You are on page 1of 1

FILIPINO

4 WORKSHEET
SANHI AT BUNGA

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Salungguhitan ng isang beses ang sanhi at dalawang beses
ang bunga. Tingnan ang halimbawa.

Hal: Hindi nakaligo si Daryl dahil nawalan ng tubig sa kanilang bahay.

1. Ininom ni Dominic ang kalahating pitsel ng tubig sapagkat siya ay uhaw na uhaw.

2. Iniipon ni Harry ang kanyang baong pera kasi gusto niyang bumili ng laruang robot.

3. Tumapon ang tubig sa baunan ni Erica dahil hindi niya ito isinara ng maayos.

4. Nakalabas ng tarangkahan ang mga alagang aso ni Eunice dahil hindi nila naisara ang pinto.

5. Dahil palagi siyang kumakain ng labis-labis, tumaas ang timbang ni Jerome.

6. Si Samson ay natanggal sa kanyang trabaho sapagkat palagi siyang lumiliban sa pagpasok.

7. Maraming natutuwa kay Michael dahil siya ay mabait at palakaibigan.

8. Sobrang dami na ng sasakyan sa Metro Manila kaya malala na ang trapik sa malalaking kalsada.

9. Binigyan ng nanay ng bote ng gatas ang kanyang anak dahil ito ay umiiyak na sa gutom.

10. Masakit na masakit ang paa ni Carol dahil sinuot niya ang masikip na sapatos.

Teacher Abi’s Worksheets


teacherabiworksheets.blogspot.com

You might also like