Professional Documents
Culture Documents
Pamilya Ordinaryo
Pamilya Ordinaryo
SCENE 1
Location: Under a bridge/streets
Characters for this scene:
Jane
Extra
:May isang babaeng naglalakad habang may isang lalaking humahabol sa kaniya at sinaksak siya
ng kutsilyo. Tumakbo ang sumaksak sa kanya. Lumapit ang dalawang lalaki sa biktima habang
may isang lalaki na hinabol ang sumaksak.
1st lalaki: Rosmar!!!!!!!!
Nagpanik silang dalawa.
2nd lalaki: Tumawag kayo ng motor dali!
Nakita ni Jane ang pangyayari habang nakabitbit ng sanggol. Naglakad si Jane papalayo.
SCENE 2
Location: Streets na merong puso
Characters for this scene:
Jane
Barbara
Aris
1st lalaki
2nd lalaki
Julie
:Nag lalakad sila Barbara at Jane galing sa relief center.
Barbara: Okay naba kayo ni Aris?
Jane: Okay na kami kagabi pa.
Naglakad
Jane: Yung bigas at noodles ipagpalit nalang kaya natin ng sabon at shampoo
Barbara: Bat dikayo nakakaluto sa inyo?
Jane: Hindi eh pinapaalis din kami eh
Barbara: Yan ang sabi ko sa inyo eh, lumpat na kayo samin eh. Oh ayan na si Aris oh! Una na
ako.
Jane: Sige babye Mag ingat ka ha?
Pumunta siya kanila Aris kung saan naliligo sila.
Jane: Oh Aris, may pagkain na tayo
1st lalaki: Woow!!
2nd lalaki: Bigyan mo din kami ha!
Jane: Bahala kayo diyan!
Aris: Damot mo ah! Maligo kana, amoy putok kana!
1st lalaki: Oo nga!
2nd lalaki: Mas madalas kapang kinakama ni Aris kesa sa pagligo mo!
Jane: Manahimik ka!
Naglakad siya papunta kay Julie
Jane: Julie pahawak nga, maliligo lang ako
Kinuha ang bata
Julie: Okay
Scene 3
Location: Side of the street
Characters of this scene:
Jane
Aris
Baby Arjan
May ninakaw si Aris na Cellphone sa isang foreigner. Ito ang ginamit ni Jane upang videohan
ang kaniyan nobyo.
[NAG VIDEO SI JANE KAY ARIS]
Jane: Hellooow!! Ito pala ang asawa kong napakapangit na napakabaho pero mahal na mahal ko
yan!
Tumawa si jane
Jane: Ano kaba naman, mag smile kanaman. Kunin mo nga si Arjan!
Kinuha ni Aris si baby Arjan
Jane: Ito si baby Arjan! Ang cute cute niyan manang mana sa nanay
Sumimangot ang mukha ni Aris sa harap ng camera
Jane: Arjan yan! Yan ang pinangalan namin…. Jane at Aris
Aris: Bilisan mo!
[BACK TO NORMAL CAMERA]
Jane: Saglit lang! bakit kaba nag mamadali? Di kaba makapag antay?
Nag scroll si jane sa phone
Jane: Picture muna tayo
Aris: Ligo ka muna!
Naiinis si Aris na nakatingin sa gilid.
Hinampas ni Jane ang Kamay ni Aris at tinutok ang camera sa kanilang tatlo
Jane: Tumingin ka! Isa lang naman to eh! Dali na bilisan mo..
Aris: Okay na yon
Jane: Isa isa nalang… Aris andamot mo naman!
Galit na tumingin si Aris kay Jane at pumwesto upang mag picture silang dalawa
Scene 4
Location: Gilid ng kalsada
Characters:
Jane
Baby
Erna
Tumawid ng kalsada si Erna patungo kena Jane. Nang mapansin ni Erna sila Jane, agad siyang
lumapit upang batiin sila.
Erna: Janeee!! Dito ka pala, musta na?
Jane: Ayos lang..
Erna: Asawa mo?
Jane: Tatrabaho
Erna: Oh ano ha? Utang ka? Marami akong pera
Jane: Nako, di talaga ehhh
Erna: Utang kana, Jaaaane! Tyaka muna isipin kung paano mo babayaran. Ha? Kung ayaw mo
ng pera, bilhan natin ng damit si baby? Pampers? Tara!? May alam kabang malapit ditto?
Jane: Merong malapit dyan na tindahan. Wait… Teka…. Walang mag babantay sa anak ko
Erna: Isama natin si baby… Hali kana isama natin si baby
Tumayo na sila at naglakad papuntang tindahan
Scene 5
Location: Tindahan
Characters:
Erna
Baby
Jane
Cashier
Papunta sina Jane at Erna sa tindahan. Pagpunta nilang dalawa ay nag tingin tingin silang
dalawa.
Erna: Pili kana Jane
Nagturo si Jane ng mamahaling pampers.
Jane: Pwede po ba ito?
Erna: Oo naman
Jane: Kaso ang mahal
Erna: Okay lang
Pag kuha ni Jane ng isang pampers ay biglang nag silaglagan ang mga ito. Kinuha niya ang mga
ito upang ibalik.
Erna: Hay nako Jane. Dahan dahan akin na nga si baby.
Binigay ni Jane si baby
Erna: Dahan dahan
Nang makapili na sila ng mga bibilhin nila ay inatasan ni Erna si Jane na kunin ang pera sa
kaniyang bag
Erna: Jane kunin moa ng pera sa gilid ng bag ko. Kunin moa ng pera
Tumingin sa calculator
Erna: Jane baka kulangin tayo mag cacash out lang ako sa g cash ah? Balik lang ako
Tindera: 269.89 lahat
Jane: Ito po ang bayad ko te ah! Hanapin ko lang kasama ko
Scene 6
Location: Gilid ng kalsada
Characters:
Jane
Aris
Pagkalabas ni Jane, Tinawagan niya si Aris upang ipaalam ang nawawalang anak nito.
Jane: Hello Aris! (naiiyak) Andito ako sa may tindahan. Sumama kasi ako sa isang kakilala ko.
Nalingat lang ako. Tingay niya…. Tinangay niya…
Sumagot si Aris sa kabilang linya
Jane: oo (Umiyak) Tinangay niya si baby Arjan! Pumunta kana ditooooo!!! Hahanapin natin
siya!!! OO DALIAN MO!! Bilisan mo ha!
Pumunta agadagad si Aris at pinuntahan si Jane.
Aris: Anong nangyari! (galit) Bat ka andito! (Binatukan si Jane)
Jane: Tinagay ng bakla si baby arjan
Aris: Asan si Arjan!?
Aris: SINONG BAKLA!?
Jane: Si Erna, di ko alam!
Lumapit si Aris sa mga kasama niya.
Aris: Hanapin mo naman yung baklang naka kulay pula oh
Lalaki 1: hali na kayo dali
Naghanap na ang mga kasama ni Aris habang si Aris naman ay bumalik sa kaniyang nobya.
Aris: Bakit mo kasi binigay!
Jane: Sorry na *Sobs
Scene 7
Location: Sidewalk
Characters:
Jane
Aris
Scene 9
Location: Park
Characters:
Aris
Jane
Mama ni Ertha
Mama ni Ertha: Kulang to ehhh.. Di bale pagkakasyahin ko nalang ito.. Babalitaan ko nalang
kayo
Aris: Te gusto niyo samahan nalang naming kayo?
Mama ni Ertha: Mag babarko nga lang ako… may pamasahe kayo? Pag kasyahin ko nalang nga
ito kulang nga eh kung alam ko lang… Teka, duda ba kayo? Nako! Kong alam ko lang hindi na
sana ako pumunta reto gumastos pa ako ng pamasahe.
Binigay ang pera
Mama ni Ertha: Oh! Kong wala kayong tiwala sakin…Ito yung pera ninyo… Akon a ngang
tumutulong sa inyo ako pa ang pinag iisipan niyo ng masama..
Jane: Aris ano ba!?
Tumayo si Jane at hinabol ang mama ni Ertha
Jane: Ale, ale, ito na po.. Text niyo nalang kami ha?
Mama ni Ertha: Oh sige, antayin niyo nalang ang text ko
Jane: Sige po
Scene 10
Location: Streets
Characters
Jane
Aris