You are on page 1of 9

NOLI ME TANGERE

SCRIPT Mga Piling Kabanata mula sa Noli Me


BSBA FM2 – GROUP 2 Tangere Kabanata 1-10

INTRODUKSYON
1. Girl 1 – GALIT RAZEL ANN
2. Girl 2 – REBALDE KAYE ANN Narrator 1: Walang karagatang malalim at
3. Girl 3 – MENDOZA BEA walang malayong lupain – Ganito ang
4. Girl 4 – ILAGAN MHAY JUSTINE naging damdamin ni Gat Jose Rizal sa ating
5. Tiya Isabel – MANUEBO MARIEL bayan. Minahal niya ito higit pa sa kaniyang
6. Maria Clara – VILLARANDA MYRA buhay kung kaya’t nakagawa siya ng mga
7. Donya Victorina – BATICOS ALIAH kamangha-manghang obra.
8. Donya Consolacion – AGUILAR
CHARMAINE Narrator 2: Isa sa mga ito ay ang kanyang
9. Sisa - COMIA TRISHIA natatanging Noli Me Tangere. Saksi tayong
10. Padre Damaso – MAYUGA mga Pilipino sa kalupitan ng mga kastila
CHARLEMAGNE nang dahil sa paglalarawan ni Rizal ayon sa
11. Kapitan Tiago – COMIA TRISHIA kaniyang mga aklat. Bukod pa dito ay
12. Lalaki at Guardia Civil – SALAZAR marami pang mga natatagong kwento sa
BEVERLY & SIMARA LYKA JANE buhay ni Rizal.
13. Crisostomo Ibarra – ATIENZE JOHN
ERIC Narrator 1: Ngayon naman ay ating
14. Linares – BRUCE SAMANTA FAYE isabuhay ang kanyang mga gawa sa
15. Don Tiburcio – MALIGAYA ALBERT pamamagitan ng aming inihandang
16. Alperes – CALDO NADINE pagsasadula.
17. Elias – MALIGAYA ALBERT
18. Crispin – SARA AISA MAE Close-Open Curtain
19. Basilio – ZALDOA JHONRENIEL
20. Sakristan Mayor – DE ROXAS KABANATA 1 (Sa tapat ng isang bahay, may
ROWIELYN nagwawalis, nagkakape, at mga
21. Narrator 1 – RICALDE ERIN MAE nagdadapit-hatid)
22. Narrator 2 – MANUEBO MARIEL
23. Narrator 3 – BRUCE SAMANTA FAYE Girl 1: Uy, alam mo na ba kumare? May
pagdiriwang daw na magaganap mamaya sa
bahay ni Kapitan Tiago.

Girl 2: Aba! Kina Kapitan Tiago nga ba, ine?


Hmmmm. Naturalmente lamang na ito’y
magarbo!

Lalaki: (napahinto sa pag-inom ng kape)


Siyempre naman, ano! Paniguradong
magsidaratingan ang mga don at donya Mahigit na dalawampung taon akong
diyan sa tahanan ng mga Santiago de Los nanilbihan sa bayan ng San Diego. Ang
Santos buhay ko bilang pari ay nasubaybayan na
Girl 3: Kaya’t kailangan nating nila ngunit nang ako ay madestino sa ibang
magsipaghanda. lugar, kakaunti lamang ang naghatid sa akin.
Mga walang modo! Walang utang na loob!
Lalaki: (pabulong habang kinakamot ang
ulo) Pasosyalan na naman ito. Guardia Civil/Lalaki: Totoo ho ba yan
padre?
Girl 4: Ay naku! Sige na kumare, mauna na
ako sa’yo. Mag-aayos pa ako, eh.
Padre Damaso: Oo! At isa pa, nang dahil sa
Girl 1: O siya ako din naman. nagmamagaling na tenyente heneral natin
ay hindi ako madedestino sa iba. Siya lang
Close-Open Curtain ang bukod tanging naniniwala na ang taong
iyon ay hindi makasalanan. Aba’y hindi nag-
KABANATA 2 (Sa bahay ni Kapitan Tiago) iisip! Maski sa paglilibing sa mga
msasamang tao, ni hindi man lang ako
Tiya Isabel: Buenos Tardes, seniora’t senior! ikinunsulta.
Maligayang pagdating sa tahanan ng mga
Santiago de Los Santos. Lalaki: Maghunos-dili ka Padre Damaso.
Baka iyong nakakalimutan na tayo ay nasa
(Isa-isang magsisipasukan ang mga ilalim ng bubong ng isang indiyo! At hindi ka
panauhin. Mamamangha ang mga ito at naman siguro naghahamon ng away, hindi
magsisimulang magusap-usap.) ba? May kaniya-kaniyang opinyon ang mga
tao.
Lalaki: Pagkalaking tahanan, ano?
(Darating si Kapitan Tiyago. Magmamano sa
Girl 2: Oo nga. Tila isang palasyo sa laki! mga pari)

(Padre Damaso: papasok na nakakunot ang Kapitan Tiyago: Magandang gabi po sa


noo) inyong lahat. Ipagpaumanhin po ninyo kung
kayo ay naghintay ng matagal. Maraming
Lalaki: Nasaan na kaya si Kapitan Tiyago? salamat sa inyong pagdalo. Ipinatatawag ko
kayong lahat sapagkat may mahalagang tao
Tiya Isabel: Siya’y hindi pa dumarating. akong sa inyo’y ipakikilala.
Hintayin na lamang natin siya. Sandali lang
ho, papasok muna ako sa loob at medyo (Lalapit si Crisostomo Ibarra)
sumasama ang aking pakiramdam.
Kapitan Tiago: Siya ang anak ng mabait na
- Ang daming tao! (pabulong na reklamo) kaibigan nating lahat ng yumaong si Don
Rafael Ibarra, siya si Crisostomo Ibarra na
Padre Damaso: Kahit kailan talaga ay galing pa ng Europa.
walang kwenta ang mga indiyo na iyan!
Crisostomo Ibarra: Magandang gabi po sa
inyong lahat. (may mga kababaihan na naghahanda ng
pagkain at pinagseserbisyuhan ang mga
(Magbubulungan ang mga tao. May senyor.)
mamamangha at babatiin siya.)
Padre Damaso: Yung may leeg at pakpak.
GirL 3: At ikaw pala ang anak ni Don Ibarra?
(nakangiti) Crisostomo: Yung malaman.

Crisostomo Ibarra: Ako nga ho. (buong Padre Damaso: Ano ba naman iyan! Isang
galang na ngingiti) payat na leeg at pakpak ang ibinigay sa akin!

Girl 4: Nagagalak kaming lahat na makilala (Titikman pagkatapos ay ibababa nang


ka. padabog.)

Crisostomo: Maraming salamat po senyora. Kapitan Tiago: Crisostomo, sa iyong mga


napag-aralan sa Europa, alin ang iyong
Girl 1: Napakabuti ng iyong ama. Sana ay paborito?
mapunta sayo ang kasiyahang ipinagkait sa
kaniya. Crisostomo: Wala akong paborito.
Pagkatapos kong malaman ang lahat sa
Crisostomo Ibarra: Sana nga po. kanila, napagtanto ko na wala naman
palang magandang katangian ang mga lugar
(Lilibutin ni Crisostomo ang paligid. Babatiin sa Europa.
ang bawat nadaraanan. Tila may
hinahanap.)
Padre Damaso: Wala ka na bang ibang
Crisostomo: Ahhh.. (nag-iisip) Magandang natutuhan? Kahit sino ay matututunan ang
gabi ho. Maitanong ko lang po sana kung mga iyan kahit hindi maglustay ng kwarta.
kayo nga ba si Padre Damaso? Ang matalik
na kaibigan ng aking ama? (Ngingiti lamang si Crisostomo)

Padre Damaso: Hindi ka nagkakamali ako Close Curtain


nga si Padre Damaso. Ngunit hindi ata ako
ang tinutukoy mo sapagkat hindi ko Narrator 1: Naging mahigpit ang mga prayle
kailanman naging matalik na kaibigan ang kay Ibarra lalung-lalo na si Padre Damaso.
iyong ama. Naging mainit ang mata nito sa kaniya kahit
wala naman itong ginagawang masama.
Crisostomo: Ganoon ho ba? Ipagpaumanhin
ninyo Padre. Narrator 2: Sa kabilang banda naman,
dalawang magkapatid na sakristan ang
(Hihinga ng malalim si Padre Damaso) aming bibigyang-pansin. Sila ay sina Crispin
at Basilio na anak ni Sisa at Pedro. Katulad
Kapitan Tiago: Halina’t tayo’y kumain
ni Ibarra, ang magkapatid ay nakaranas ng Basilio: Naiwan po siya sa kumbento inay.
pagmamalupit ng mga prayle. Pinagbibintangan po kasi siyang
magnanakaw.

Sisa: Bakit? Dahil ba tayo ay dukha at


KABANATA 3 (Sa Kumbento) walang kalaban-laban kung kaya’t ang iniisip
nila ay magnanakaw tayo? (Habang
Sakristan Mayor: Alam mo bang mabigat na naghahanda ng hapag-kainan.)
kasalanan ang pagnanakaw at
pagsisinungaling? Halika, at matitikman mo Halika muna anak. Magpahinga ka muna at
ang katumbas na parusa. kumain. Heto ang kanin at tawilis.

Crispin: Tulungan niyo po ako! Papatayin Basilio: Ngunit inay, hindi po ako kumakain
nila ako! Wag po. Hindi po ako ng..
magnanakaw. Magbabayad nalang po
ako,’wag niyo lang po akong sasaktan. Sisa: Alam ko. Alam ko anak na hindi ka
Hahanapin po ako ng aking inay. kumakain ng tawilis. Ngunit dumating ang
iyong ama, at kinain ang iyong ulam.
Narrator 1: Walang habas na pinaslang si
Crispin nang dahil sa pagaakusa sa kanya sa Basilio: Narito si itay kanina? Dumating
kasalanang hindi niya ginawa. Nagmadali siya? Pero umalis din siya kaagad diba?
namang umuwi si Basilio upang sabihin ito
sa kaniyang ina. Umiiyak ito at naginginig sa Sisa: Anak..
takot. Nang dahil sa mga pangyayari,
masisiraan ng ulo ang kanilang ina na si Sisa. (Aalis si Basilio na tila may galit sa kaniyang
puso. Punong-puno ito ng hinanakit.)
KABANATA 4 (Ang buhay ni Sisa)
Sisa: Basilio! Anak! Diyos ko po, ano’ng
Open Curtain gagawin ko?

Basilio: Inay! Inay! Gising po inay! (Kukunin niya ang balabal at susubukang
hanapin si Crispin)
Sisa: (bubuksan ang pinto) Diyos ko po! Ano
ang nangyari sa’yo anak?! Sinaktan ka ba ng Sisa: Crispin, Basilio. Mga anak, umuwi na
mga prayle? kayo. Narito na ang inay.

Basilio: Inay.. (hinihingal, utal magsalita.) (Itatanong ni Sisa ang kaniyang mga anak sa
Tumakas po kasi ako sa kumbento dahil ako bawat taong kaniyang makikita at
po ay natakot. Ngunit si Crispin.. madaraanan. Tatanggi ang mga ito at ang
iba ay itataboy siya. Makikita ni Sisa ang
Sisa: Ano ang nangyari sa mabait kong si isang damit na may dugo. Maalala niyang
Crispin? ito ay kay Crispin.)
Sisa: Crispin! Anak! Ano ang ginawa nila Maria Clara: (naaawa kay Crisostomo)
sa’yo? Hindi magnanakaw ang anak ko! Mahal, tama na ang iyong galit. Pakitaan
Bakit niyo siya pinatay! Mababait ang mga natin siya ng kagandahang-loob.
anak ko. Hindi nila magagawa ang mga
ibinibintang niyo sa kanila! [Pinagmasdan ni Maria Clara si Crisostomo
ng may pag-aalala. Habang sila'y nag-uusap,
Guardia Civil: Hoy babae! Huwag kang bumalik na ang masayang atmospera sa
maingay! asotea.]
KABANATA 6
Sisa: Ssssh!!! Maririnig ka ng mga anak ko!
Close-Open Curtain
Guardia Civil: Baliw!
Crisostomo Ibarra: Mahal ko, nagustuhan
(Dahil nabaliw na si Sisa, aawayin niya ang mo ba ang aking ipinatayong paaralan?
guardia civil. Kakaladkarin naman ng
guardia si Sisa) Maria Clara: Oo naman, mahal ko.

Close-Open Curtain (Dumating si Padre Damaso. Babatiin siya


ng lahat maliban kay Ibarra)
KABANATA 5 (Suyuan sa Asotea)
Padre Damaso: Hindi man lang niya ako
Close-Open Curtain binati? Talagang mataas na ang pagtingin
niya sa kaniyang sarili. Nakarating lang sa
Narrator 3: Sa isang malaking hapag-kainan, Europa, akala mo kung sino na ang umasta.
nananghalian sina Crisostomo Ibarra, Maria
Clara, Kapitan Tiyago,Tiya Isabel at iba pang Maria Clara: Wag mo na lamang siya
mga panauhin. Bigla namang dumating si pansinin, mahal ko.
Padre Damaso at babatiin siya nang lahat
maliban kay Crisostomo. Crisostomo Ibarra: Kung alam mo lang kung
gaano ako nagtitimpi sa kurang iyan.
Padre Damaso: (dahil sa damdamin)
Magandang araw sa inyong lahat! Padre Damaso: Katulad lamang siya ng
kaniyang ama! Aakalain mong disente
[May nagpapalakpak at ngumingiti, ngunit si ngunit hindi rin naman marunong gumalang
Crisostomo ay hindi nagpapakita ng sa batas ng simbahan!
anumang reaksiyon.]
Crisostomo Ibarra: Patawarin mo ako Maria
Crisostomo Ibarra: (sa sarili) Hindi ko Clara. Ngunit hindi na ako makapagtimpi.
kayang makipagplastikan sa taong ito. Ang
kanyang pagdating ay nagdudulot ng pait sa Padre Damaso: Tama lamang na siya’y
aking puso. parusahan na mamatay sa kulu—

(Hindi na naituloy ni P. Damaso ang


kaniyang sasabihin dahil siya ay
sinunggaban ni Ibarra na may hawak na
patalim mula sa lamesa. Tumindig ang lahat Open Curtain
lalo na si Maria Clara.)
Crisostomo Ibarra: Hahayaan ko kayo na Donya Consolacion: Pwe! Ang papangit
insultuhin ako ngunit huwag mo nang naman ng mga dumadaan!
idamay pa ang alaala ng aking ama.
Donya Victorina: Hoy labandera! Kami ba
Tiya Isabel: Maghunos-dili ka Ibarra! Alagad ang pinariringgan mo?
ng Dios ang iyong kinakalaban.
Crisostomo Ibarra: Alagad ng Dios? Paano Donya Consolacion: Bakit? Natamaan ka
niyo nasabing siya ay alagad ng Dios? Ang ba? At anong sabi mo? Labandera? Ikaw,
taong ito ang naghatid sa aking ama sa bruha! Gusto mong labhan ko ang iyong
kabiguan. At ngayon ay nilalapastangan niya buhok? O kaya mas mainam, eh plantsahin
ang alaala ng aking ama! Ganito ba ang ko pa! Bru-ha! Ha-ha-ha!
dapat na maging gawain ng isang alagad ng
Dios? Donya Victorina: Matandang
mangkukulam! Kung makapagsalita ka,
Maria Clara: Crisostomo. Pakiusap! Alang- akala mo naman eh pagkaganda-ganda!
alang sa akin, huwag mong sasaktan si
Padre Damaso. Donya Consolacion: (Hawak ang latigo at
nagmamadaling bumaba) Hindi ako
(Binitawan ni Ibarra ang patalim at ang natatakot sa’yo! Ano?!
takot na si Padre Damaso.)
Donya Victorina: At ikaw pa ang
Crisostomo Ibarra: Maria Clara, kung hindi naghahamon? Akala mo ba’y uurungan kita.
lamang kita iniiibig, malalaman mo kung Sige,
may dugo nga bang dumadaloy sa kurang
iyan. (Sisigaw ang alperes, ang asawa ni Donya
Consolacion)
(At nilisan niya ang lugar at napag-iwanan si
Maria Clara na lumuluha.) Alperes: Ano yan?! Bakit kayo nag-aaway?!
Para kayong mga bata!
Close Curtain
Donya Victorina: Hoy. Iyang asawa mong
Narrator 1: Isang umaga, habang mainit ang matandang mangkukulam na pangit ang
sikat ng araw, ay naisipan ng mag-asawang pagsabihan mo!
de Espedaña ang mamasyal sa daan.
Isinama ni Donya Victorina si Linares sa Alperes: Hoy kung hindi ka lamang babae!!
pamamasyal. Sila ay kinantyawan ni Donya
Consolacion nang mapadaan ang mga ito sa Don Tiburcio: Tama na iyan. Wala tayong
kaniyang harapan. mapapala sa mga iyan!

KABANATA 7
Donya Consolacion: Hoy matandang pansamantala munang magtatago sa
pekeng doktor na pilay! Akala mo kung malayong lugar upang hindi na siya makita
sinong magaling! ng mga alagad ng batas. Ngunit bago iyon,
dumating ito sa bahay nina Kapitan Tiyago
Don Tiburcio: Tara na. upang magpaalam kay Maria Clara.
Kamakailan lamang ay nalaman ni Maria
(Tatalikod na ang tatlo at maglalakad Clara na ang kanyang ama ay si Padre
palayo, aalis na rin si Donya Consolacion) Damaso at inamin niya ito kay Ibarra.

Donya Victorina: Bakit hindi mo man lang [Ang eksena ay nagaganap sa bahay ni
nilabanan ang mahanging alperes na iyon! Kapitan Tiyago. Narito sina Crisostomo
Ibarra, Maria Clara, at Elias.]
Don Tiburcio: Sa tingin mo ba’y
makakalaban ako doon? Narrator 1: Nang dahil sa nagawa ni Ibarra
na paglaban sa simbahan, siya ay tinutugis
Donya Victorina: Hmmmm! Ikaw Alfonso! ng mga sarhento. Pinagbibintangan din ito
Bakit tumunganga ka lang diyan! Wala kang na nagpapasimuno ng isang pag-aalsa.
kwenta! Kapag di mo hinamon ang mga
iyon, binabalaan kita na hindi na matutuloy [Crisostomo Ibarra ay nagtatago sa isang
ang ipinangako kong kasal ninyo ni Maria sulok, habang si Maria Clara at Elias ay
Clara! At sasabihin ko ang tunay mong kausapin siya.]
pagkatao!
Maria Clara: Crisostomo, hindi maganda
Linares: Patawad ho senyora, sapagkat ang nangyayari. Kailangan mong lumayo rito
ayaw kong nanghihimasok sa away ng bago ka mahuli ng mga sarhento.
matatanda.
Crisostomo Ibarra: Oo, Maria Clara. Alam
kong hindi na ligtas para sa akin dito.
Close Curtain
Elias: Ibarra, kailangan mong magmadali.
Ang mga sundalo ay malapit nang dumating
KABANATA 8 (Sa bahay ni kapitan tiago) dito.

Narrator 2: Nang dahil sa nagawa ni Ibarra [Si Crisostomo Ibarra ay sumang-ayon at


na paglaban sa simbahan, siya ay tinutugis nagdesisyon na lumisan. Samantalang si
ng mga sarhento. Pinagbibintangan din ito Elias ay nagbabala ng mapanlikha, si Maria
na nagpapasimuno ng isang pag-aalsa. Clara ay tumingin kay Crisostomo nang may
Nagtungo naman si Elias sa tahanan ni pag-aalala.]
Ibarra, isang mabait na kaibigang
tumutulong sa kanya, upang abisuhan itong Maria Clara: Crisostomo, ingat ka. Huwag
tumakas. Ngunit nadakip pa rin si Ibarra mong kalimutan na mahal kita.
atsiya’y ikinulong. Subalit sa tulong ni Elias,
nakatakas ito. Nagtungo ito kay Maria Clara [Crisostomo ay tumango bilang sagot at
upang magpaalam. Si Ibarra ay saka lumabas ng bahay. Pagkatapos ay
dumating si Padre Damaso sa bahay ni
Kapitan Tiyago.] Narrator 2: Tumakas na si Ibarra kasama si
Elias. Sila ay nagtungo sa isang kaibigan ni
Padre Damaso: Maria Clara, mayroon akong Elias sa Mandaluyong. Doon muna
kailangan sabihin sa'yo. pansamantalang magtatago si Ibarra.

Maria Clara: Ano po iyon, Padre? [Crisostomo Ibarra at Elias ay naglalakad sa


Padre Damaso: (nagdaramdam) Ikaw ay daan nang biglang dumating ang mga
aking anak. guardia civil. Agad silang nagtago sa isang
tabi.]
[Mariang Clara ay nagulat sa mga sinabi ng
pari, habang sa kabilang banda, ang kasama Guardia Civil 1: Mayroon tayong dapat
niyang si Elias ay nakatingin ng may pag- habulin, mga kaibigan. May balita na dito
aalala.] dumaan si Crisostomo Ibarra.
Narrator 1: Kamakailan lamang ay nalaman
ni Maria Clara na ang kanyang ama ay si Guardia Civil 2: Huwag nating palampasin
Padre Damaso at inamin niya ito kay Ibarra. ang pagkakataon na mahuli siya. Baka
maaari tayong magka-promosyon.
[Ang eksena ay nagtatapos habang ang mga
karakter ay nag-aayos ng kanilang sarili sa [Ang mga guardia civil ay nagpapatuloy sa
kanilang mga pagnanasa at takot sa mga kanilang paglalakbay, habang si Crisostomo
pangyayari na nagaganap.] at Elias ay nanatili sa kanilang taguan.]
KABANATA 9 (Ang pagtakas at pagakawala
ni Crisostomo Ibarra) Narrator 1: Ngunit sa kanilang paglalakbay
ay nakita sila ng mga guardia civil.
Narrator 1: Tumakas na si Ibarra kasama si Nagparaya si Elias para sa kanyang senyor
Elias. Sila ay nagtungo sa isang kaibigan ni Ibarra. Itinago niya ito at hinayaan ang sarili
Elias sa Mandaluyong. Doon muna na mapaslang ng mga guardia civil.
pansamantalang magtatago si Ibarra. Dumanak sa ilog ang dugo nito.
Ngunit sa kanilang paglalakbay ay nakita sila
ng mga guardia civil. Nagparaya si Elias para [Elias ay sumuko sa mga guardia civil upang
sa kanyang senyor Ibarra. Itinago niya ito at iligtas si Crisostomo Ibarra, habang ang huli
hinayaan ang sarili na mapaslang ng mga ay nagtatago sa isang tabi.]
guardia civil. Dumanak sa ilog ang dugo
nito. Hindi naman malaman ng lahat kung Narrator 2: Hindi naman malaman ng lahat
ano ang nangyari kay Ibarra. Lumabas sa kung ano ang nangyari kay Ibarra.
mga pahayagan na patay na ito na siyang
ikinagulat naman ng marami lalo na si Maria [Ang eksena ay nagpapatuloy habang ang
Clara. mga guardia civil ay lumilipat na sa ibang
lugar at ang tubig ay umaagos sa ilog.]
[Ang eksena ay nagaganap sa daanan
patungo sa Mandaluyong. Narito sina Narrator 1: Lumabas sa mga pahayagan na
Crisostomo Ibarra at Elias, habang sila'y patay na ito na siyang ikinagulat naman ng
naglalakbay.] marami lalo na si Maria Clara.
Close Curtain
[Ang eksena ay nagtatapos habang ang
malalim na pag-aalala at lungkot ay
bumabalot sa mga karakter na nagtatago at
sa mga taong may nalalaman sa pagkawala
ni Crisostomo Ibarra.]

Open Curtain

KABANATA 10 Narrator 1: Nagmongha na lamang si Maria


Clara at hindi na tuluyang nakita pa si
Maria Clara: Hindi maaari! Ibarra. Naging masaklap ang naging
katapusan ng dalawa lalo na ang kanilang
Padre Damaso: Ano ang nangyari, anak ko? matinding pag-iibigan na nauwi lamang sa
wala. Bagama’t may mga naging mapalad
Maria Clara: Ngayon! Masaya na kayo? na tauhan sa kuwento tulad na lamang ni
Patay na si Ibarra! Pinaslang siya. Hindi ba’t Basilio at Sisa na nagkita sa bandang huli,
iyan ang gusto ninyo? Ang mawala na si salamin pa rin ito ng malungkot na pamilya
Ibarra?! sapagkat hindi na muling nakita pa si
Crispin. Isang masaya sanang lipunan ang
Padre Damaso: Anak! mayroon sila na ipinagkait ng mga may
kapangyarihan sa batas.
Maria Clara: Magmomongha na lamang ako
kung hindi rin naman si Ibarra ang laan para Narrator 2: Ang Noli Me Tangere, o “Touch
sa akin! Siya lang ang iniibig ko! At hindi ko me not” sa ingles, ay sumisimbolo sa naging
kailanman pakakasalan si Linares! pamumuhay ng mga tao noong panahon ng
pananakop ng mga kastila. Ito ay
Padre Damaso: Ngunit anak— sumasalamin sa mga kulturang ipinamana
ng mga kastila sa atin. At diyan po
Maria Clara: Kung itutuloy niyo ang kasal, nagtatapos ang aming dula. Nawa ay naaliw
magpapakamatay na lamang ako! namin kayo at may aral kaming naihatid sa
inyong mga puso’t isipan. Maraming
Padre Damaso: Patawarin mo ako anak! Salamat po.

(Lumisan si Maria Clara na umiiyak at (Ipapakilala ang mga tauhan)


iniwan si Padre Damaso na umiiyak din
habang nakaluhod)

Padre Damaso: Diyos ko, ito na ba ang


aking parusa sa mga nagawa kong
kasalanan?

You might also like