo ni Mama.

(GWEN) : Sabi na eh magsusumbong na naman ‘yang si pikon kina


Mama. Sumbungera kasi!

JAEDE: Sa’yo lang sila galit, ha!

( JP): Alam mo Jaede, dapat mapag-sabihan rin ikaw!

(MAIAH): Kasama ka din, Jaede. Wag masyado feeling na hindi ka


kasama.

JAEDE: *GASP* Ako!? Kasama? Inosente ako! 🙄


(GWEN): Blehhh 😜
(JP): Sinabi ni Maiah pangalan mo, ibig-sabihin kasama ka!

Narrator: Dahil sa katagalan ng magkakapatid bumababa,


pinuntahan na sila ng kanilang ama.
(AARON):Kayong apat ay magsibabaan, kanina pa kayong
nagsisigawan!

Narrator : Pagka akyat ni Aaron, napasilip siya sa kwarto nina


Jarvis at Althea. At nagulat na lamang siya noong nakita niya na si
Jarvis lamang ang nandito.

(AARON): Nak, nasaan ang ate mo? Umalis na naman?

(JARVIS): Opo, mag-iinom na naman daw sila ng kanyang mga


kaibigan.

AARON: 'Yang si Althea! Lagi na lang luma-layas. Wala ba siyang


maayos na gagawin sa buhay? Bumaba ka na rin, magha-hapunan
na.

(JARVIS): Sige po. *sinarado libro at tumayo*

Narrator : Ang ama at ang magkakapatid ay sabay-sabay na


bumaba maliban sa kanilang nakatatandang kapatid na si Althea
upang mag salo-salo sa hapag kainan.

(ANGEL): Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Apat… Lima. Oh, bakit wala na


naman ang inyong ate?

(JARVIS): Umalis na po ulit si ate. Kasama ang kanyang mga


barkada.

(ANGEL) : Saan nanaman nag-layas ang batang ‘yon!?

AARON: Araw-araw na lang! Kahit ba isang beses kayo'y huwag


mag-away o lumayas ng bahay? Kahit isang araw lang!
Nagmamakaawa na kami ng inyong ina.
(JP): Pa, kain na po muna tayo. Parang hindi naman po maganda
ang sumigaw bago kumain. Mamaya niyo na po kami sermonan.

(HERSHLEY): Iyan na naman sila! Lagi-lagi nag-aaway ang


pamilyang Higit!

Narrator :Araw araw nalang nag aaway ang Pamilyang Higit, dahil
sa kainisan ni Hershley na kapitbahay nila ay kanyang hinarap ito
upang pagsabihan sila.

(HERSHLEY): Tao po! Tao po!

AARON: Ayun, may nag-tatao po. Hannah, buksan mo nga ang


pinto.

(GWEN): K.

Narrator : Padabog na binuksan ni Hannah ang pinto at laking gulat


nito ng makita niya ang kanyang kapitbahay na maligalig.

(GWEN): Oh my gosh! Hello Hershley. ano po at bakit ka nandito sa


aming bahay?

(HERSHLEY): Alam niyo ba? Na araw-araw na lang kayo


nag-aaway at nakakairita na?! Bakit ba kayo ganiyan ha?
Nakakaistorbo na kayo.

AARON: Naku Hershley! Pagpasensyahan mo na mga anak ko.

(HERSHLEY): Alam niyo? Mabuti na lang at mababait ang inyong


mga magulang. Ewan ko nalang kung paano naging ganyan anak
niyo Aaron.
Narrator: Habang nag sisihuntahan ang mag asawa at ang kanilang
kapitbahay ay biglang dumating ang tiyo at tiya ng magkakapatid
kasama na rin ang pinsan nilang si Gia.

(MARLI): Hala! At ano naman ang nangyayari sa household na ito?


Hala, ang lalaki nang mga pamangkin ko! Jaede, Jarvis! Musta na
kayo? Na-miss ko kayo!

(GWEN): May favoritism talaga yang si Tita Marli. Nakalimutan na


naman ang pinakamagaling na Higit.

JAEDE: Ayos lang naman kami tita. Na-miss rin kita.

(JARVIS): Na-miss rin kita, Tita! Pero, kamustahin niyo rin po sina
Maiah at JP.

(IAN): Tama nga naman yang si Jarvis! Aba, at parang wala na


naman yang si Althea. Napaka-layas naman nung babaeng yun!

(ANGEL) : Ay, andyan ka pala, kamusta? Pasok ikaw dito!

GIA: Sige, Tita! Mano po, Tita at Tito.

AARON: Ang bait naman ni Gia!

Narrator :Lahat ng mga anak ay nagmano sa kanilang tita at tito at


nakisama na din para kumain

(JP): Kamusta na po kayo Tita, Tito at Gia?

(MARLI): Ayos lang naman kami. Tara kain na Jaede at Jarvis. Gia,
ikaw mamuno ng pagdarasal. Dalian mo, maghuhuntahan pa kami
nina Jaede. Di ba?
Narrator:Pagkatapos nila kumain ay nagpahinga lamang sila ng
kaunti at naghuntahan. Malipas ang ilang oras ay sila ay nag
si-tulugan na sila. Ngunit, nanatiling gising si Gia dahil siya'y
nagbabasa pa ng Bibliya. Naabutan niyang pumasok si Althea sa
bahay nila.

(GIA): Aba, Althea. Gabi na oh! Tapos, tamo lasing na lasing ka!

(ALTHEA): Ako? Lasing. Nagkakamali ka JP. *tawa*

(GIA): Lasing ka na Althea! Tamo naman, hindi ako si JP!


Sumasaya ka ba sa ganyang bisyo? E kami hindi e!

(ALTHEA): Oo na! Sorry na Mama.

(GIA): Lasing ka na. Matulog ka na, diyan ka na sa salas matulog.

(ALTHEA): Hoy! Jaede! Jaede, huwag mo 'kong iwan dine! Jaede,


andalim oh! Jaede naman!

(ALTHEA): *tumayo*

(GIA): *sigh* Oh, paalis ka na naman?

(ALTHEA): Pake mo naman.

(GIA): Aalis ka ba at magiinom na naman? O, pwede kang umupo


dito kasama ko at magbasa sa Bibliya.

(ALTHEA): Ano? Bibil? Ano? Sinasabi mo jan, Jaede?

(GIA): Althea, ano ba?! Si Gia ako, bibliya. Ok, bibliya.

(ALTHEA): Ah Gia, kamusta ka? Insan?


(GIA): Ayos lang, pero. Basahin mo 'to.

Narrator: Inabot ni Gia ang Bibliya kay Althea upang basahin niya
ito.

(ALTHEA): Ano gagawin ko dito? Babasahin?

(GIA): Malamang, Bibliya 'yan at ang tanging pwede mong gawin


diyan ay basahin.

(ALTHEA): Ah, ganon ga? Sige, babasahin ko na lang bukas kasi


tinatamad ako at di ako makakita ng maayos.

Narrator: Kinabukasan, sinimulan ni Althea basahin ang Bibliya na


ibinigay sa kanya ni Gia.

Narrator: Makalipas ang ilang oras kababasa ng Bibliya, may


nalamang aral si Althea, at ang aral na ito ay ang pagmamahal at
pagiging mabait sa kapwa-pamilya. Hindi lang ito ang kanyang
natutunan, pati ang pagiging matulungin, masipag, ang pagiging
banal at ang pagpapahalaga sa Diyos ay kaniya ring natutunan.

Narrator: Hinanap ni Althea sa bahay nila si Gia upang kausapin


siya tungkol sa kanyang mga natutunan sa Bibliya na ibinigay nito
sa kanya.

(ALTHEA): Gia….

(GIA): Althea? Ayos ka lang ba? Naluluha ka ba?

(ALTHEA): Matapos kong basahin ang Bibliya, natutunan ko na


mahalaga pala ang pagiging maka-Diyos. Nga-ngayon ko lamang
nalaman na ang dami-dami kong nagawang mali, pagpasensyahan
mo na ako. Gia. Nagmamakaawa ako, sorry.
(GIA): Ok. Pero, huwag ka sa akin humingi ng pasensya. Sa iyong
mga kapatid, kayna Jarvis, Maiah, JP, Hannah at Jaede ka humingi
ng tawad. Higit sa lahat, humingi ka ng tawad sa iyong ina.

(ALTHEA): Kay, Mama? Bakit.

Narrator: Hindi sinagot ni Gia ang tanong ni Althea at siya'y lumayo


na lamang. Nagtaka si Althea dahil sa biglaan nitong pag-atras pero
di niya na ito pinansin.

(IAN): Aba, at umuwi rin naman pala yang Si Althea! Akala ko


naman ika'y di na babalik dine.

(ALTHEA): Ah, Tito. Mano po.

Narrator: Nagulat ng kaunti si Tito Ian, dahil hindi niya ito nakikita
gawin ni Althea.

(MARLI): Althea, marunong ka rin naman pala mag-mano. Akala ko


naman wala kang manners. Excuse us, Jaede nak tara na kain.

(ALTHEA): Ah, may natuto po akong aral kay Gia.

(ANGEL) : Aral? *cough*. At, ano naman natuto mo?

Narrator: Sinabi lahat ni Althea ang kanyang natutunan galing kay


Gia. Hindi makapaniwala ang lahat sa kanyang mga sinabi, ang
alam kasi nila na si Althea yung rebelde. Siya rin ay humingi ng
tawad sa kanyang pamilya, payo ni Gia sa kanya.

(ANGEL) : Nak, pagbibigyan ka namin ng Ama mo. Pinaniniwalaan


namin na ikaw ay nag-iba.

(ALTHEA): Ma, salamat talaga.


(GWEN) : I don't forgive you. Masyado kang masama, umiinom ka
araw-araw. Hindi ka mag-iiba, hindi ako naniniwala .

MAIAH: Hannah, bakit ka ba ganyan? Ikaw ba? Hindi ka ba


masama?

(GWEN) : Bakit naman ako magiging masama? Ako nga si Senorita


Perfecta! I feel, I grow flowers sadya I can't be masama.

tumingin ang lahat kay hannah

(GWEN) : Tingin-tingin niyo jan? Jealous much?

(JP): Ah wala-

JAEDE: Bakit naman kami magiging 'Jealous much', kapag ganyan


ka. Like, hello? I forgive you Ate Althea.

(ALTHEA): Salamat, Jaede.

(JP): Pinpatawad rin kita Althea, sa aking palagay ikaw ay


magbabago. Same goes, to the rest.

MAIAH: Same statement as JP!

(GWEN) : Edi, babait na din.

JAEDE:Babait na din, sana.

(JARVIS): Pinahirapan mo 'man ako Althea, ikaw ay aking


papatawarin, dahil I believe in Second Chances.

(ALTHEA): Salamat talaga Jarvis! You deserve better, ituturing na


kitang kapatid na maayos. Ibabalik ko na din yung mga pera mo…
AARON: Althea! Nanguha ka ng pera mula kay Jarvis?!

(ALTHEA): Ah opo, ibabalik ko naman po.

(GIA): Ating pinapatawad ang mga may sala? Di ba?

Narrator: Tumungo ang lahat sa sinabi ni Gia, pinatawad ang mga


may sala.

*PAUSE FOR 5 SECONDS*

Narrator: Makalipas ang ilang araw, napansin ni Hershley the


Kapitbahay na tumahimik ang mga HIGIT. Kaniya itong binista dahil
baka raw kung ano ang nangyari sa kanila, lumayas ba o pinatay…

*PAUSE FOR 3 SECONDS*

Narrator: Kumatok si Hershley at nag-tao po siya.

(HERSHLEY): Tao po? Uhm, Hannah? Aaron, Angel?

Narrator: Walang sumagot sa tawag ni Hershley, hinintay niya ng


may sumagot. Makaka-dalawang minuto na siyang hintay, nung
may nagbukas.

(HERSHLEY): Ayun! May nagbukas rin, akala ko naman may


pumatay sa kanila. Ako pa naman siguro masisisi dine.

MAIAH: At sino naman papatay sa amin?

(HERSHLEY): Maiah! Naku, ang tahimik niyo e. Dapat kayo'y


nagsisigawan na. What's with the change.
(JP): Aming pinapahalagahan ang kabanalan. Pinatawad namin
ang mga may sala, sa amin. Dahil dito, naging sobrang close kami.
Magkakaibigan na rin kami hindi tulad noon.

(ALTHEA): Kase naniniwala kami sa pangalawang pagkakataon.

(HERSHLEY): Ah, talaga ba? Sige-sige… Uwi na 'ko?

(GWEN) : Makikain ka na sa amin, cause why not? Tara na. *insert


tawa*

Narrator: Pumasok si Hershely at sila ay nagkwentuhan at


nagtawanan, napansin ni Hershley ang pagkakaiba ng pamilya.
Ang pamilya ay naging mas mabait, maunawain at relihiyoso. Hindi
na sila palagi nag-aaway, ngunit nadoon padin ang kanilang ugali
kahit na sila'y nagkasundo-sundo at nagmamahalan. Kanila rin
nilang inalagaan ang kanilang ina dahil siya'y nagkasakit.
Ang pamilyang higit ay higit na sobrang saya na ngayon.

Moral of the story : Maniwala sa second chances sadya patawarin


mo na siya.

You might also like