You are on page 1of 3

KABANATA 1 ACT 1 : “ISANG HANDAAN

Narrator: Alamin ninyo ang kuwento ng mga taga- San Diego; maraming malungkot, masungit, marami rin ang
nagsasaya, parang walang problema, o di kaya’y nagkukunwaring walang problema.

Sa Kalye Anloague ng Binundok, sa isang malaking bahay, nakatira si Don Santiago de los Santos, na higit na kilala
bilang Kapitan Tiago. Kilala siya sa buong bayan dahil sa kanyang kayamanan, lalo at higit sa kanyang kabaitan.
Isang gabi sa kanyang tahanan…
(ACT 1 SCENE 1)
(Makikita ang tatlong babaeng pilipina na humahalik sa kamay ni Tiya Isabel. [INSERT PLATE BREAKING SOUND
EFFECT] Narinig ni Tiya Isabel na tila may nabasag na pinggan at mabilis niyang nakakapagsalita ng.. ]

Tiya Isabel - Hesusmaryosep! Maghintay lang kayo mga bulagsak!!!


(END OF SCENE)
(OPTIONAL SCENE)
Panauhin 1 - Napakalaking handaan nito! Ano sa tingin mo?

Panauhin 2 - Naturalmente! Si Don Santiago ay napakayaman. Hindi na niya aalahanin ang gumasta ng labis.
(END OF SCENE)

Narrator -

P. Damaso: Nakayayamot ang bansang ito! Halatang iba ang pamamahala dito kumpara sa pamamahala sa Madrid!
Ang masama pa, puro mga indio ang nakatira! Ayoko talaga sa mga Indio! Dalwampung taon akong nagsilbi at
nagtiis sa pagdidildil ng kanin at saging sa bayan ng San Diego bilang Kura Paroko. Ngunit nang umalis ako ay ilang
matatanda at hermanos terceros lamang naghatid sa akin! Mga walang utang na loob.

G. Laruja : Mag Dahan-dahan kayo Padre Damaso, pagkat nasa ilalim tayo ng bubong ng isang Indio!

P. Sibyla : Tama siya, Reverencia. Baka magdamdam si Kapitan Tiago.

P. Damaso: Hmp! Huwag kayong mag-alala. Matagal nang hindi itinuturing ni Tiago ang sarili niya bilang Indio.
Malayong-malayo na siya sa ganoong mga walang galang na tao.

G. Laruja: SIgurado na naman hong hindi naman kasing-saklap ng nangyari sa inyo ang sa amin.

P. Damaso; Naku! SIgurado akong nag sayang ka lamang ng pera sa pagpunta rito. Wala kang ibang kakainin kundi
tinola sa mga handaan at matutulog na hindi nasisiyahan.

KABANATA 2 : Si Crisostomo Ibarra

Kapitan Tiago : Mga ginoo, ikinalulugod kong ipakilala ang anak ng aking kaibigang si Don Rafael.

Tinyente Guevarra: (bubulong kay G. Laruja) Sino kaya ang bisitang kasama ni Don Santiago?

Kapitan Tiago: Siya ay si Juan Crisostomo Ibarra. Galing siya ng Europa. Sinundo ko siya mula sa kanyang
paglalakbay.

Ibarra: Ikinalulugod ko po kayong lahat na makikilala, Aba, Padre Damaso, ang kura ng San Diego. Ikinagagalak ko
po ng makitang muli ang isang matalik na kaibigan ng aking ama. ( Reaches for handshake with Damaso) (Damaso
doesn’t respond and backs away) Uhh, mukhang nagkakamali ako. Patawad ho, Reverencia.

P. Damaso: Hindi ka nagkakamali, hijo. Ngunit hindi ko kailanman naging matalik na kaibigan ang iyong ama.
T. Guevarra: Kung gayon ay ikaw pala ang anak ng nasirang si Don Rafael Ibarra.

T. Guevarra: Nawa’y ang kasiyahang napagkait sa iyong ama ay mapasayo.

Ibarra: Gracias, señor.

T. Guevarra: Isang mabait na tao ang iyong ama. Nakilala ko at malimit kong makasama ang inyong ama at
masasabi kong isa siya sa mga kagalang-galang at matapat na mamamayan ng Pilipinas.

Ibarra: Maraming salamat. Pinawi ng mga papuri ninyo sa aking mga duda ko tungkol sa nangyari sa kanya, gayong
ako na kanyang anak ay walang kaalam-alam.

Kabanata 3 : “Ang Hapunan”

You might also like