You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III-Central Luzon
Schools Division of Bulacan
District of Marilao South
MARILAO CENTRAL INTEGRATED SCHOOL

QUIZ NO. 2
EPP
Third Grading Period

I. Basahin ang mga pangungusap at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik
ng tamang sagot.
_____ 1. Ano ang kahalgahan ng pagkakaroon ng maayos na tindig at magandang postura?

a. Ngapapakita ito na malusog ang isang tao at magandnag tingnan ang isang taong
mas maganda ang tindig at postura/tikas.
b. Nagbibigay ito ng sustansiya.
c. Naipapakita nito na mahilig kang mag-ehersisyo.
d. Wala sa nabanggit.

_____ 2. Ang mga sumusunod ay nakapagpapanatili ng magandang tindig at postura maliban sa


isa. Ano ito?
a. Pag-eehersisyo araw-araw. b. Maayos na pag-upo at pagtayo.
c. Magandang pananamit. d. Pagtulog ng walong oras araw-araw.

_____ 3. Alin sa mga sumusunod ang nadudulot ng mabuting pag-uugali ng bawat kasapi ng
pamilya?
a. pakikipagkaibigan b. pag-aawayan c. paglilibang d. mabuting pagsasamahan

_____ 4. Alin pag-uugali ang nagpapakita ng magandang pag-uugali ng isang batang katulad mo
bilang miyembro ng pamilya?
a. Paglalaro sa loob ng bahay. b. Pagmamano sa mga magulan
c. Pakikipag-away sa nakababatang kapatid. d. Paglilibang araw-araw.

_____ 5. Ano dapat gawin sa sanggol upang ito ay iyong mapatulog?

a. Ipaghele ang bata sa iyong bago ito ihiga sa higaan.


b. Padedehen muna hanggang sa mabusog.
c. Painumin ng tubig bago patulugin.
d. Wala sa nabanggit.

_____ 6. Ano ang dapat ipaskil sa lantad na ligar upang hindi makalimutan ang pagpapainom ng
gamot sa maysakit?
a. iskedyul b. kelendaryo c. attendance d. salamin

_____ 7. Alin sa mga sumusunod ang hindi nararapat na gawin sa pagtanggap ng hindi kilalang
bisita?
a. Maingat at magalang na itanong ang pangalan.
b. Papasukin kaagad ang bisita sa loob ng bahay.
c. Alukin ng maiinom o makakain ang bisita.
d. Maging maingat sa pagtanggap ng bisitang hindi kilala.
_____ 8. Ang mga sumusnod ay magagandang kaugalian sa pagtanggap ng kamag-anak na
bisita maliban sa isa. Alin ito?

a.Magalang na patuluyin at paupuin sa loob ng bahay.


b. Maaaring alokin ng maiinom o makakain ang bisita.
c. Magtago sa loob ng silid habang nasa sala ang bisita.
d. Magalang na magsimula ng kuwentuhan at kamustahan.

_____ 9. Ano ang nararapat na gawin kung may kaibigan kang bisita sa inyong bahay?

a. Ipakilala sa kasapi ng mag-anak.


b. Patuluyin sa bahay ng walang paalam sa magulang.
c. Hayaang ipakilala ng kaibigan ang sarili.
d. Ihatid hanggang bahayang kaibigan.

_____ 10. Alin sa mga sumusunod ang magandang pag-uugali na dapat mong ipakita sa inyong
Lola/Lolo sa tuwing siya ay nagkukwento?

a. Huwag siyang pakinggan.


b. Iwanaan siya sa kanyang silid.
c. Magkwento ng iba.
d. Pakinggan at magalang na makipagkwentuhan.

II. Lagyan ng tsek ang pangungusap na nagpapakita ng mabuting pag-uugali bilang


kasapi ng mag-anak.

11. Pagmamano sa magulang pag-alis at pagdating sa bahay.


12. Pagkain ng masusustansiyang pagkain.
13. Pagsunod sa mga batas trapiko.
14. Pag-aalaga sa mga nakababatang kapatid.
15. Pagganap ng mga nakaatang na tungkulin sa tahanan.
16. Pagsunod sa mga alituntunin sa tahanan.
17. Pagkikipaglaro sa mga kaibigan sa libreng oras.
18. Pagpaparaya sa isa’t-isa.
19. Pagbibigay halaga sa bawat kasapi ng pamilya.
20. Paliligo araw-araw.

III. Lagyan ng ang bilang kung ang ginagawang pagtulong ay may pag-iingat at
paggalang
at naman kung hindi.
_____ 21. Masayang ginagawa ang tungkulin.
_____ 22. Umaalis sa bahay ng tahimik at walang paalam, kapag inuutusan.
_____ 23. Magiliw na nakikipagtulungan sa mga kapatid kapag naglilinis ng bahay.
_____ 24. May kusang nagpupunas ng mga kagamitan sa bahay sa mga araw na walang pasok.
_____ 25. Malugod na sinasamahan ang nanay sa pamamalengke.
_____ 26. Ipinagpapaalam sa tatay ang mga bagay na nais gawin sa loob ng tahanan.
_____ 27. Magalang na nakikiraan sa mga nag-uusap sa tahanan habang nagwawalis.
_____ 28. Umaawit habang maingat na pinupunasan ang mga sofa sa bahay.
_____ 29. Magiliw na pinapanood ang mga kasapi ng mag-anak habang ginagampanan ang kani-
kanilang tungkulin.
_____ 30. Hindi tinutulungan ang nakababatang kapatid sa ginagawa.

You might also like