You are on page 1of 2

(Tagpuan: Bahay ng magkakapatid.

)
Makoy: Kuya! Gising na, maaga pa tayong magpapaenroll.
Luis: Heto na nga’t nagliligpit na. Gisingin mo si Nene at
isasama natin. Mauna na rin kayong maligo.

Habang naliligo ang mga kapatid, nagsasaing na si Luis.


Nene: (lumabas ng banyo) Ang ginaw Kuya!
Luis: Ikaw talaga Nene. Hindi ka pa rin nasanay. Dapat tulong-
tulong tayo dahil wala na tayong magulang. Mabuti na lang at
pinatira pa tayo ditto sa binabantayan nating lupa.

(Palabas na si Makoy sa banyo)


Makoy: Ikaw na Kuya. Maligo ka na.

Pagkatapos maligo ay kumain na ang tatlo sa sinaing na kanin na


ang ulam ay patis at mantika.

Naglalakad na ang magkapatid papuntang paaralan upang


magpalista.
(Paaralan)
Guro: Nasaan ang Birth Certificate ninyo?
Ipinakita ni Luis ang mga dokumento.
Guro: Nasaan ang inyong Nanay o Tatay?
Tatlo: Wala na po.
Makoy: Patay na po sila. Kaming tatlo na lang po.
(Music)
Pasukan na...
Guro: Kumuha ng papel at lapis.
Kumuha ang mga mag-aaral.
Kaklase: Hahahaha! Maikli sobra ang kanyang lapis Teacher.
Nene: (Papaiyak) Wala kasi kaming pera pambili.
Guro: Class, iyan baa ng tinuro ko sa inyo?
Mag-aaral: Hindi po.
Nagpatuloy ang klase.
Pagkatapos ng klase. Humahangos papunta sa silid-aralan ni Makoy
si Nene.
Makoy: Huwag mo na lang pansinin iyon! Pagnakabenta tayo ng
maraming kalakal bibilhan ka naming ng lapis.
Uwian na...
Habang naglalakad nakasalubong nila ang janitor ng paaralan na
may dalang sako.
Luis: Kuya, ano po ba ang laman niyan?
Janitor: Ah, ito, mga bote ng mineral water at softdrinks.
Itatapon ko sa labas para madala ng trak.
Luis: Kuya, pwede po bang sa amin na lang iyan?
Janitor: Anong gagawin ninyo dito?
Makoy: Ibebenta po naming Kuya. Iyan lang po ang ikinabubuhay
naming sa ngayon mula ng maulila kami.
Janitor: Naku, kawawa naman kayo! Ulila nap ala kayo. Sige, kapag
may naipon akong mga maaaring ibenta, ibibigay ko sa inyo.
Magkapatid: Salamat po Kuya.
Janitor: Walang anuman. Huwag lang ninyong kalimutang manalangin
at magpakabait. Huwag tutulad sa iba diyan.
Umuwi na ang magkakapatid na masaya dahil may maidagdag na naman
sila sa ibebentang kalakal. Pagdating sa bahay agad silang
nagluto ng hapunan dahil pupuntahan pa nila ang mga pananim ng
kanilang amo.
Gabi na ng sila ay umuwi.
Naghapunan ang magkakapatid.
Luis: Mabuti na lang at may daing tayo ngayon. Baka bukas asin at
tubig na naman.
Makoy: Okay lang Kuya, basta sama-sama tayo.
Luis: Pagbutihan lang natin ang ating pag-aaral.
---------------
Luis: Makoy, pakisabi na lang sa guro ko na hindi muna ako
papasok ng ilang araw.
Makoy: Oo Kuya. Kami ni Nene lang muna ang papasok.
Sa Paaralan...
Makoy: Ma’am Pinili, hindi lang muna makakapasok si Kuya ngayon
dahil kailangan niyang linisin ang mga damo sa mga
halamanan ng amo naming.
Guro: Bakit hindi ba maaaring sa pag-uwi na lang mamayang hapon
gagawin yan?
Makoy: Ayaw po ni Kuya na may masabi ang amo naming baka
palayasin po kami.
Ilang raw ding hindi nakapasok si Luis.
Guro: Makoy, nasaan si Luis? Ba’t hanggang ngayon wala pa rin
siya?
Makoy: Sorry po. May dinagdag na utos kasi sa kanya.
Naghome Visitation ang mga guro. Nakita nila si Luis na
naglilinis sa lupang inihahanda para sa pagtatanim ulit ng tubo.
Guro: Luis, halika muna.
Luis: Opo, ma’am.
Guro: Ito baa ng ginagawa mo tuiwng mag-aabsent ka?
Luis: Opo ma’aam. Ito at pangangalakal lang kasi ang ibinubuhay
ko sa mga kapatid ko. Sa halip na mag-absent sila, ako na
lang. Gusto ko kasing makapagtapos sila ng pag-aaral. Ako
na kase ang nanay at tatay nila.
Guro: Kawawa naman kayo. Paano ka naman? Graduating ka pa naman
ngayon.
Luis: Minamadali ko na nga ang utos upang makapasok na ako ma’am.
Sana maintindihan niyo ang kalagayan namin. Gustong-gusto
ko rin pong makapagtapos.
Guro: Alam kong makakaraos din kayo. Ipapaalam koi to sa
punongguro upang matulungan kayo.

You might also like