You are on page 1of 26

KASAYSAYAN NG

PANITIKAN SA
PANAHON NG
AMERIKANO
KALIGIRANG
KASAYSAYAN
== Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi
laban sa mga Kastila na sumakop sa atin nang higit
sa tatlong daang taon. Naiwagayway ang ating
bandila noong ika-12 ng Hunyo 1898, tanda ng
pagkakaroon natin ng kalayaan.Nahirang si Hen.
Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng
Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y
naging panandalian lamang sapagkat biglang
lumusob ang mga Amerikano.
KALIGIRANG
KASAYSAYAN
• Nagkaroon ng digmaang Pilipino-
Amerikano na siyang naging
sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel
Malvar noong 1903. Gayun pa
man, ang kilusang
pangkapayapaan ay nagsimula
noong pang 1900.
MGA KATANGIAN NG
PANITIKAN SA

1. Hangaring makamit ang kalayaan


2. Marubdob na pagmamahal sa bayan
3. Pagtutol sa kolonyalismo at
imperialismo
DIWANG NANAIG SA
PANAHON NG

1. Nasyonalismo
2. Kalayaan sa pagpapahayag
3. Paglawak ng karanasan
4. Paghanap at paggamit ng bagong
pamamaraan
MGA IMPLUWENSYA SA
PANANAKOP NG MGA
AMERIKANO
1. Pagpapatayo ng mga paaralan
2. Binago ang sistema ng edukasyon
3. Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan
4. Ipinagamit ang wikang Ingles
5. Pagpapalahok sa mga Pilipino sa
pamamalakad ng pamahalaan
6. Kalayaan sa pagpapahayag na may
hangganan
MGA PAHAYAGAN SA
PANAHON NG AMERIKANO
1. EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig
ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete
noong 1900
2. EL NUEVO DIA (Ang Bagong Araw) itinatag
ni Sergio Osmena noong 1900
3. EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang)
itinatag ni Rafael Palma noong 1900
4. Manila Daily Bulletin-1900
3 PANGKAT NG MGA
MANUNULAT

1.Maka-Kastila
2.Maka-Ingles
3.Maka-Tagalog
MGA DULANG IPINATIGIL

1. KAHAPON, NGAYON AT BUKAS –


sinulat ni Aurelio Tolentino
2. TANIKALANG GINTO- ni Juan Abad
3. MALAYA –ni Tomas Remegio
4. WALANG SUGAT – ni Severino Reyes
Panitikan sa Kastila
Naging inspirasyon ng ating mga
manunulat sa Kastila si Rizal hindi lamang
sa kanyang pagiging Makabayang lider kundi
dahil pa rin sa kaniyang naisulat na dalawang
nobelang Noli at Fili. Sinasabing ang
dalawang nobelang ito ang nagtataglay ng
pinakamahusay na katangian sa lahat ng
naisulat na nobelang pampanitikan, maging
sa Ingles at Pilipino. Kaya’t ang mga
nagaganyak sumulat sa Kastila ng mga
pagpuri sa kaniya at iba pa pang mga bayani
ay sina Cecilio Apostol, Fernando Ma.
Guerrero, Jesus Balmori, Manuel Bernabe,
Claro M. Recto, at iba pa.
CECILIO APOSTOL

Si Cecilio Apostol ay may tulang handog


kay Rizal, Jacinto, Mabini, at halos sa lahat
ng mga bayani ng lahi, ngunit ang kaniyang
tulang handog kay Rizal ang pinalalagay na
“pinakamainam na tulang papuri” sa
dakilang bayani ng Bagumbayan.
FERNANDO MA. GUERRERO
Si Fernando Ma. Guerrero ay ipinalalagay na
anting kasuklob ni Apostol sa paghahari ng balagtasan
sa Kastila noong kanilang kapanahunan. Sumulat din
siya ng tulang handog kay Rizal, ngunit ang
pinakamagaling niyang tula ay tinipon niya sa isang
aklat na pinamagatang “ Crisalidas” na
nangangahulugang “ Mga Higad”. Sinulat niya ang
“Invocation A Rizal” bilang panawagan kay Rizal na
isinulat niya noong ika-19-Hunyo, 1901 bilang
paggunito sa kaarawan ni Rizal.
JESUS BALMORI
Kilalang-kilala si Jesus Balmori sa sagisag na
“Batikuling” Naging Kalaban niya si Manuel Bernabe
sa balagtasan sa Kastila sa paksang “ El Recuerdo y el
Olvido”. Nahirang siyang “Poeta laureado sa wikang
kastika” dahil tinalo niya sa labanang ito si Manuel
Bernabe.
MANUEL BERNABE
Si Manuel Bernabe ay isang makatang liriko at
ang sigla ng kaniyang damdaming Makabayan ay
hindi nagbabago sa alin mang paksang kaniyang
sinusulat. Sa pakikipagbalagtasan niya kay Balmori,
higit siyang nagging kaakit-akit sa madla dahil sa
melodiya ng kaniyang pananalita. Ipinagtanggol niya
ang “Olvido” na nangangahulugang “Limot”
CLARO M. RECTO
Sa Katayugan at kadakilaan ng pananalita at
pamamakas, hindi nagpahuli si Claro M. Recto sa iba
pang manunulat sa kastila. Tinipon niya ang kaniyang
mga tula sa aklat na pinamagata niyang “Bajo Los
Cocoteros”(Sa lilim ng Niyugan). Sinulat niya ang
“Ante El Martir” na alay niya kay Rizal.
Mga Iba pang Manunulat sa Wikang Kastila

Adelina Gurrea – Kauna-unahang makatang babae sa


Pilipinas na magaling sa Kastila. Nagkamit siya ng
gantimplang “Premyo Zobel” sa kaniyang tulang awit
na “El Nido”

Isidro Marpori- napatanyag siya sa pamamagitan ng


kaniyang apat na aklat na pinamagatang “Aromas de
Ensueno”(halimuyak ng pangarap)
Mga Iba pang Manunulat sa Wikang Kastila

Macario Adriatico – sumulat ng magandang alamat ng


Mindoro na pinamagantang niyang “La Punta de
Salto” (Ang Pook na Pamulaan).
Epefanio de los Santos- nakilala sa tawag na “Don
Panyong” Ipinalalagay siyang magaling na
mamumuno, at mananalambuhay sa buong panahon
ng panitikang Kastila.

Pedro Aunario- sumulat ng Decalogo del


Protocionismo
PANITIKANG TAGALOG

Ang “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas at


“Urbana at Felisa” ni Modesto de Casto ang nagging
inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog.
Inuri ni Julian Cruz Balmaceda sa tatlo ang mga
makatang Tagalog. Narito ang sumusunod:

Makata ng Puso- Kinabibilangan nina Lope K. Santos, Inigo


Ed. Regalado, Carlos Gatmaitan, Pedro Gatmaitan, Jose
Corazon de Jesus Cirilo H. Panganiban, Deogracias del
Rosario, Idefonso Santos, Amado V. Hernandez, Nemecio
Carabana, Mar Antonio, atbp.
PANITIKANG TAGALOG

Makata ng buhay- pinangungunahan nina Lope K. Santos,


Jose Corazon de Jesus, Florentino Collantes, Patricio Mariano,
Carlos Gatmaitan, Amado V. Hernandez, atbp.

Makata ng Dulaan- nangunguna sa hanay nito ang mga


pangalan nina Aurelio Tolentino, Patricio Mariano, Severino
Reyes, Tomas Remegio, atbp.
LOPE K. SANTOS
Ang nobelista, makata, mangangatha, at
mambabalarilang si Lope K. Santos sa tatlong
panahon ng Panitikang Tagalog: panahon ng
Amerikano, ng mga Hapones, at bagong panahon.
Kung si Manuel L. Quezon ang “Ama ng Wikang
Pambansa” si Lope K. Santos naman ang “Apo” ng
mga mananagalog. Ang nobelang “Banaag at Sikat”
ang siyang ipinalalagay na kaniyang pinaka-Obra-
Maestra.
JOSE CORAZON DE JESUS
Kilalang-kilala si Jose Corazon de Jesus sa
sagisag na “Heseng Batute” Tinagurian din siyang
“Makata ng Pag-ibig” noong kaniyang kapanahunan.
Ang “Osang Punong Kahoy” na tulang elehiya ang
ipinalalagay na kaniyang obra-Maestra.
FLORENTINO COLLANTES
Isa ring batiking “duplero” tulad ni Batute itong
si Florentino Collantes. Siya ang unang makatang
Tagalog na gumagamit ng tula sa panunuligsang
pampolitika sa panahon ng mga Amerikano. Kilalang-
kilala siya sa sagisag na “Kuntil Butil” at ang
kaniyang obra maestra ay ang “Lumang Simbahan”
AMADO V. HERNANDEZ
Si Amado V. Hernandez ang tinaguriang “Makata
ng mga Manggagawa” sa ating panitikan sa dahilang
nasasalamin sa kaniyang mga tula ang marubdob na
pagmamahal sa mga dukhang manggawa. Para sa
kaniya, ang tula ay halimuyak, taginting, salamisim,
aliw-iw. Ang panitik ay makapangyarihan at ayon sa
kaniya pati hari ay napayuyuko ng panitik. Marami
siyang akdang naihandog sa panitikan tulad ng Isang
Dipang Langit, Mga Ibong Mandaragit, Luha ng
Buwaya, Bayang Malaya, Panday, Munting Lupa, at
iba pa. Ngunit ang pinakaobra maestra niya ay ang
“Panday”
VALERIANO HERNANDEZ PENA
Kasabay na nanaluktok sa larangan ng pagsulat
ng nobela ni Lope K. Santos si Valeriano Hernandez
Pena. Kilalang-kilala siya sa tawag na “Tandang
Anong” at sa sagisag na “ Kintin Kulirat”. Ang
Kaniyang ipinalalagay na pinaka-obra maestra niya ay
ang “Nena at Neneng”
INIGO ED. REGALADO
Si Inigo Ed. Regalado ay anak ng isang tanyag
na manunulat noong panahon ng kastila sa sagisag na
“Odalager”. Pinatunayan ni Regalado na hindi lamang
siya nanalunton sa dinaanan ng kaniyang ama, kundi
nakaabot pa sa karurukan ng tagumpay o “sumpong”
sa panitik. Naging tanyag din siyang kuwentista,
nobelista, at peryodista. Ang Kalipunan ng kaniyang
tula ay pinamagatang Damdamin.
TAPOS

You might also like