You are on page 1of 6

GROUP 2

12-SOCRATES
BEFORE IT’S TOO LATE
SCENE 1
Flashback na pinapakita kung gaanong ka-down si Althea sa buhay at sa relationship nya sa
pamilya at mga kaibigan. Pero kasabay nito ay maaalala din ng dalaga kung paano nya nakilala ang isang
tunay na kaibigan.
FLASHBACK 1
NAKASILIP SI ALTHEA SA DI KALAYUAN HABANG NAKIKINIG SA ISANG USAPAN
Nanay Amalia: Ito nga pala si Andrea, alam nyo ba laging top to sa klase.
Amara: E nasan yung isa mong anak?
Akira: Oo nga! Nasaan yung “not-so-magaling” mong anak?
Nanay: Ah yon ba? Baka nasa galaan na naman yon!
Amara: Ah baka naman kasama na naman yung bestfriend nyang weird.
FLASHBACK 2
SA BAHAY; DADATING SI ALTHEA, NAG AARAL SI ANDREA
Nanay: oh! Late ka na naman umuwi!
Althea: uhm, may ginawa p---
Nanay: Magdadahilan ka na naman dyan, ayaw mong gumaya dyan sa ate mo, napakasipag mag aral,
ikaw uuwi ka lang pag kakain na!
FLASHBACK 3&4
SA SCHOOL: PAPASOK SI ALTHEA SA CLASSROOM NAGMAMADALI DAHIL LATE NA NAMAN
Amara: At tingnan mo nga naman, late na naman, kafirst day first day late na naman!
Akira: oo nga! E nung isang taon, ganyan din yan ah!

TEACHER, DISCUSS DISCUSS DISMISS

NAGMAMADALI SI ALTHEA; MADAMING DALANG GAMIT AT NABUNGGO ANG ISANG DI KILALANG


LALAKI
Boy: Oh ikaw na naman Hahaha. Ako nga pala si Dave.
Althea: a-ah ako si Althea, mauna na ko, akina na yang mga gamit ko.
Dave: e teka-teka, ang dami mong dala ah ginagamit mo ba to lahat? Hahaha
(tititigan lang sya ni Althea)
Dave: eto naman di mabiro, oh eto na libro mo,
(aalis na sana si Althea nang…)
Dave: Wala kasi akong kakilala dito e simula ngayon bestfriend na kita ha!
Althea: o sige na alis na ko
Dave: teka-teka, pumayag ka muna!
Althea: (wala nang magagawa kundi pumayag) oo na nga, sige na mauna na ko.
Dave: (nakatalikod na si Althea) bestfriend na kita ha!
HIHILAHIN NI DAVE SI ALTHEA
Dave: dahil bestfriend na kita, sabay tayong magrecess tapos kwentuhan mo ko ng buhay mo
Althea: ano ba ang kulit mo naman!
Dave: sige na, wag ka na lumabas ng classroom, share na lang tayo sa baon ko
Althea: osige na sige na matigil ka lang sige na!
HABANG KUMAKAIN , MEDYO AWKWARD PA PERO MAPIPILIT DIN NI DAVE NA MAGKENTO SI ALTHEA
********** ********** **********
SCENE 2
Araw ng card giving ng kambal, kasabay nito ang competition ng isa sa knila na si Althea tungkol
sa spoken poetry na madalas nitong salihan dahil syang hilig ng dalaga, ngunit hindi pupunta ang kanyan
pamilya dahil kasabay din nito ang birthday party ng Doktor na malapit sa knilang pamilya.
1. SA BAHAY; UMAGA BAGO PUMASOK ANG KAMBAL; TAHIMIK NA NAG AAYOS NG GAMIT SI
ALTHEA
Andrea: Ah, Pa, Ma, card giving po naming ni Althea mamaya ha, wag nyo po kakalimutan
Tatay Thomas: aba oo namana nak, ikaw pa!
Nanay: at dederetso na din tayo doon sa bday party ni dok, inimbita tayo, wag mo rin kakalimutan anak
at ipakikilala kita sa mga kaibigan ko.
Althea: Wag nyo rin po kalilimutan Ma yong competition ko, mamaya din po iyon pagkakuha nyo po ng
card naming ni ate
Nanay: o sya sya bilisan nyo dyan, at pumasok ka na din, eto baon mo.
2. HAPON: SA SCHOOL; KUMUKUHA NG CARD NI ANDREA
Nanay: ah ma’am, excuse po, kukuhanin po sana naming yung card po ni Andrea Tuazon
Teacher: uhm, Ms. Tuazon nandito ang parents mo.
Teacher: (iabot yung card) eto po, as usual, 1st honor na naman po si Andrea
(habang naglalakad)
Andrea: ah Ma, yung card po ni Althea, di po ba natin kukunin?
Tatay: oo nga, kukunin na ba natin?
Nanay: sa isang araw na, ibibigay din naman yun ng teacher nya. Tingnan mo na lang tong mga marka
mo, kahit kailan talaga di mo kami binigo
Andrea: pero--- yung competition nya po pano? Baka po hinhintay nya tayo
Nanay: nako hindi na at mahuhuli na tayo sa party.
3. PAGKATAPOS NG COMPETITION
Dave: Congrats! Ang galling-galing mo talaga sa ganyan, pero bakit parang---
Althea: aah nakita mo ba sila Mama? Napanood ba nila ako?
Dave: nakita ko sila bago ako pumunta dito, sabi ng papa mo, di ka na daw nila mapapanood kase
mahuhuli na sila sa pupuntahan nyo na bday party, sumunod ka nga lang daw pala.
Althea: aah ganon ba? Pwede mo ba akong samahan don? Baka mapagalitan na naman ako ni Mama.
Dave: Osige, pumunta na rin tayo sa plaza pagkatapos, namimiss ko na pumunta dun e
Althea: ahh sya sige, ayoko din naman magtagal sa party na yon, samahan mo na lang ako magpaalam
tapos iaabot ko na lang yung regalo ko at aalis na din tayo
Dave: o sige ikaw bahala.
4. SA PARTY
Doc: oh andyan na pala kayo tuloy, tuloy!
Nanay: happy birthday mare, ito nga pala ang anak ko, alam mo ba pangarap din maging doctor nyan.
Matataas din ang marka nya sa eskwela.
Doc: talaga? Ipagpatuloy mo lang yan neng at malayo ang mararating mo
Andrea: opo naman po, salamat po.
Doc: oh e nasaan naman pala yung bunso nyong anak?
Tatay: ah nako baka nasa school pa e may sinalihan daw na kung anong comp---
Nanay: Ang sabihin mo naglalamyer---
Andrea: uhm doc, ma, andyan na po si Althea.
Althea: (kasama si Dave, mamano sya sa mama at papa nya)
Nanay: (bubulong) lumammyerda ka naman
Althea: Doc, di na po ako magtatagal, idinaan ko lang po itong regalo ko, happy bday pos a inyo. Ma,
may pupuntahan po ami ni Dave di na po ako magtatagal, mauna na po ako.
MAPAPANSIN NI ALTHEA NA MAGNGINGITIN SI DAVE AT ANDREA TAPOS MAGLU-LOOK AWAY NA SI
ANDREA PERO NAKATINGIN PA RIN SI DAVE SA DALAGA
Althea: huy! Huy dave! Ano na? tara na kanina pa kita tinatawag,
(magsisimula na maglakad) lutang? Nakita mo na naman ate ko, ikaw ah hahaha
Dave: hindi ah, ikaw masyado ka hahaha

SCENE 3
Kakausapin ni Dave si Althea tungkol sa spoken nya at pipigilan nito ang dalaga sa kung anoman
ang binabalak nito. Ngunit, may makikita si Althea na letter… gagabihin sila…
SA FAVORITE PLACE; PARK; MAY DALANG NTBK SI DAVE
NAKAUPO NA SILA
Althea: bakit ba nagyaya ka bigla dito? Gumagabi na oh baka mapagalitan na naman ako ni Mama nyan,
pero--- salamat nga pala anina ah. Nanood ka.
Dave: (malungkot yung boses) oo naman no, deserve manalo kania ang galing galing mo kaya.
Althea: e bakit parang di ka naman masaya?
Dave: bakit---
Althea: bakit ano?
Dave: bakit ganon yung laman ng spoken poetry mo kanina? Ano na naman bang bumabagabag sayo?
SISIGAW YUNG MAGLALAKO NG ICE CANDY, KUKUNIN NI DAVE ANG NTBK NA AT MAY MALALAGLAG NA
LETTER, MABABASA NI ALTHEA,
Althea: (hbang bumibili si dave) PARA KAY ANDREA TUAZON?)
BABALIK NA SI DAVE SA UPUAN MAY ICE CANDY
Dave: Althea naman. Oo sige, naiintindihan ko kung bakit ka nagkakaganyan, pero please Althea, kung
anuman yang iniisip mo para matapos na ng mabilisan yang bigat na pinapasan mo, please Althea, wag
mo nang ituloy. Althea, andito lang ako lagi para sayo, sabihin mo naman saken oh pag di mo kayang
pasanin mag isa, handa akong making, handa akong maging panyo mo. Althea, andito lang si Dave mo
oh.
(MATITIGILAN NA LANG SI ALTHEA)
Althea: dave ko? A-ano sige na, gumagabi na, umuwi ka na
Dave: uuwi na ko pero ipangako mong hindi mo na iisipin pang gawin yon
Althea: o-oo sige na baka hinahanap ka na sa inyo
Dave: alam kong magmuuni muni ka pa at hihintayin mo pa yung paborito monga balot penoy at
malamang e gagawa ka pa ng bagong pyesa, mauna nako, umuwi ka na rin baka mapagalitan na pa
Althea: oo na sige na wag ka na mag alala.
BALOOOOT PENOOOOY BILI NA KAYOOO BALOOOT
Althea: Pabili po ng isa. (Magsasara ang kurtina habang nagbubukas ng itlog)
SCENE 4
Gabi nang makakauwi si Althea galling sa park kaya mapapagalitan na naman sya ng kanyang
mama at masasabihan sya ng masasakit na mga salita, tatatak ito sa isipan nya. Di na mapipigilan pa ni
Althea sa sumagot at ipagtanggol ang sarili kahit alam nitong mali ang ginagawa nya. Mapipilitan itong
lumayag at makipagkita muli sa kaibigan.
SA BAHAY
Althea: (bubuksan ang pinto) Andito na po ak---
Nanay: Gabi na oh! Uwi pa ba yan ng estudyante? Aba e kami nga galling pang party pero nauna pa din
kami umuwi kaysa sayo.
San ka na naman ba naggaling? Kasama mo na naman yung kaibigan mong wirdo? Bagsak na nga mgwa
grades mo may panahon at may lakas ka pa ng loob na gumala. Wala ka talagang kwenta kahit kalian.
Hindi mo man lang ipinagmamakahiya nag pamilyang to! Kelan ka ba mapapakinabangan? Ha? Sinisira
mo ang imahe ng pamilya naten, alam mo ba? Gayahin mo yung ate mo! Matalinona, responsible pa,
hindi---
Althea: ano pa! ano pa po? Si ate na lang parati, si ate na matalino, si ate na responsable, si ate na top
student, si ate na lagging nags-standout, si ate na mabait, si ate na genius! Si ate! Si ate! Puro n lang si
ate! Kelan mo po ba ako makikita Ma? Kelan mo po kaya mapapansin yung halaga ko? Pag wala na po
ako? Ma, anak mo din ako Ma. Sana po ma-appreciate nyo po yung Althea na to hangga’t di pa po huli
ang lahat. (tatalikod, aalis)
Nanay: Ano? Aalis ka? San ka pupunta? Sige umalis ka! Babalik at babalik ka rin nman ‘pag wala ka nang
mapuntahan.
(nang makaalis na si Althea sa bahay, dai dali nitong tatawagan si Dave)
Althea: he-hello dave, alam kong kakauwi o lang, pero kase—pe-pwede mo ba akong samahan… gusto o
lang ng makakausap, malapit na ko sa tagpuan
Dave: o sige, may naiwan din yata ako don, sakto Pbalik din ako talaga, malapit na din ako
Althea: dave, pakibilisan naman oh
Dave: oo naglalakd na ko malapit na ko tanaw na kita
Althea: Dave---
Dave: Thea! Thea!
(makakalapit na)
Dave: thea! Gising thea!!!
****SA OSPITAL
Dave: kamusta po si Thea doc?
Doc: nasaan ba ang pamilya ni Althea?
Davae: e doc, ayaw po ni Thea na ipaalam agad to sa magulang nya e, alam nyo naman po siguro yung
relasyon nya sa pamilya nya, baka sabihin pa po ng mama nya na nagpapapansin lang sya.
Doc: oh sya sige. Sasabihin ko na sayo. Hindi na maganda nag lagay ni thea, kailangan nya na na
matutukan dito sa hospital, pero for the mean time e pauuwiin ko na muna si thea bukas ng umaga para
sya na din mismo ang makapagsabi sa mga magulang nya. Eto nga pala ang results at reseta ng mga
gamot na kelangan nyang ma-take.
SCENE 5
KINAUMAGAHAN PAPASOK SI ALTHEA SA BAHAY dala ang results at maiiwan ito sa salas
NASA KUSINA ANG NANAY DI MAPAPANSIN NA DUMATING NA SI ALTHEA AT DUMERETSO SA KWARTO
IINOM NA SANA NG GAMOT AT KUKUNIN ANG TUBIG SA BAG PERO…

SCENE 6
MARIRIRNIG NI THEA NA NAG UUSAP ANG NANAY AT TATAY NYA
Nanay: Thomas, di ko na alam ang gagawin sa bunsong anak naten.
Tatay: hayaan mo na ang muna, matututo din yon.
Nanay: matututo? E kelan pa? kelan ba yun matututo, kelan ba sya magagaya sa ate nya. Sawang sawa
na ako sa sakit ng ulo na ginagawa saken ng batang yan.
(magdadalawang isip na na inumin ng althea ang mga gamot,)(iinumin na nito lahat lahat)

SCENE 7
Tatay: (makikita ng tatay ang results na naiwan ni thea sa salas) teka ano ba to, kanino ba to, wala pa
naman to kanina nung umalis si andeng ah
Nanay: (kukutuban habang binubuksan ang envelope) dumating na ba si thea? CVB HOSPITAL?
Tatay: oh e diba dyan naka base si mare?
Nanay: e aknino ba to? Althea tuazon! God! althea!
(tatakbo sa kwarto, kakatok)
Nanay: no! althea!!!
Tatay: (kapapasok lang sa kwarto) nak! Althea!
Nanay: althea
Pupulsuhan ng tatay
Tatay: wala na ang anak natin Amalia
(sarado curtain)

SCENE 8
1 WEEK LATER
MAGLILINIS SILA NG KWARTO NI ALTHEA
Andrea: ma, pa, dave
Nanay: bakit anak?
Andrea: ang dami pong trophies ni althea oh
(maghahalwat din si dave)
Dave: ano to? Compilation? Compilation nya ng spoken!
Babasahin yung unang pyesa, maiiyak ang nanay sa tatay
Dave: naaalala ko po yan, yan po yung pinanglaban nya nung competition na nanalo sya pero di nyo po
napanood kase sabi nyo po mahuhuli kayo sa party
Andrea: (may makikita pa) eto pa oh (babasahin ang title)
(babasahin ang spoken na pnagalawang pyesa)
Dave: sana sinabi ko na sa kanya lahat agad, hindi ko alam na ganon na pala ang nararamdaman nya.
Andrea: dapat napansin ko yon, kambal ko sya, dapat napansin ko agad,
Dave: dahil sa paglilihim ko, mas lalo ko pa syang nasaktan, lalo lang bumigat ang nararamaman nya,
Andrea: sana--- sana pala pinagtanggol ko man lang sya kayna mama, sana pala hindi ako nanahimik,
sana naramdaman ko agad na ganon na pala ang pinagdadaanan nya. Sana---
Nanay: hindi, kasalanan ko ang lahat, kung sana ay nakita ko agad ang pagpupursige nya at hindi lang
yung mga kamalian nya. San nakita ko na nagpupumilit sya na maging kasing galling ng ate nya. Sana
nalaman ko agad na kaya sya ginagabi e dahil may mahalaga syang tinatapos. Sana nakita ko yon lahat…
Andrea: Wala na sya. Huli na ang lahat.
**THE END**

You might also like